Chapter 12

176 7 0
                                    

"Ilang baso ng tubig ang nilagay mo?"

I was not in myself when I heard that question. Napatingin ako sa ginang na nagtanong sa akin. It was Tita Felicia. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang ang kanang kamay ay may hawak na puting plato.

That afternoon, right after I saw Gunner and Shan sharing their kiss, I ran back to the house and went straight to my room. I wasted my time crying about what I've seen with my two eyes. Ilang minuto rin akong umiyak. Minuto nga lang ba o halos isang oras?

"Kaya mo ito, Claire. Pagsubok lang ang lahat na ito," bulong ko sa sarili.

Pasasaan ba at babagsak lang din si Gunner sa akin? Maybe hindi pa sa ngayon pero ipinapangako kong magiging akin din siya soon. Magiging kaming dalawa rin.

I was feeling slightly better earlier and I decided to fix myself. Naghilamos ako at laking pasasalamat ko nang makitang hindi naman gaanong mugto ang mga mata ko.

Nang makababa ako kanina ay may narinig akong kaluskos sa kusina. Ang akala ko ay pusa lang pero hindi pala. That's when I knew that Tita Felicia is doing something in the kitchen and so I decided to help her. Pero mukhang pumalpak yata ako.

"A-Ah." I scratched my nape as I tried to remember kung ilang baso ang nailagay ko sa gulaman powder. "Ten po."

Seven ang required kanina. Nakita ko iyon sa instructions on how to use. Pero nakulangan ako sa seven e. Mukha kasing naparami lang ang powder kaya dinamihan ko na ng tubig. Malay ko bang hindi pala puwede?

"Naku!" Napahawak si Tita Felicia sa kaniyang noo at mukhang problemado. "Kaya naman pala hindi agad naging sticky."

Umawang ang labi ko. "M-Mali ho ba ako?"

Mali nga ako. Paano ba iyan?

"Ano po ang gagawin?" dagdag ko pa.

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan nang dahil sa nangyayari sa paligid ko. Mukhang hindi narinig ni Tita Felicia ang sinabi ko. Abala na kasi siya sa pag-alis niyong kaserola na ginamit niya. I stayed there, embarrassed, and disappointed in myself. What have I done?

I cleared my throat at sinilip ang ginagawa niya. "I-Is there anything I can do to help you po?"

Sumagot si Tita Felicia nang hindi man lang ako nilingon, "Huwag na, hija. Maraming salamat at sinubukan mong tulungan ako."

I gulped when I felt the coldness in her voice. Alam ko naman na ganiyan lang talaga ang tono niya. Pero iba rin kasi ang tono na ginagamit niya sa tuwing nakikipag-usap sa ibang tao. Kay Shan ay mabait na mabait siya. Or maybe she's really kind and I just misunderstood her? I don't know anymore. I can't tell.

"A-Are you sure po na okay lang pong ikaw lang po ang gumawa?" paniniguro ko pa.

She looked mad and disappointed, too. Well, that's how I see her expression right now. Malay ko, 'di ba?

Tumango siya. "Oo, hija."

Pero mukhang nahihirapan siya sa pag-alis. I have to lend my helping hands. "T-Tulungan ko na lang po kayo riyan sa pag-alis ng water," alok ko.

Umiling si Tita Felicia. "Hindi na, hija. Bumalik ka na lang doon."

"Ano po iyan, Tita Fe?"

A voice echoed throughout the four-walled room. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses and saw Shan. She was still wearing the same clothes she wore earlier so I deduced she didn't changed her outfit. Mukhang galing din siya sa labas. Nasaan kaya si Gunner?

Nakangiting humarap si Tita Felicia sa kaniya. "Gulaman, hija."

"OMG!" bulalas niya at halos tumalon sa tuwa. "Paborito ko po 'yan!"

Lumawak ang ngiti ng ginang. "Kaya nga gumawa ako para sa inyo ni Zake. Gusto mo bang tulungan ako?"

"Opo! Tutulungan ko na po kayo!"

I moved aside to give space to Shan. She expertly moved around the kitchen like she knows every step on how to make a gulaman. Alam ko naman kung ano ang gulaman pero hindi ko lang alam kung ano ang proseso sa paggawa niyon. Or wala lang talaga akong interes na alamin iyon.

I sighed and decided to excuse myself. Hindi naman yata nila narinig ang sinabi ko kaya hindi ko na lang din hinintay ang sagot nila. Lumabas na lang ako ng bahay. Lumabas din ako ng gate para mapalayo sa bahay na iyon.

"Ay, 'yan ba 'yong batang kinukuwento ni Feli sa atin na kasama kuno nina Shana?"

"Ah, oo! 'Yong mukhang spoiled! Nakita ko 'yang nagsisigaw noong nakaraang araw dahil hinabol ng inahing manok."

Napakurap ako nang marinig ang boses na iyon. Masyadong occupied ang isipan ko kaya hindi ko napansing may mga ale palang nasa labas lang ng gate. They were holding a basin na may mga new washed clothes at mukhang tapos na silang maglaba.

Pero ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Mukhang maarte. Taga-siyudad, 'di ba?"

"Oo. Halata naman sa kilos niyan. Napaka-agresibo."

Umawang ang labi ko. Sa akin sila nakatingin so ako nga ang pinag-uusapan nila?

I tried to look around, trying to spot another person they might be talking about pero wala akong makita. Ako lang ang nandoon plus sila. Oh. They're talking about me, huh? At harap-harapan pa talaga.

"May pagka-bitchesa naman ang batang iyan. Tingnan mo 'yang kilay niyan."

Kumunot ang noo ko. Sa kilay ba nade-determine ang kasungitan ng isang tao? Mabait kaya ako!

"Spoiled 'yan. Tingnan mo at hindi man lang marunong gumalang ng mga nakatatanda. Sa halip na magmano, humalik lang sa pisngi ni Adara noon."

Eh? Eh that's how I normally greet people, eh! Pero marunong naman akong magmano! Nagmamano rin kaya ako sa parents ko!

"Tss. Mga kabataan nga ba naman ngayon. Mas na-a-adapt ang ibang kultura kaysa sa manalamin sa sariling kultura."

Umawang ang labi ko. "W-What-"

"Hindi na talaga marunong gumalang," the middle aged woman cut me off. She even rolled her eyes at me. Inaano ko ba sila?!

Nanlaki ang mga mata kong napahawak sa aking dibdib. Give mercy to my award when I was in first grade naman! I was awarded as the most respectful kid in my class! Nagba-bluff lang ba ang teacher ko noon?

Hah! I can't believe this! Hindi pa nga nila ako kilala, hinusgahan agad nila ako! Parang gusto kong maiyak na naman kasi ang sama-sama ng tingin nila sa akin. Para bang nakapatay ako ng tao tapos idini-deny ko.

Wala naman akong mapapala sa labas kaya bumalik na ako loob. On the way sa room ko, I bumped into Gunner. Hindi ko siya napansin agad. Okupado ang isipan ko sa mga sinabi ng mga tao sa labas. Masungit ba talaga ako? Bitch? Spoiled brat?

"Claire? Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

I looked at him with my furrowed brows. "Bakit kilalang-kilala na kayo ng mga tao rito?"

I just noticed na may another nickname na si Shan dito. Magiliw din ang pakikitungo ng ibang tao sa kaniya. Pamilyar din siya sa bahay ng Lola ni Gunner at kilala rin siya ng Lola ni Gunner. Just who is she? Bumisita ba sila rito noon nang hindi ko nalalaman?

Gunner smiled a bit. "We grew up here."

Nalaglag ang panga ko. What? They both grew up here? So that means, sa kanila na talaga ang lugar na ito?

Napalunok ako. So where is my place?

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon