Chapter 20

254 8 0
                                    

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak na lighter at stick ng sigarilyo nang biglang sumulpot si Kuya Zion. That was his voice. Nilingon ko siya na noon ay nakatayo na sa tabi ko habang nakakrus ang mga braso. Nakataas pa ang kilay niya na para bang amuse na amuse siya sa akin. Ni hindi ko man lang narinig ang mga yabag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you think?”

Kuya Zion shook his head as he sat on the wooden bench under the mango tree. He's now already wearing his black shirt paired with a dark brown trousers. Black ang belt niya na may tatak ng mamahaling brand. Isang leather shoes naman ang suot niya. Ang mamahaling relo ay naka-display rin sa kaniyang bisig.

He smirked at me. “I never peg you as a little smoker.”

“Duh, Kuya? Impossible things are possible for me.”

“Yeah.”

Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nagsimula na lamang ako sa pagsisigarilyo. He seems oblivious about it dahil hindi naman siya nagreklamo. I tried to offer him one, but he just shook his head as a rejection.

“Ziari will know and she will get mad at me,” he claimed.

Tumango na lamang ako. Napatingin ako sa kalangitan at napansin kong unti-unti nang kumakagat ang dilim. Mabuti na lang at may naka-install na ilaw sa ibabaw ng punong mangga kaya hindi madilim sa kinaroroonan namin ni Kuya Zion. Pero bakit ba lumabas ang isang ito? Tapos na ba ang party ng anak niya?

“How are your feelings for him?” biglang tanong niya.

“Hmm?”

“Gunner,” makahulugang banggit niya sa pangalan ng kaniyang nakababatang kapatid.

Mapait akong napangiti at tinanggal ang sigarilyong nakaipit sa aking labi. Nakaramdam ako ng lamig sa tiyan nang dahil sa suot kong hanging top at jeans. Mas maigi siguro kung nagdala ako ng hoodie. Malamig pala sa lugar na ito.

Napabuntong hininga ako. “As much as I want to hate him, I just can't. My love for him can't be removed that easy, Kuya.”

Kuya Zion was silent. He was listening intently to me. I sighed and chuckled painfully. It's been years pero masakit pa rin ang ginawa ni Gunner. Masakit pa rin ang nangyari sa aming dalawa. Alam ko namang sinunod lang niya ang puso niya pero ang sakit pala niyon para sa part ko.

I did everything to impress him, to make him see me as woman and not as his little sister. Pero meron talagang instances na nakalaan nang mangyari. At ang tanging magagawa mo? Tanggapin ito. Acceptance is really the key. Pero kung kailangang ipilit, then go.

I closed my eyes and enjoyed the cold wind as it brushed against my skin. I could feel its coldness. . . and warmth at the same time. It's weird, right?

I smiled bitterly. “I felt so betrayed. He told me that he can't court Shan until she turns eighteen kaya umasa ako, Kuya.”

I opened my eyes at tumingala. Napangiti ako nang makitang tuluyan nang dumilim ang kalangitan. Napapalamutian man ng mga kumikislap na bituin ay hindi pa rin nito kayang itago ang kalungkutan na wala ang buwan. Just like me. I looked so fine with everything but truth is, I am feeling lonely for my moon is too busy with his chosen star.

I heaved a sigh. “I hoped high. Kasi akala ko. . . magiging akin na siya. Kasi nga, 'di ba? Hangga't wala pang ka-relasyon ang gusto mo, may pag-asa pa.”

I laughed sarcastically. “I did everything. I tried everything just to impress him. He once said na he likes girls doing household chores kaya I tried to do it. Yes, I failed noong una, pero hindi ako sumuko just to prove my love for him. I am so in love with him to the point na hindi ko kayang makita siyang masaya kay Shan. I did. . . pitiful and awful things back then.”

Muli akong napangiti nang mapait. “Sumobra ako, Kuya. Nasobrahan ako. Umasa ako nang bonggang-bongga kaya heto ako ngayon; para akong binomba sa katotohanang hindi ako ang mahal niya.”

Napatungo ako at pinaglaruan ang mga dahon sa aking paanan habang pilit kong inalala ang mga kahapon.

“I can still remember the day when. . . when I tore the paper Gunner sent to Shan kasi ayaw kong magkaroon sila ng komunikasyon in the midst of our SSC campaign,” pag-amin ko. “I even threw his phone to the water para lang hindi sila magkaroon ng communication.”

It was true. Nangyari iyon noong campaign namin. May fountain sa university namin at dahil ayaw kong makitang magkasama si Shan at Gunner ay pinalabas kong nahulog ang cellphone ni Gunner sa fountain. Sayang iyon dahil kabibili lang niya pero hindi naman siya nagalit sa akin. Pero mas gugustuhin ko na lang yata na magalit siya kaysa sa maging masaya siya sa piling ni Shan.

I know that was a childish act of mine pero I just can't bear seeing them together. Umabot pa talaga sa college ang pagiging immature ko noon. Pero ano ang magagawa ko? That's what love pushed me into. O baka naman ganoon lang talaga ako?

May iba-ibang paraan kasi ang pagpapahayag ng damdamin. Mayroong chill lang, mayroon namang possessive. Kadalasan, ang pagiging possessive ang nagtutulak na gumawa ng batid mong mali. Mapang-angkin kasi, eh. Hindi gustong makitang may nakakasamang iba ang minamahal niya.

I smiled sadly with what happened next. “But fate really loves them that the school head sent Shan as one of the representatives kasi hindi makapupunta 'yong original representative ng fourth year.”

I gulped and shook my head in disbelief. “At the end of the day, they got together. Kahit magkalaban ang team namin, they still got a chance to see each other every damn water break. Hindi man sila nanalo, masaya naman sila sa piling ng isa't isa.”

I blinked and heaved a sigh again. “Na-realize ko na. . . fate looks for ways just to connect two destined hearts.”

I put the cigarette stick between my lips and puffed the smoke then looked above. “Sad to say, it seems like we're not destined to fall for each other.”

“Tragic.”

Sa haba ng sinabi at kinuwento ko ay iyon lang ang narinig ko mula kay Kuya Zion. But I was actually relieved. Naramdaman ko kasing hindi na ako mag-isa. Naramdaman kong gumaan na ang dibdib ko dahil naipalabas ko na ang mga hinaing ko sa buhay.

Maybe when they said that we need an adviser was wrong. Good listener is the best. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mo ng mag-a-advise. Most of the time, you'll only need a listener: a real and genuine one who's more than willing to listen to your rants in your fucked up life.

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Tita Gara noon.

With my state right now, magkakaroon kaya talaga ako ng happy ending? Matatapos ko kaya ang kuwento nang nakahawak sa kamay ni Gunner?

Natawa ako. Pero paano naman iyon matatapos kung hindi pa nga kami nakapagsimula? But there were instances such that, right? 'Yong nagtapos kahit hindi nagsimula?

“But hey, you still do love Gunner, don't you?” panigurong tanong ni Kuya Zion.

Napangiti ako nang mapait. “Hindi naman kumukupas iyon, Kuya. Wala rin akong balak na ma-in love ulit if ever na ayaw niya talaga sa akin. Kasi alam mo 'yon? Gusto ko, siya lang. Kung hindi lang naman siya, huwag na lang.”

“Sweet,” he commented. He then looked behind me. “Oh, nandiyan ka pala, Gunner.”

I laughed at his prank. “Oh, please. Not again, Zion Gray. I'm not falling for your foolish prank again.”

Did he really think that his repeated tricks would work on me? Hah. In his fucking wet dreams.

“Claire. . .”

Unti-unting umawang ang labi ko nang marinig ang boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan akong napalingon sa kaliwa at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang lalaking kararating lang. Mula sa tindig, pangangatawan, amoy, at boses ay agad ko siyang nakilala. Mas gumwapo lang siya ngayon pero nakikilala pa rin siya ng puso ko.

He's here. He's really here. It's Gunner Zake Buenavista in flesh.

Act normally, Claire, boses ng aking isipan.

I put the cigarette stick between my lips, puffed the smoke and smiled at the new-comer. I acted cool yet deep inside me, I am already shivering.

“It's nice to see you again,” I admitted. “Welcome back, Engineer.”

Tears of Trapped ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora