CHAPTER 6: PLANS

191 25 6
                                    

Vee

Tumunog na ang alarm, Around 5 AM na pala. Kaagad ko namang pinatay ang alarm ko, hindi ako nakatulog simula lumipat ako sa condo na 'to. It's nice to be back. Kinuha ko ang cellphone ko para mag check kung may text mula kay coach pero wala pa, ang nakita ko lang sa cellphone ko ang reminder ko sa pag inom ng meds.

Naisipan kong bumangon nalang, sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung makakaya ko bang pumasok ngayon. Pero kailangan kong pilitin, kailangan kong bumawi.


Pagkatapos nang ilang oras nakapag ayos na 'ko, nag breakfast narin at aalis nalang. Some reason, nakaramdam ako nang kaba nang maalala ko na ang pupuntahan ko ngayon ay ang bootcamp namin, Oo, makikita ko si Wise.







Kahit ano pa man ang maramdaman ko kailangan kong tumuloy, ni-lock ko na ang pinto ng condo ko at umalis na. Medyo naging mahaba ang oras nang binyahe ko dahil narin sa traffic kaya gano'n. Medyo marami naring tao sa bootcamp at may mga players din dito na hindi players ng mlbb kundi ng ibang laro tulad ng free fire. Nilapag ko na ang bag ko nang nakapasok ako sa loob ng kwarto kung saan kami nag pa-practice.

Nakaka relax naman dito, walang ibang ingay kapag pumasok kana. Walang ibang tao rito kundi ang dalawa lang na member at naalala ko may darating pang isang bagong player.


"Hello!" Napalingon nalang ako nang marinig ko na may bumati sa 'kin, Naka suot siya nang itim na salamin at medyo mahaba ang bangs niya.



"Anong role mo?" Tumayo siya sa kinauupuan niya kanina at lumapit pa sa 'kin. "Ah.. tank, support." Maikling sagot ko at ngumiti.


"Nice.. anong pwede naman itawag sa'yo? Para kasing.. mas matanda ka nang konti sa 'min eh." Medyo nahihiya niya pang sabi. Medyo matanda nga.


"Kahit ano, kahit Vee nalang." Tumawa ako nang mahina at napangiti naman siya, "Ayos 'yon, welcome ha!" Sabi niya pa.


"Thank you." Ngumiti ako pabalik sakanya, ang ganda ng smile ng batang 'to. "ikaw pala, anong name mo?"


"Edward." Ngumiti siya sa 'kin, "Edward Dapadap."




Napawi ang ngiti ko nang marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto, nakuha no'n ang atensyon ko kaya't napatingin agad ako, babae siya. Naka salamin din, mahaba ang buhok niya at maputi. Naka suot siya ng jersey na t-shirt at name ni Wise ang nakalagay.





"Si Wise?" Tanong ng babae, tumingin siya sa'min ni Edward at ngumiti, may bitbit siyang gamit at nilapag 'yon sa mesa. "Wala pa eh, bakit niks?" Tanong naman ni Edward sakanya.




"May dala akong food, ayan oh para pang lunch niyo na." Ngumiti siya ulit, parehas sila ni Wise ng ngiti.


"Sige, una na 'ko." Paalam niya, iniwan lang niya ang bag sa isang gaming chair. Bubuksan na sana niya ang pinto nang mapatagil siya dahil sa taong biglang nag bukas nito.





"Oh, Wise!" Muling ngumiti ang babae, napaka laking ngiti habang naka tingin kay Wise. Napataas nalang ang kilay ko, sino 'tong babae?


"Dinala ko yung niluto ni Mama!" Sabi niya, nang isara ni Wais ang pinto bigla naman siyang tumingin sa 'kin kaya kaagad akong tumingin kay Edward na katabi ko. Hindi ko rin alam bakit bigla nalang akong nahiya.


"G-ganda ng.. ano.. ng t-shirt mo!" Sabi ko kay Edward at hinawakan ang dulo ng damit niya. "Ay, ito ba? Nako, mura lang 'yan!"


"Nag abala kapa pero salamat." Narinig kong sabi ni Wise, palihim akong tumingin sakanila. "Sige, ingat sa pag uwi, Niks." Nakita kong ngumiti siya sa babae pagkatapos hawakan ang ulo ng babaeng kaharap niya.



"S-sino.. si Niks?" Tanong ko, hindi ko na namalayan na nakatitig nanaman ako kay Wise habang nakasimangot na.

"hm? Si?" Tanong ni Edward, nagulat naman ako nang marinig ko siyang sumagot mukhang napalakas ata ang pag kakasabi ko.

"Hm? Wala, wala." Nahihiyang sabi ko.
Huminga nalang ako nang malalim habang hinihimas ang batok ko, pasimple akong sumusulyap kay Wais na busy habang hawak ang cellphone niya.


*****

Ilang oras pagkatapos nang practice namin, nakatanggap ako ng ilang compliment kay coach at sa mga teammates ko. Pero bakit kesa sa matuwa parang mas na pressure ako. Bumaba muna ako para kumuha nang maiinom, nasa second floor kasi ang mismong kwarto kung saan kami nag pa-practice at sa baba naman for interviews and stream, pero maingay sa baba kaya mas maganda mag stream sa taas.


Nang makakuha na 'ko ng maiinom ko, bumalik narin ako sa kwarto at habang nag lalakad ako sa hallway palapit sa kwarto kung saan kami nag pa-practice may narinig akong nag uusap. Nag simula akong mag lakad nang dahan dahan nang makalapit na 'ko sa pintuan dahil baka bukas ang pintuan kaya rinig ang pag uusap nila.



"Maganda naman 'yon, mag patayo tayo ng bahay." Narinig ko ang isang pamilyar na boses, boses ni Wais 'yon. Kausap niya ang babae na pumunta rito kanina si Niks.



"Yup! Tapos, may swimming pool diba?" Ani ni Niks, bigla nag bago ang tibok ng puso ko. parang.. tama ata yung hinala ko, girlfriend siya ni Wise?..





Dahan dahan akong nag lakad paatras, hindi ko kaya marinig sila na nag uusap. Ang hirap pala. Sobrang hirap makita ang taong mahal mo masaya sa iba. At hindi sa'yo. Pabilis na nang pabilis ang pag tibok nang puso ko, habang tumatagal hindi ko kinakaya, nanginginig ako at tila gustong umiyak.









Ang sakit marinig ng mga plano nilang... na naging plano rin namin noon.





****
2 0 1 5

"Shesh! Galing mag drawing." Bati ni Wise, kanina pa nangungulit. "Ganda 'no? Tapunan mo na ulit ng kape." Sabi ko kasabay nang pananaray ko sakanya.


Sa wakas! Pag katapos nang ilang oras na mag c-cram, natapos din ang final plate namin this sem! ang taging motivation ko nalang talaga ay ilang plate nalang at g-graduate na 'ko!




"Ganda oh." Ani Wais, nawala tuloy kasiyahan ko eh. Tumingin ako sakanya habang pilit lang ang ngiti. Napakunot ang noo ko nang ma-realize kong nakatingin pala siya sa 'kin.





"Ano ba, Wais!" Sabi ko at kinuha ang white folder ko para gawing harang sa mukha ko.




"Grabe naman, pinupuri ko 'yung drawing oh, ang ganda." Natawa siya hindi ko alam ang dahilan, trip na naman ako nang lalaking 'to. Nilapag ko na ulit sa mesa ang hawak kong folder.




"Tignan mo Wais, alas kwatro na nang gabi! natutulog nalang sana ako oh!?" Reklamo ko sakanya, aba! kung hindi dahil sakanya hindi naman ako mag c-cram nang ganitong oras! Tapunan ba naman ng kape ang plate ko eh!




"Sorry na nga, aksidente po." Malambing na ewan, 'di bagay sakanya.




"Pero look! Ang ganda, bagay na.. future house!" Ani niya.




"hm.." I hummed. Umusog siya palapit sa 'kin at umakbay, "Ang ganda kung ganyan magiging bahay na 'tin." Namula naman ang pisngi ko nang marinig ko ang sinabi niya, huh!?



"Hep! Bago ka mag 'Wais!' gusto ko sabihin sa 'yo, seryoso ako." Unti unting nawala ang pag kakunot nang noo ko.







"..Itong.. ito?" Sabi ko at tumingin sakanya, ngumiti siya sakin at tumango. "Iyan mismo." Sagot niya.

_______________________________________________________________🌙

The Almost Us Where stories live. Discover now