Chapter 11

203 6 0
                                    

"Uuwi na tayo sa Sunday."

It was Sunday morning and I found myself sitting on the wooden bench sa labas ng bahay. I was enjoying my cup of coffee habang nilalanghap ang sariwang hangin. Gunner was standing right in front of me. He was talking to me regarding the date we will go back to the city.

Nakasuot lang siya ng pambahay. Kulay puting t-shirt na pinaresan ng kulay gray na sweatpants. Mukhang nag-work out yata siya kanina. Mukha lang naman dahil pasado alas nuebe na ngayon. Alas otso ang workout niya.

I smiled at him. "Alam ko."

Napakurap ako nang maalala ang nangyari the night before last night. I didn't had a chance to apologize to him. Saglit kasing nawala sa isipan ko.

I cleared my throat and sipped on my coffee. Nang matapos ay ngumiti ulit ako sa kaniya.

"I'd like to say sorry for how I acted the other night. That was childish of me."

Silence engulfed us. Gunner was just staring at me; maybe trying to read what's going on my mind right now. Maya-maya lang ay bumuga siya ng hangin.

"It's okay, Claire. It's just normal to act that way." He then smiled sadly. "I'm sorry as well. I was such a jerk to you-"

"Shut up," I cut him off. "We're good now kaya tumahimik ka na. Basta alam mo nang mahal kita kaya tumahimik ka na riyan."

I coolly sipped on my coffee again. Napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya inalok ko siya. I was actually just kidding but he took it seriously. Uminom siya sa tasang iniinuman ko!

"Uh, do you know indirect kiss?" tanong ko kay Gunner habang pilit kong itinatago ang aking ngiti.

Umiinom pa rin siya at mukhang wala na siyang balak na ibalik sa akin iyon. He then simply shook his head pero I know more. Duda akong hindi niya iyon alam, eh, nasa kolehiyo na siya tapos ako nasa high school pa pero alam ko na iyon. Besides, alam kong mas open na ang mind ng mga college students. Pero depende rin yata iyon sa environment.

"Pero he's Gunner! "giit ng maliit na boses sa utak ko. Walang hindi alam ang lalaking ito maliban lang sa gusto ko siya na kung hindi ko pa sinabi, hindi niya malalaman.

I grinned as I started playing with my braided hair. "We just did it, Gunner."

Kumunot ang noo niya, ibinaba ang baso at tinitigan ako. Maya-maya lang ay natawa siya. He shook his head and turned his back. Naglakad siya paalis kaya napalis ang ngiti ko. How dare him turn his back on me! And how dare him bring my cup of coffee with him?!

Nang sumapit ang tanghali ay sabay kaming lahat na kumain. I finally met Tito Fred na asawa ni Tita Felicia. We all ate together that noon. Nagkukuwentuhan lang sa mga kuwentong bayan sa bayan nila.

"So sinasabi ni'yo pong may totoong engkanto po talaga rito?" curious kong tanong, bahagyang nanginginig ang labi nang isaboses iyon.

"Hindi namin alam, hija," tugon ni Tito Fred. "Pero kuwentong bayan lang naman iyon."

Tumango na lamang ako. Somehow, creep flowed through my body. Pero alam ko namang hindi totoo iyon. . . or so I thought. Hindi naman kasi malilikha ang isang bagay kung wala itong basehan.

"One week lang talaga ang bakasyon ninyo?" mausisang tanong ni Tita Felicia.

She was looking at Shan kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain. Gunner was doing the same. Pero napapansin kong maya't maya niyang tinitingnan si Shan. Kung makatingin siya ay para bang mawawala si Shan anytime. Takot na takot yata eh hindi naman 'yan mawawala sa isang kurap.

Shan pouted her lips. "Nag-request nga po kami na i-extend ang break. We all deserve to have two weeks break dahil napakahirap ng college. Super nakas-stress."

"Ay, tama ka," pagsang-ayon ni Tita Felicia. "Noong college ako ay hirap na hirap ako. Sunod-sunod ang mga gawain! 'Yong thesis ay ginagawa na lang na assignment! Unlike noong junior high school ako noon na papeteks-peteks lang."

Nakagat ko ang labi ko. Shit. That's how hard the college life is? Parang gusto ko nang umatras, ah. Mas gusto kong buhayin na lang kami ni Gunner kasama ang mga anak niya. Kaya naman niya iyon, eh. Matalino kaya siya at madiskarte. Ayos na ayos lang talaga.

"Ano ang kukunin mong strand? O ano ang strand mo, Claire?" tanong ni Shan sa akin.

It's obvious na gusto niyang isali ako sa usapan which is very fine with me naman. Kahit papaano, may mabuti rin naman pala siyang naidudulot sa akin.

"ABM," simpleng tugon ko. I love money, yow. Not really good with numbers pero kakayanin.

May paghangang lumitaw sa mga mata ni Shan nang marinig ang sagot ko. Mukhang nagustuhan niya ang strand na balak kong kunin.

"Good luck sa iyo!" she wished.

I smiled a bit. "Ditto."

When we were done eating, I did the fixing of the table. I saw an improvement kaya ang saya-saya ko. Hindi na rin ako nakabasag ng kahit na anong babasaging gamit sa tuwing tinutulungan ko si Shan na maghugas.

"Ang relasyon ay parang mga babasaging kagamitan, hija," Lola Adara told me.

Kaming dalawang ang naghuhugas noon nang bigla niya iyong sinabi sa akin. Hindi umandar ang pagiging Jollibee ni Shan kaya wala siya rito at mukhang nakikipaglandian sa Gunner ko.

"Bakit po?" curious na tanong ko; hindi naman maiiwasan ang curiosity talaga.

Lola Adara smiled at me. "Dahil kailangan mong ingatan at alagaan itong mabuti kung ayaw mong mabasag at tuluyan itong mawala sa iyo."

Napatango ako sa sinabi niya. May point siya. I just took a mental note of that. Soon, magagamit ko iyon sa relasyon namin ni Gunner. I need to take care of it and do everything I can just to keep our ship sailing.

"Si Gunner po?"

Kagigising ko lang ng hapong iyon since natulog ako kaninang tanghali. Napagod ako sa pagkukuwentuhan namin ni Lola Adara kung kaya ay nakatulog ako at alas tres na ng hapon nang nagising.

"Nasa likod yata ng bahay, hija. Doon sa may punong mangga," tugon ni Lola Adara.

Bago umalis ay nagpasalamat ako sa kaniya. I took my time to find Gunner. Umikot ako sa bahay at nakita ko agad ang malaking punong mangga. I was about to call Gunner's name when I saw him with Shan.

My smile instantly fell when I saw what they are about to do. They were staring at each other, faces are just an inch away from each other until Gunner looked at Shan's lips and moved his head.

Under the mango tree, under the sun's rays, above the wooden bench, and under the flying birds. . . they shared their romantic kiss. They shared their romantic kiss with me staring at them. I am sure that their hearts are beating in the same beat and mine's beating in a loud beat.

I clutched my chest as tears started building up in my eyes. Just what the hell is happening?

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon