CHAPTER 9 - CELEBRATIONS

214 16 4
                                    

Wise



"Ikaw anong plano mo?" tinapik ako ni boss Tryke kaya napatingin ako sakanya. masyado akong na distract sa text sa 'kin ng kuya ko. 



"..huh? saan?" tinago ko na ulit ang cellphone ko sa bulsa ko at muling tumingin sa mga taong kausap ko. 







"Paps, anong plano mo this week?" Tanong ni Edward, nag kibit balikat nalang ako, "Ano bang meron?" tanong ko pabalik sakanila, natawa nalang ang iba kong co-players na katabi ko at si boss Tryke.







"This summer! hindi kaba natutuwa? every summer, pinapayagan tayo na mag bakasyon 'diba." napakamot nalang ako sa ulo ko, oo nga pala muntik— at hindi lang pala muntik dahil nakalimutan ko talaga 'yon, every summer hinahayaan kami ni boss na mag bakasyon madalas pa nga ay libre niya pa.









uh... this summer...







habang nag iisip ako na maari kong gawin this summer, bahagya akong napangit at mahinang natawa.









This.. summer.. birthday ko na..









Pero.. ano nga ba ang plano ko?..









"Ayoko nga mag celebrate, Vee."

Nakasimangot na sabi ko, pilit niya kasi akong pinag ce-celebrate nang birthday ko, ayoko nga!

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, manahimik ka."

Kung galit ako, mas galit siya sa 'kin. Hindi ko lang maintindihan bakit ba kailangan i-celebrate pa!?

"Bahala ka dyan."

Nag focus nalang ako sa nilalaro ko sa cellphone at balak kong h'wag nalang siyang pansinin.

"Tigilan mo na 'yan."

Hindi ko tinigil ang pag lalaro ko, mas nag focus pa 'ko habang naka kumot ang noo ko. 

"Danerie James, isa."

Hindi ko parin pinansin.

"Ano ba!?"

Nag taas na siya ng boses niya. Alam kong galit na siya, kaya pinatay ko na ang cellphone ko at nilapag.

"Umuwi ka sainyo, nag luto si tita h'wag mong sayangin ang effort ni tita sa 'yo."

Hindi ako nag salita.

"Alam kong galit ka..

Alam kong masama ang loob mo..

Pero wais..

Pamilya mo parin sila."

Naramdaman ko ang pag bago ng tono ng boses ni Vee.

"Hayaan mo na bumawi sila sa mga pag kukulang nila."

Habang inaayos niya ang mga damit ko nakita ko ang pasimple at mabilis niyang pag punas sa pisngi niya.

"At the end of the day, they're still your family no matter what."












"Paps?" Muli akong nakatanggap na pag tawag kay Edward. Unti unti nawala ang ngiti sa labi ko.






"Uuwi nalang siguro ako sa 'min." Sagot ko. Napatahimik ang lahat, hindi ko alam kung bakit ang katahimikan nila ang rason para muli ko silang tignan.






"Bakit?" Ngumiti si Boss Tryke at tumingin muli sa 'kin. "Birthday ko eh." Maiksing sagot ko, alam kong alam na ni Boss 'yon, gusto niya lang sa 'kin manggaling.






"How about mag beach nalang tayo sa birthday mo?" Ani ni Kiel, mukhang gustong gusto niya na mag beach kasama kami.





"Oheb, hayaan mo na si Wise na nag desisyon." Kalmadong sabi ni boss Tryke. "Ngayon nalang ulit siya nag desisyon nang pang sarili niya." Ngumiti siya sa 'kin.









Tumango nalang ako at hindi na sumagot, ngayon nalang ako nag karoon ng lakas na loob para sabihin kung ano talaga ang plano ko.








Hindi ko rin alam bakit..  Pero ayos narin nang ganito ako.











"Ah! Ano ba!?"








Lahat kami nagulat nang marinig namin ang malakas na boses ni Niks, may narinig din kaming malakas na tunog mula sa taas na parang may nabasag. Kaagad kaming umakyat sa taas at pinuntahan si Niks.









Pag karating namin sa gaming room kung saan kami nag pa-practice, bumungad samin ang basag na basement at si Niks kasama sa loob ng kwarto si Vee.








"Anong nangyayari rito?" Nag aalalang tanong ni Coach Bonn. Dahil bigla naming narinig ang pag sigaw ni Niks kaya halos lahat kami natatranta.






"Ito kasi eh! Bakit hindi ka mag dahan dahan!?" Pasigaw niyang sabi kay Vee na nag pakunot sa noo ni Vee.






"Teka, ako? hindi naman ako nakabasag ng basement, ikaw." Sagot naman ni Vee sakanya, kalmado parin ang boses niya kahit na nag tataas na ng boses si Niks.







"Talagang gagawin mo pa 'kong sinungaling!?" Lumakad siya palapit kay Vee. "Bakit hindi ba?" Nag taas narin siya ng boses.








"Tama na 'yan!" Malakas na sabi ko, napatigil sila sa pag sisigawan nila at napatingin sa 'kin.






"Pwede ba, nandito boss na 'tin Vee. H'wag ka dito gumawa nang gulo." Kumunot ang noo niya. "Tangina, ano?!"










Humarap siya sa 'kin, ramdam ko na ang galit niya, Oo, galit na siya.






"Tangina. Hindi ako gumagawa nang gulo! Kilala mo 'ko, hindi ako ang gumagawa nang gulo, ano ba!" Sinusubukan na siyang awatin ni Edward.







"Tama na 'yan.." mahinang sabi ni Edward.










"Niks, tara na." Lumakad na 'ko palapit kay Niks habang nakatingin samin ang lahat ng tao sa kwarto kung nasaan kami.









Nag simula na kami lumakad palabas ng kwarto. Habang nakatingin parin sila samin.

_____________________________________________________🌙

The Almost Us Where stories live. Discover now