CHAPTER 3: RAIN

255 28 5
                                    

"Grabe ang lakas ng ulan."






Practice sana namin ngayon pero instead na nag pa-practice andito kami at nag aantay na tumila ang ulan. Malakas kasi ang buhos ng ulan, tapos ang ingay pa. Isa pa sa naging dahilan kung bakit hindi kami makapag practice dahil din sa hina ng internet kapag umuulan.








"Una na 'ko, Dex." Paalam ko, paalis kasi ako ngayon papunta sa school. Malapit na nga ako maka-graduate, pero dapat Naka bakasyon narin sana ako kung hindi ko lang babagsak ang isang subject ko.







"Ingat ka, malakas pa naman yung ulan." Sabi niya. "Ayos lang." Sagot ko naman at binuksan na ang payong kong dala.









Grabe ang lakas ng ulan, kasabay pa ng malakas na hangin. Grabe, talagang walang pa suspension?








Pagkatapos nang ilang oras na byahe at pag rereklamo ay nakarating narin ako sa university. Akala ko, ako lang ang papasok na parang nakipag laban sa baha, marami rin pala kaming gano'n.









Buti naman kahit halos late na ang pag ka dating ko sa university ay nauna parin ako sa pag pasok sa prof namin kaya hindi pa 'ko late.










Ilang oras lang din ang nakalipas nang matapos na ang klase. Sobrang lamig, malamig na nga sa labas grabe pa ang pa aircon ng classroom namin.










Napansin ko na may ilang oras pa naman ang natitira kaya naisipan kong dumaan muna sa library. Buti nalang pag pasok ko wala yung librarian, nakalimutan ko pa namang dalhin yung librong hiniram ko nung isang araw.










Nag hanap muna ako ng librong kailngan ko, at nung nahanap ko na kinuha ko agad at nag hanap ng upuan.










Theory of structures..







Habang nakatingin ako sa librong binabasa ko, bigla namang dumaan sa isip ko ang maraming tanong.










Ilang buwan nalang, graduated na 'ko.. tama bang itong kurso ang kinuha ko?








Huminga ako nang malalim. Alam ko sa sarili ko na mas gusto ko ang maging pro player, nakikita ko ang sarili ko na balang araw makakapag laro ako sa stage, sa maraming nang hihigawang tao.









Bigla akong nawala sa mood na basahin ang librong kinuha ko.












"Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko.. sa kursong.. tanging ang magulang ko lang naman ang may gusto." I whisper as my chin slowly rested on my hand.










"Hindi ko alam na parehas pala ta 'yo nang pinapasukan."









Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Napalingon agad ako, atsaka ko nakita ang isang pamilyar na lalaki.








"Wise!" Mahinang sabi ko kasabay nang pag ngiti rito.









Biglang nawala ang bigat nang iniisip ko kanina lang.









"Upo ako sa tabi mo, pwede ba?" Tanong niya.






"Sure!"











Hindi ko ine-expect na mag kikita kami sa university na 'to, whoa! Dito pala siya nag aaral!








"Hindi ko alam na sa university na 'to ka pala ang aaral?" Sabi ko kasabay nang mahinang pag tawa, teka— bakit ako natutuwa na andito siya?







"Hindi ko rin ine-expect 'to, nakita kasi kita kanina papasok sa university mukhang na late ka?" Sabi niya.







"Medyo, traffic eh." Sagot ko naman.








"Hm, ano 'yan? Nag re-review ka?" Tanong niya kasabay nang pag halumbaba niya.






"Yup, ikaw? Wala kang klase?" Tanong ko rin pabalik sakanya.







"Wala, pauwi na nga ako eh." Sagot naman niya.








"Ahh, ingat! Maulan sa labas." Sabi ko.








"Sasabay ako sa 'yo, anong ingat ka dyan." Mahinang sabi niya.









"eh? Wala ka bang payong?" Natatawang sagot ko, tumingin ulit siya sa 'kin.









Napatigil nalang ako sa pag tawa nang mag tagpo ang mga mata naming dalawa.











"Wala." Sagot niya, kaagad ko namang binaling sa ibang bagay ang tingin ko.










"O-okay.. sabay na tayo, kung gano'n." Mahinang sagot ko.













Dahil may kasama ako kaya hindi narin ako nag tagal pa sa library maya't maya rin ay umalis na rin kami.









"lakas parin ng ulan, Wais! Ang likot!" Naiinis na sabi ko.











"Teka lang naman, kaninong bag 'to? Kanino?" Reklamo niya rin pabalik sa 'kin.






"Bilis kasi mababasa na 'ko oh! Sige ka, kapag mag kasakit ako aalagaan mo pa 'ko." Biro ko na medyo may kasamang reklamo.










"Oo na, ingay mo." Sabi niya at finally! Na suot narin nang maayos ang bag ko sa harap niya.











"Hawakan mo muna nga 'to, tigil muna ta 'yo don sa waiting shed." Sabi niya.








Sus! Daming alam naman. Kahit naman hindi ko gusto, tumigil parin kami sa waiting shed. Nilapag niya ang bag ko sa upuan at ang bag niya, akala ko iiwan na 'ko ingay ko kasi.









Hinubad niya ang jacket niyang suot at inabot ito sa akin.










Bahagyang kumunot ang noo ko at tumingin sakanya. "bakit?.."









"Isusuot mo lang, anong bakit?" Sagot niya.












Dahan dahan kong binaba ang hawak kong payong at kinuha ang inabot niyang jacket sa 'kin.















"Suot mo na," sabi niya at lumapit sa upuan sa waiting shed kung saan naka lagay ang bag namin.








Napansin ko habang sinusuot ang jacket na ang kinuha siya sa bag niya.









"Ito pa, ayan." Sabi niya pagkatapos isuot sa 'kin ang sumbrero niyang kinuha niya sa bag niya kanina lang.









"ayan boss, ayos na ba 'yan?" Biro niya kasabay nang pag ngiti niya sa 'kin.











Hindi na 'ko nakasagot, ngumiti nalang ako. Mabait pala siya— Hindi, Mabait talaga siya.












"Thank you." Mahinang sabi ko.









"Wala 'yan, bawal ka mag kasakit eh." Sabi niya.


__________________________________________________
:)

The Almost Us Where stories live. Discover now