CHAPTER 7: HE MADE IT

193 25 7
                                    

Vee
 

////
2 0 1 6

"Grabe nakaka pagod!" pag uwi namin galing sa isang tournament na sinalihan namin kanina, napa upo agad kami sa couch kasabay nang pag lapag nang mga gamit namin dala.


"Tubig oh, inom ka muna." Inabutan ako ni Wais ng isang basong tubig, kinuha ko naman 'yon agad 'yon, sa sobrang init at nakaka pagod na byahe sobrang na huwaw ako.




"Congrats, sa 'tin." Sabi ni Wais habang pinupunasan ang pawis ko sa mukha, matapos kong mainom ang tubig sa baso nilapag ko na 'yon sa mesa malapit lang 'din sa couch.


"Congrats din!" Bati ko sakanya, masyadong magaling ang pinakita ni Wais kanina— kaming lahat, kaya deserve namin ng reward. Pero kaming dalawa lang ni Wais ang dumaretsyo nang uwi dahil yung mga teammates namin may dinaanan pa.






"Grabe oh, ganda ng trophy." Puri naman ni Wais sa napalalunan naming trophy kanina sa tournament. Unti unti nalang akong napangiti habang masayang pinag mamasdan ang pinag hirapan namin.



"Oo nga." Sagot ko naman at napatingin siya sa 'kin, "Grabe parami na nang parami yung mga nauuwi na 'ting ganto ah." Nakangiting sabi niya.



"Ayaw mo no'n?" Biro ko naman, "Gusto, gusto ko nga sana next naman mpl." Tumango naman ako, kayang kaya namin 'yon.



"Oo naman, next mpl." Pag sang ayon ko.
Kayang kaya namin 'yon, nakikita ko na habang tumatagal mas lalo kaming nag i-improve, at nakakatuwa makita 'yon as their captain.




"Gusto ko mag champ, o kaya kahit.. mag second place! basta maka tungtong sa finals!" Ani niya, "Tapos.. gusto ko mag champ kasama ka!" Dagdag niya pa.






"Oo naman, mag ch-champion tayo nang mag kasama."








////
2 0 2 3

Naiyak ko na ata lahat kanina sa rooftop, nabuhos ko na ata kaya ngayon wala tuloy akong energy. Pero ayos lang nakapag shot call naman ako nang maayos kanina. Medyo sinisipon pa nga ako kaya daretsyo uwi na 'ko nito, gustong gusto ko na mag pahinga. Habang nag ligpit kami ng gamit namin tinawag ni coach ang iba naming teammates nag patulong mag buhat ng mga bagong gamit bili ng boss namin.

Nang matapos na nga akong makapag ligpit ng gamit ko bumaba na 'ko, bumungad nga sa 'kin ang mga teammates kong nag aayos ng mga gamit. May mga groceries din pala, dahil anong oras narin ito dumating sure akong anong oras narin sila matatapos dito.

Kaya nag decide na 'ko na tulungan muna sila, habang nilalagay ko sa pantry ang mga groceries na pinamili ng boss namin, hindi ko na nga namalayan ang oras.

"Nako, buti natapos narin!" Sabi ni Edward habang nakahawak sa bewang niya, sa dami ba namang inayos eh.

"Pagod na pagod ah!" Sabi ng isang namin teammate, "Syempre ako ba naman gumawa nang lahat eh, ano nga ulit ambag mo rito, Oheb?" Biro naman ni Edward sakanya.

"Aba, minsan kana lang namin makitang kumikilos nag rereklamo kapa ah." Biro rin ni Oheb sakanya, ang cute nilang pag masdan kala mo mag kapatid kung mag biruan.

"Tsaka nga pala Vee, anong oras na ah? May masasakyan ka pa kayang bus pauwi?" Biglang napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Edward, Teka— oo nga!

The Almost Us Where stories live. Discover now