CHAPTER 13: WARM

179 21 1
                                    

Vee

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, naka higa na ako sa isang malambot na kama. Wala akong suot na salamin kaya sobrang labo ng paningin ko, kahit ang nararamdaman ko ay sobrang bigat dahan dahan akong bumangon.






... Paanong.. nakarating ako rito?








Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang pag bukas nito. Nakita ko si Wise, saglit siyang napatigil nang makita niya ako. May hawak siyang basang towel at isang paper bag.









Muli na siyang nag lakad papasok sa loob, nang masarado niya ang pintuan nilapag niya muna yung hawak niyang paper bag sa side table at pansin ko na tila may kinuha pa siyang isang bagay hindi ko lang ma recognize kung ako dahil malayo ito sa 'kin.







"Mh. kumusta." Malamig na sabi niya at lumakad palapit sa higaan ko. Dahan dahan niyang nilapit ang kanyang palad sa noo ko.







"Mataas pa nga." Rinig kong sabi niya.
Salamin ko pala ang hawak niya, dahan dahan niyang isinuot sa 'kin ang salamin ko.








"Here, bumili ako ng gamot para sa 'yo inumin mo muna at mag pahinga kana ulit." Kinuha niya ang paper bag sa side table at inilabas ang mga gamot na binili niya, kasama rin dito ang isang bottled water.









"T-thank you." Sabi ko, kinuha ko agad yung gamot at binuksan ito. Kasunod naman niyang inabot naman niya isang bottled water.










Pagkatapos kong inumin ang gamot ko, sumandal muna ako, nararamdaman ko ang init sa buong katawan ko at the same time sobrang nilalamig din ako.










Tinanggal ko muna yung salamin na suot ko at muli akong bumalik sa pag ka higa ko. Sobrang lamig! Hindi sapat ang suot kong jacket at makapal na kumot na 'to.













Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko, hindi ko alam pero para bang ang katawan ko sobrang bigat at parang gusto ko nang pahinga.


















*******
Wise









"Oh? Kay Vee 'to 'diba?" Saad ni Ed pagkatapos makita ang isang pouch, kahawig nga nang laging dala dala ni Vee.







"Oo, kan'ya 'yan! Nang hiram kasi ako ng gamit nakalimutan ko naman ibalik!" Sabi ni Kiel, lumakad siya palapit kung saan nakalagay ang pouch ni Vee.









"Sunod mo na kaya, wala pa naman tayong practice bukas baka may mahalagang gamit d'yan." Sabi ni Edward. Tumango tango nalang si Kiel at lumabas na.











Naka upo lang ako sa couch habang nanood ng tv. Maya't maya pa, bumalik narin si Kiel, nakita ko na dala niya parin yung pouch siguro hindi na niya naabutan.











"Naka sakay na ata sa taxi si Vee eh." Sabi ni Kiel at umupo narin.











"Eh.. ano 'yan, another.. rape case nanaman?.." napatingin sa'kin si Kiel habang parang nag aalala na hindi mapaliwanag.










"Oo, nabalita nga rito na taxi ang huling sinakyan nung babae." Sagot ko naman. Medyo nakaka alarma talaga ang mga nangyayari ngayon lalo't na may mga kapatid akong babae.










The Almost Us Where stories live. Discover now