CHAPTER 4: DRUNK

220 28 0
                                    

TW: BAD WORDS



"Congrats guys!" Bati samin ng iba pang katulad naming players din matapos namin manalo nang dalawang beses.




Nagawa nga namin manalo, kahit wala pa silang tiwala sa isa't isa nagawa parin namin na mapanalo ang laban. Sabi ko naman eh, malalakas ang mga 'to lalo na si Danerie, mainitin lang ang ulo niya pero ibang iba na kapag in game na.


"GAGO— MPL!? MPL NA 'TO!!" Sigaw naman ni Dlar, napasigaw na nga siya dahil sa sobrang tuwa. Oo, daretsyo MPL na kami dahil nagawa namin manalo.




Pinag mamasdan ko lang sila habang tuwang tuwa silang pinag ce-celebrate ang pagka panalo namin.



"Good game, Vee." Sabi ni Danerie, napatingin naman ako sakanya nang mag salita siya. Katabi ko lang pala siya, hindi ko napansin.


"Good game." Ngumiti naman ako pabalik sakanya. Nilapag niya muna ang cellphone niya sa mesa at inabot ang kamay niya sakin para makipag shake hands.



"Danerie James Del Rosario, you can call me Wise." Pakilala niya sa sarili niya, bahagya akong nakaramdam nang saya ng ipakilala niya ang sarili niya sa 'kin.





"OhMyVeenus." sagot ko at nakipag kamay na sakanya.





"Tara guys inom!"






Hindi ko talaga balak na sumama sa inuman nila, nag iinom din naman ako pero hindi pa ako gano'n ka comfortable sakanila kaya wala talaga akong balak na sumama.




"Tara dito oh, maganda rito."




Dinala kami ni Dex sa isang resto bar, libre na raw ni Dex kaya pumayag narin kami. At minsan lang din naman kaya hinayaan na kami ng coach namin na mag enjoy kahit papano.







Hindi lang kami ang mga players ang nandito, karamihan sa mga tao rito kapwa namin online gamer na sumasali sa competition. Kaya karamihan dito kilala ng mga kasama ko.





"Shot! Para sa team!" Pagkatapos lang kaming abutan ng tag iisang basong alak pinapa shot agad sa 'min, Dex talaga oh!




"Cheers!"



Nilapag ko lang yung baso ko habang sila ay ininom na nila, ayoko malasing dito.





"Ikaw?" Tanong sa 'kin ni Dj. Katabi siya ni Dlar pero lumipat siya sa tabi ko at nag tanong.





"Bakit?" Tanong ko pabalik.






"Cheers, para sa team." Sabi niya at nag salin ng alak sa baso niya.






"Hindi.. okay lang, hindi kasi ako nag iinom e." Mahinang sabi ko at ngumiti nalang.






"Duda." Maikling sabi niya, "Pero ayos lang 'yan, hindi mo naman kailangan pilitin."







Muli na siyang humarap sa mga kasama namin at nakipag kwentuhan. Oo, gustong gusto ko rin naman na mag inom, hindi narin masama dahil ngayon nalang ulit at isa pa nanalo kami deserve ko rin siguro dahil sa mga efforts na ginawa ko.







Pero, hindi ko parin talaga kaya, nawawalan ako ng excitement kapag naalala ko yung nangyari last time na nag inom ako, baka mangyari ulit.









Habang nag masaya silang nag iinuman sa tabi ko, naisipan ko munang mag restroom saglit. Hindi narin ako nakapag paalam dahil masyado na silang busy sa pakikipag kwentuhan sa isa't isa.




The Almost Us Where stories live. Discover now