Chapter 36

252 5 0
                                    

Manang let me help her. Siguro that time ay napansin niyang makulit ako. Pero hindi naman kasi talaga harmful sa baby ang paglalagay ng flowers sa vase. Dra. Santos advised me na alagaan nang mabuti ang katawan ko. She also told me malakas ang kapit ni baby ngunit huwag ko lang talagang pabayaan ang health ko.

A scene won't end without a conversation, may it verbal or non-verbal. Ayaw ko ring mapanisan ng laway kaya naman ay nagtanong ako sa ginang.

“Ano po pala ang pangalan ninyo?”

Tumigil siya sa pagpunas at humarap sa akin. “Ay, nakalimutan ko palang magpakilala sa iyo. Ako pala si Lolita, hija. Manang Loling ang tawag sa akin ng karamihan dito.”

Ngumiti ako. “Ah, can you tell me about yourself po, Manang Loling? Kung ayos lang naman po.”

Magiliw namang nagkuwento ang ginang tungkol sa sarili niya. Nalaman kong tagarito lang din siya. Malaki ang paghangang naramdaman niya sa may-ari ng bahay na ito na si Lola Adara kung kaya nang umalis ang matanda ay nagboluntaryo siyang siya ang mag-aalaga sa bahay nito. Close din sila ng matanda kung kaya hinayaan na lang din siya.

Nagulat ako nang malamang umalis si Lola Adara. Hindi man lang ako na-inform agad. Pero tatanungin ko rin si Gunner pagdating niyon. Nalaman ko ring bumalik pala sa Spain si Lola Adara. Kaya pala wala na siya rito.

“Sino po ang nagpapasuweldo sa inyo?” sunod kong tanong.

“Si Ma'am Vel, hija.”

Oh, ang mommy pala ni Gunner.

Nalibang ako sa pakikipag-usap kay Manang Loling na hindi ko namalayang ilang oras na ang nakalipas. Natapos na siyang magpunas sa mga vase, sa antique na mga banga, sa paintings, at sa mga aparador. Sinamahan ko rin siya sa labas nang sinabi niyang magwawalis siya and at the same time ay didiligan niya ang mga halaman. I volunteered to water the plants. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako.

Kung hindi lang tumunog ang tiyan ko ay hindi pa ako titigil sa pakikipagkuwentuhan sa kaniya. Lumabi ako nang mahina siyang tumawa. That was embarrassing pero hindi ako nahiya. Magaan ang loob ko sa ginang. Ang gaan niya kasing kausap. Walang halong pagkadisgusto na ako ang nakatuluyan ni Gunner. Or maybe she's not a shipper of Gunner and Shan.

That was a relief, though. Mabuti na rin at hindi siya sumama sa gang na Anti-Claire Ann na pinamumunuan ni Aling Matilde.

“Kumain ka na, hija. Ano ba'ng gusto mo?” tanong niya habang pinupunasan ang kaniyang noo gamit ang isang malinis na puting panyo.

“Initin na lang po natin 'yong niluto ng asawa ko, Manang,” suhestiyon ko.

Tumango siya. Nang makarating kami sa kusina ay tumulong na rin ako sa kaniya. As usual, hinayaan na lang niya ako.

“Kilala ni'yo po ba si Shan?” I decided to ask her that.

Wala namang masama roon. What's wrong is to be silent and assume things.

“Ang tinutukoy mo siguro ay si Shana,” aniya.

Tumango ako. “Siya nga po.”

Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Dito ako nakatira, hija. Alam ko ang kuwento ni Sir Gunner at Shana.”

Umawang ang labi ko sa pagkamangha. Bago kasi sa akin ang malamang may nakakakilala sa kanila (bukod sa mga kamag-anak nila) tapos hindi masama ang pakikitungo sa akin. Pero malay ko ba at pinapatay na pala ako ni Manang Loling sa isipan niya?

“Hindi po ba kayo na-disappoint na hindi si Shan ang pinakasalan ni Gunner?”

Hinarap niya ako. “Ang totoo niyan, nagulat ako, hija. Kanina ko lang nalaman na may asawa na si Sir Gunner at hindi si Shana.”

Tears of Trapped ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora