CHAPTER 14: "2020"

167 15 4
                                    

Wise



"And after that, 'wag niyong kalimutan na kailangan niyo nang ayusin ang mga gamit niyo by this month baka pumunta na tayo ng Indonesia para sa M7." Sabi ni boss Tryke habang hawak ang papel na nilalaman ang mga schedule namin.













Nang magising ako kaninang umaga, hindi ko rin namalayan na gano'n na pala katagal ang tinulog ko, hindi ko kasi naalala na nakainom ako ng gamot bago matulog pero sobrang himbing ng tulog ko. Parehas kami ni Vee na late na nagising pero ayos lang naman since wala raw kaming practice ngayong araw.












"How's Vee, by the way?" Tanong niya. Tumingin naman sila sa 'kin habang abala ako sa cellphone ko at may hawak na isang basong may laman na kape.













"Oh?.. he's fine." Malamig na sagot ko, medyo nakakaramdam ako ng weird feelings.












"Well, good to hear that. Ano'ng nangyari sakan'ya?" Dagdag na tanong niya. Tumingin ako ako sakan'ya at inilapag ang cellphone ko.













"Hindi pa siya nag kukwento." Sagot ko, huminga ako nang malalim. May pakiramdam akong hindi lang isang simpleng bagay ang nangyari kagabi.













"Hayaan mo muna, hanggang sa maging okay na siya." Tumango ako nang sabihin ni boss tryke 'yon. Mainam nang pakalmahin muna ang sarili at ang pag iisip.















"Oh? Asan pala si Vee?" Tanong ni Edward. "Nasa taas nag papahinga pa." Sagot ko.












"Ah.. sa kama niya?" Natawa naman si Hadji sa tanong nito. "Malamang! Bonak, saan pa ba? Sa kama ni Wais, eh 'di naman nag papahiga si Wise sa pwesto niya 'no!"













"Sa kama ko mismo." Sagot ko kay Edward. Napahinto si Hadji at napatingin sa 'kin. Kinuha ko ang baso sa harap ko at tumayo na.














"Babalik na ako sa kwarto, pahinga narin muna kayo."














"Tama, Yung medical mo kailangan 'yon!" Paalala ulit ni boss Tryke, tumango lang ako at nag lakad na.


















Nang makarating ako sa kwarto kaagad komg binuksan ang pinto at pumasok. Sa ngayon, medyo mataas parin ang lagnat ni Vee pero hindi na katulad kagabi na halos hindi na siya pag pawisan at sobrang init ng kan'yang katawan. Mabuti na kahit papaano ay nakakapag pahinga siya rito. Kahit na, maingay minsan lalo't kapag gising na ang mga players sa boot camp ang iingay kapag ingame na.














Pero kahit ngayon, kahit sinasabi ko sa isip ko na paulit ulit na 'wag nang isipin kung ano man ang nangyari.













Patuloy parin ang pag iisip ko, at ang pag aalala sakan'ya.

















Ah.. Wais.


















Pagkatapos kong ilapag ang isang basong kape sa side table ng kwarto. Kinuha ko na ang tuwalya at lumabas na ulit para pumunta sa banyo.
















Tama na ang pag aalala.. Wais.. ligtas na siya.. ligtas na.














"May pupuntahan ka?" Tanong ni Vee. Kakatapos ko lang maligo at makapag bihis. Pag balik ko sa kwarto ay nasilyan ko siyang naka upo na sa may higaan at mas mukhang okay na siya ngayon.














"Oo." Malamig na sagot ko at lumakad na tuluyan papasok ng kwarto. Lumapit ako sa salamin upang makita ang ayos ko, nag suklay lang ng kaunti at nag pabango.













"Okay kana?" Tanong ko sakan'ya. Dahan dahan naman siyang tumango.












"Okay na. Salamat." Sagot niya.














"Sige, una na 'ko." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.
















Dumaan ang ilang oras nang makarating ako sa center ng kuya ko. Naiwala ko kasi yung record ko at buti nalang doctor ang kuya ko at madalas na nasa kan'ya ang record ko kaya sakan'ya lagi ang punta ko.
Kaya rin maaga akong pumunta para wala pa masyadong tao.
















"Oh, Dj?" Ngumiti lang ako sakan'ya pag pasok ko sa loob.












"Kailangan ko ng medical records, nasan nga 'yon?" Tanong ko, may pag kamot pa sa ulo.












"Hay nako, nandon lang sa mga records, nandyan ang year mababasa mo naman sige na ikaw na mag hanap." Sabi niya habang busy na naka tutok ang buong atensyon sa kanyang laptop.















Lumapit ako sa drawer na may naka lagay na year na 2018. Nasabi sakin ni boss tryke na kailangan niya rin daw makita ang records ko since 2018.














"Eh, walang Del Rosario rito eh!" Reklamo ko naman.












"Halos kada taon may check up ka! hanapin mo o hahanapin mo." Sagot naman ni kuya, tss.














"Baka nalagay sa ibang year tignan ko nga rito." Binuksan ko yung isang drawer year 2020.

















Habang isa isa tinitignan ang bawat records sa taong 2020 naka rating na ako sa letter V nang hindi nakikita ang pangalan ko.














Laking gulat ko nang may nakita akong isang pangalan na pamilyar sa 'kin. Dahan dahan ko itong kinuha para matignan.















"Villaluna.." i whispered. Napatingin ako kay kuya habang hawak hawak ang papel.
















.. parang wala akong naalala..
















"Ah, kuya?" Napatingin sa 'kin si Kuya nang tawagin ko ito.













"Nung.. 2020 pumunta pala si Vee rito para mag pa check up?" Tanong ko.














"Oh. Oo, hindi mo alam? Hindi nasabi sayo?" Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko, wala akong naalala napag usapan namin ang tungkol dito.
















"Sa pag kaka alam ko pa nga, para 'yon sa unang laban niyo sa ibang bansa? Pero alam ko nung lumabas yung results ng medication niya, hindi na siya maari pang makasama."















Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..
















"Bakit? Ano ba ang naging resulta?" Tanong ko, iba ang naging itsura ni kuya parang nagulat sa itinanong ko.














"Hindi niya talaga nasabi? As in? Kung hindi ako nag kakamali, malala na naging sakit niya. That time ang naka assign na doctor si Dr. Ian, kaya hindi na 'ko masyadong aware sa kung ano ang nangyari." Dagdag pa niya.

















.. V-vee..















Ka.. kaya ba umalis siya?..



_____________________________________________________________________________🌙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Almost Us Where stories live. Discover now