Chapter 3

253 5 0
                                    

"Kanino mo naman natutuhang magsalita nang ganoon, Claire Ann Li Versoza?"

Nakangisi lang ako habang nakatingin kay Tita Gara. Nakauwi na kami sa bahay at kasalukuyang naghahapunan. As usual, hindi na naman makakauwi sina Mommy at Daddy dahil abala sila sa negosyo nila. Si Kuya Carson naman ay nasa bahay ng tropa niya dahil may gagawin silang thesis.

"I learned from the best, Tita Gara, and you are the best," mayabang kong sagot sa kaniya.

Tumili siya kaya tumawa ako nang malakas. Tumigil naman siya at sinaway ako sa lakas ng pagtawa ko. Inirapan pa niya ako pero ngumisi pa rin sa huli. Tita Gara and her traits.

Likas naman akong masunurin kaya tumigil din ako sa pagtawa. Pero halatang gulat na gulat si Tita Gara sa biglaang pagbitaw ko ng mga katagang iyon kanina. Maging sina Tita Vel at Tito Pierre ay hindi rin nakapagsalita agad. Kung hindi lang sumingit si Kuya Zion ay baka naging bato na kami roon.

"Nagmana ka talaga sa akin-makapal ang mukha!" ani Tita Gara at hinalikan pa ako sa noo.

Nakangiwi kong pinunasan ang noo ko. Amoy adobo na yata ito ngayon. Nag-peace sign naman siya nang mapansin ang matalim kong tingin sa kaniya.

But that was true. Medyo makapal nga ang mukha ko dahil sinabi ko talaga iyon sa harapan pa ng parents ng lalaking gusto ko. Mabuti na lamang at hindi lang nagsalita si Gunner. Ni hindi nga siya tumingin sa akin dahil abala siya sa librong binabasa niya. Isa pa ay muli niyang suot ang headphone niya kaya malabong narinig niya ang sinabi ko. Pero seryoso ako roon sa sinabi ko.

"Kailan tayo babalik doon, Tita?" curious kong tanong sa kaniya.

Kaagad namang tumaas ang kilay niya at bago nagsalita ay pinunasan muna niya ang bibig gamit ang table napkin. Napailing na lamang ako nang makitang pulang-pula na naman ang labi niya.

Inirapan niya ako. "Namimihasa ka nang bata ka. Sa susunod na araw pa tayo babalik doon!"

Napangisi na lamang ako. Mukhang mapapadalas ang pangungulit ko kay Tita Gara nito. Mukhang mapapadalas na talaga ang pagdalaw ko sa village nila Gunner.

Gunner and I often sees each other. Palagi naman kasing binibisita ni Tita Gara ang kaibigan niyang brokenhearted pa rin sa past fling nito. Kuya Zion, Gunner's brother, is a straight handsome man. Muntik na nga raw itong ligawan ni Tita Gara noon pero sinabihan daw siya ni Kuya Zion na he doesn't swing that way.

Actually, binibiro lang daw ni Tita Gara si Kuya Zion noon. Hindi raw naman kasi talaga feel ni Tita Gara na gawing isa sa mga ex-flings niya si Kuya Zion. Friend lang daw talaga ang tingin niya rito kahit iba siya rito. Saka hindi niya raw ito type.

"Pero crush mo siya?" tanong ko pa.

Inirapan niya ako. "Sino'ng hindi magkakaroon ng crush doon? Ang guwapo kaya tapos matalino pa? But that was before. Kaibigan na lang talaga ang tingin ko sa kaniya ngayon."

It was my turn to roll my eyes. Hindi raw niya type pero naging crush niya. Magaling din siyang magbiro, eh.

"Mawawala kami for two to three months. We need to focus on the new branch of our restaurant," Mommy informed us one night.

Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong magagawa dahil talagang abala sila sa negosyo namin. We are not that typical rich na lalago pa rin ang business kahit hindi tutukan. May dalawang branch lang kami ng Kiss and Taste sa bansang ito. Isa rito sa capital at isa sa Cebu.

Kiss and Taste is a restaurant na may different cuisine sa bawat floor. Hanggang fifth floor lang, may bar at indoor pool sa rooftop. It was my grandparents' business even before they died. Pinasa na lamang iyon kay Daddy bago pa man tuluyang pumanaw ang mga ito. Since then, ginagawa ni Daddy ang lahat upang mapalago ito.

Tears of Trapped ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz