Chapter 27: Stealth Project / The New Flower Girl

91 3 1
                                    

Mga madaling araw na noong inutusan ni Janice ang kaibigang Phantom Agent na si Cassandra, na lagyan ng device ang connection ng CCTV Room ng buong Northford. Kaya nun, pumuslit ang kaibigan sa loob ng school. Mahirap man, pero nagawa niyang iwasan ang mga CCTVs. Habang papasok at umiiwas sa nasabing CCTV, nagtugon ng pabulong si Cassandra.

Cassandra: Bakit nga hindi si Doming ang pinapasok mo? Siya naman ang pinakamagaling lumusot, madulas pa. 

Janice: Alam naman nating kay Gov. Montoya malaki din ang galit niya. Isa siya sa pumatay kay Emily. At kapag nandyan ang Gov, baka anong magawa pa niya at mabulilyaso pa tayo. Kilala natin si Doming. At alam niya yan sa sarili niya. 

Saka nun tinungo ni Cassandra ang CCTV room, dahan-dahan niyang pinasok ang CCTV Room, saka nun doon ay gamit ang tiny pin, tinusok niya yun sa leeg ng mga guards, para lalo silang hindi magising. Tapos nilabas ni Cassandra ang flash drive niya at doon ay kinuha ang lahat ng mga access, codes, everything na makakatulong sa magkapatid na Vanguardia na maaccess ang nasabing footages. Saka nun maging invisible sila Belle, Mikha and Francine along with their friends sa paningin ng mga CCTV. Especially the Phantom Agents, Jane and Janella. Ang tawag naman doon ay Blinder. Kung sakaling mabulilyaso sila, walang makukuhang solid evidence laban sa kanila. It took several minutes bago nakuha ni Cassandra ang codes. Saka na siya umalis ng Northford without the security noticing. Saka na tinungo ni Cassandra ang apartment na inuupahan ng isang Phantom Agent. The same agent na nagbigay ng fake IDs kay Mikha. Para kinabukasan ay ibigay kay Mikha. 

-----

In the morning, back in Thailand si Grae ay kakarating lang sa compound nila Freen and Becky sa labas ng mansion. Gaya ng pagpapaalam niya kela Freen and Becky, dito na nga siya magask out kay Chantal for a date. It only took few minutes then the wait is over. Chantal came out. She was wearing green long sleeve shirt. Mini denim shorts and white shoes. Saka nun marahang lumapit kay Grae si Chantal.

Chantal: Hi, Grae.

Grae: Hi, Chanty. You look very nice.

Chantal: Hindi mo na ako kailangang bolahin. It's a yes.

Grae: Hm? Anong yes?

Chantal: Yes. You can date me. 

Ang serious face ni Chanty ay unti-unting napalitan ng ngiti. 

Chantal: Actually, I would also like to date you. 

Marahang tumalikod si Chantal para patagong ilabas ang kilig. Saka muling humarap kay Grae. 

Grae: Sorry, what?

Chantal: I said, I would also like to date you.

Napangiti ng bahagya si Grae sa kilig at hindi na niya nagawang itago pa. 

Grae: Wait. Really?

Chantal: Ayaw mo? Sige. Sayang naman ang porma ko.

Tugon ni Chantal na kunwaring tatalikod.

Grae: Wait, wait. Chantal. Ito naman oh. Biro lang. My gosh! I am very glad to hear it! I really couldn't wait to have a date with you. 

Chantal: Grabe ilang araw lang tayo nagkakilala.

Grae: Yes. Thank you so much!

Saka nun dito ay nagakapan sila ng mahigpit sa sobrang kilig at excited. At hindi nila namalayang si Freen ay dumating na at pagpasok ng porsche niya, ito ay bumaba at medyo matalim na nakatingin palapit kela Grae and Chantal, as she was crossing her arms. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Divorced by Homophobic; Separated and Together Once AgainWhere stories live. Discover now