Chapter 27

226 2 0
                                    

It's been weeks since we last saw each other. Narinig ko ring nakauwi na rin si Gunner sa bahay nila. Nang minsan akong pumunta roon para ihatid si Ziari ay nakita ko siya. Nag-hi lang ako tapos umalis agad.

Akala ko wala lang sa mood si Gunner pero napapansin kong parang nilalayuan niya ako. He's getting far. Para bang hindi ko na siya maabot. He's always with Shan as well. Mukhang inaayos na talaga nila ang kung ano mang meron sa kanila.

“Loosen up, Gunner!” I told him one day.

Gunner looked surprised upon hearing that from me. Nakagat pa niya ang labi niya habang nakatingin sa akin. I was just maintaining my kind smile dahil iyon naman talaga ang dapat, 'di ba? Na maging masaya para sa iba kahit durog na durog ka na?

“Are we good now?” he asked, weighing something.

Saglit akong natigilan sa tanong niyang iyon pero sa huli ay nakangiti pa rin akong tumango. “Yeah.”

He sighed in relief. “Thanks God!”

We were staying in their garden. Nakaupo ako sa hammock habang siya ay nakaupo sa bench. Earlier, inaya ako ni Ziari na pumunta rito. Gusto niya raw na magpatulong sa akin sa assignment niya. Wala naman akong pasok kaya pumunta ako sa bahay nila only to see her playing with her Tito Gunner sa garden.

Nang makita ako ni Ziari ay nag-bless siya tapos nagpaalam na kukunin lang niya ang assignment notebook niya. Hanggang ngayon, eh, hindi pa rin siya nakabalik.

“So. . .” I trailed off and Gunner looked at me. “How are you and Shan?”

“We're. . . doing good.”

“Good to hear that.”

Silence reigned between us. I told him to loosen up pero there's still that awkward atmosphere. Hindi yata maalis-alis iyon. I need to make the atmosphere light. But even before I could speak, he did it first.

“How are you?” he asked.

Nakangiti pa rin akong sumagot, “Doing great.”

“Let's go to tapsihan? My treat.”

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Naalala niya pa rin pala ang lugar na iyon.

“Sarado na iyon,” tugon ko.

“Really?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Maging ako nga ay nagulat din nang matuklasan iyon. Gusto ko ngang kuwestiyunin ang tindera doon kung bakit nakasara na pero wala na talaga akong nadatnang tao roon. It's just like shallow feelings—nawawala bigla na parang bula. Ni wala man lang senyales na ipinahatid.

I nodded at Gunner. “Yeah. When Kuya Zion and I went there, we found out na matagal na pala iyong nakasara.”

Gunner blinked at me. “It seems like Kuya and you got closer.”

“Sort of.”

Nanliit ang nagdududa niyang mga mata. “There's no thing going between you, is there?”

Ang gago naman ng tanong ng lalaking ito. Napaka-insensitive talaga kahit kailan. Minsan ay mapadarasal na lang talaga ako sa mga pinagsasabi niya, eh. Ipinagdarasal kong sana naman ay matauhan siya. Me and Kuya Zion? Really? I can't imagine myself being with Kuya Zion right after Gunner and I fucked each other.

Now that's the real awkward. Imagine fucking the little brother before jumping to the elder brother? God. Disgusting. But then, what if he's just jealous? May kung anong saya akong naramdaman. Mukhang nagseselos nga siya.

Does that mean na hindi na niya mahal si Shan? Does this means na may pag-asa talaga kami para sa isa't isa? Does he love me now? Natuwa ako sa isiping iyon pero pinilit ko pa rin ang sariling umakto nang normal. I can't be crazy for him again. Ayaw kong parang timang na naman na nakangiti.

Tears of Trapped ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang