Chapter 22: Special Event of CatrionElle & JaoSi; Let the Games begin

90 6 0
                                    

TAKE NOTE: KUNG NAGTATAKA KAYO KUNG MERON BANG ''INEVITABLY MINE THE SERIES'' ITO PO AY GAWA-GAWA KO LANG. WALA PONG GANUNG SERIES. SILA JAOJAY AND SI AY MGA CHARACTERS FROM ''BE MINE THE SERIES''. DAHIL PO SA SERIES NILA, SILA AY MGA 4 PAIRS OF GL LOVETEAMS.


Pauwi na si Maja sa mansion ni Dona Cielo. Kagagaling lang din sa bank to deposit which was successful. Habang ito ay pauwi na, nakasalubong niya ang magandang SUV. Narecognize niya yun at yun ay sasakyan ni Catriona and Michelle. 

Maja: Kela Catriona yan ahh. Saan kaya sila pupunta?

Dito ay sinundan ni Maja ang nasabing SUV halos ilang oras ang naging biyahe niya saka narating ang hindi familiar na coliseum. Tinanaw niya ang pagbaba ng dalawang dating miss universe. They were being accompanied by the security. Tapos nakita ni Maja na may ibang mga babaeng security na nagaccompany sa dalawang miss universe na pinagshiship ng mga Vadengs na pinagiinitan ni Dona Cielo.

Maja: Anong meron dyan? BAkit parang hindi kami updated? Tingnan ko kaya.

Bumaba si Maja at tinungo ang coliseum na yan. Habang ito ay papalapit saka siya nagdecide na tumawag sa kanyang Kuya Rex.

In the security office, nadetect nilang may tumatawag at noong natrace nila ang dialed number yun ay kasama sa mga homophobic community kaya agad silang gumamit ng signal jammer.

Biglang nagerror tone na lang ang phone ni Maja na sobrang ipinagtataka naman niya. Pagkatingin niya, nakita niyang biglang nawala ang signal. Tinanaw niya ang mga taong papasok sa coliseum, at sobrang nagtaka pa siya nang makita niya ang isa sa mga security na may katawagan.

Maja: Papaanong may signal siya? At ako wala?

Tugon ni Maja sa kanyang sarili. Tapos nun, mamaya ang isa sa mga patrol agents ay napansin siya. Kaya nun, pinagmasdan niya si Maja. Pinicturan na lang ni Maja ang venue na yan. Saka na ito umalis. Nginid sa kaalaman niya, si Cassandra ay nasa ilalim ng sasakyan ni Maja. Kinabit niya ang isang chip sa ilalim ng sasakyan.

Habang pauwi si Maja, halos pabalik-balik sa kanyang ala-ala ang lahat ng mga nawitness niya. Bukod pa sa pagkamatay ni Lira, naalala din niya ang araw na pinacancel ang GL Project ni Catriona and Michelle.


[FLASHBACK]


It was the time na nagkaroon ng magazine si Catriona and Michelle together as love team. Sila ay sobrang magkadikit at napakasweet ng kanilang paghawak kamay. Ito ay sobrang trending sa lahat ng social media. Mas trending pa ito kaysa sa ineendorse na Steak Restaurant nila. That was also the day noong dineclare ng Dona na sila ay homophobic at ipinagbabawal ang GL series nilang dalawa. Dahilan na pinacancel ang GL Project na yan. Kaya nun, pinagbabash na ang companies ni Dona Cielo, but she didn't bother and stress out. Sobrang natuwa pa ito dahil ito ang kanyang paraan para unti-unting maubos ang mga lesbians sa buong bansa. Lalo na din noong malaman nito na isa sa mga staff niya ay nagpakamatay dahil sa labis na sakit ng cancellation na yan. 

Then next day nun, nagising na lang ang Dona noong ginigising siya ni Maja. 

Maja: Ma! Ma! Gising! Gising po kayo!

Nakapungay ang mga mata niya at ito ay nainis dahil sa paginterrupt sa beauty sleep niya. 

Dona Cielo: Ma! Ma! Kailangan niyo po itong makita. 

Naiinis man, pero tumayo ang Dona, inalalayan ni Maja saka pumunta sa balcony sa labas ng kanyang kwarto. Natanaw niya ang kanyang gate na kung saan may mga babae. Ang mga babaeng yun ay mga nagrarally sa labas ng mansion ng De Leon. Sila ay mga Vadengs na sobrang galit kay Dona Cielo dahil sa pagcacancel nga sa GL Series sana ni Catriona and Michelle na sana ay sisimulan na nun kinabukasan. Galit na galit sumisigaw at nagrarant laban sa mga companies ng Dona. Ang kanilang mga madalas ay "Ibagsak!", "Kasuhan!", "Discrimination!" "Human Rights!" "Women's Rights!" at iba pang mga salita. May mga tarpaulin din na nakadrawing about sa sinusunog na homophobic companies. 

Divorced by Homophobic; Separated and Together Once AgainWhere stories live. Discover now