Ikasiyam na Pahina

5 0 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

"What for, Ma? Inabanduna na tayo ni Papa! Ano pa ba ang gusto mo? Malaki na kami ni Feliciano pagkatapos hanggang sa pagtanda mo ay pagdidikdikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya?" Galit na galit na wika ni Felicia sa kanyang ina.

"Iniintindi kita, Felicia. Pinipilit kong intindihin ka. Pero ako ba intindi mo? Mahal ko ang ama mo at gusto ko siyang balikan! Ilang dekada man ang nakalipas, que trenta y años na kayong dalawa ni Feliciano, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa inyong ama!" Naiiyak na wika ni Fely sa kanyang ina. Naninikip ang dibdib nito sa pag-iyak sa kanyang ina.

"Stop, Ma! Just stop! Hindi pa ba na-absorb ng utak mo na iniwan tayo ni Papa para kay Julianne at Julie?! Ha?! Iniwan tayo ni Papa para sa mayaman at hanggang ngayon, nagbubulag-bulagan ka pa rin!" Nanggigigil na si Felicia sa galit sa ina. Kung hindi niya lamang ito ina ay nasabunutan niya na ito sa gigil.

"Pero anak-"

"No, Ma! I've heard enough! Pagpahingahin mo muna ako sa pagiging bulag mo." Wika na lamang ni Felicia at umakyat ito sa kanyang silid habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi niya gustong ipakita sa kanyang pamilya na apektado siya. Para sa kanya, ang luha ay para sa mga mahihina.

"Hindi ko na talaga kaya ang katigasan ng iyong kapatid, Anak." Umiiyak na wika ni Fely sa kanyang anak na si Feliciano. "Pagpasensyahan mo na si Ate, Ma. Alam mo namang palagi siyang matigas. Pero wala namang matigas palagi sa tao. Lalambot din yan." Wika ni Feliciano at saka ito ngumiti.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Nasa Basiao National High School si Felicia. Nakasuot ito ng uniporme at kasama niya ang kanyang mga kaklase. Naturingan siyang queen bee sa kanilang paaralan dahil sa kanyang talento sa pagsayaw.

Nakita niya si Julianne na kumakain ng pananghalian sa paaralan. Naglakad naman sila papunta sa lamesa kung saan si Julianne. Nang makarating sila sa pwesto ni Julianne, bigla na lamang tinabig ni Felicia ang pagkain ni Julianne sa sahig.

"F-Felicia!" Nanginginig na wika ni Julianne kay Felicia. Ngumisi naman ng malapad si Felicia. "Ayan, dapat lang matakot ka sa akin." Nang-uuyam na wika ni Felicia kay Julianne.

Nagtaka si Felicia nang unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Julianne at tumatawa na ito habang nakayuko. Unti-unting dumidilim ang paligid hanggang sa dalawa na lamang sila na nakikita sa sitwasyon na kinaroroonan niya.

Nagulantang si Felicia sa nakita nang nakita niya ang hitsura ni Julianne. Itim ang mga mata nito at umiiyak ng dugo. Sa tabi nito ay hawak niya ang diary at kutsilyo.

"Bukas na bukas din ay bibiyahe kayo papunta sa Capiz. Pumunta kayo sa mansyon kung hindi, mamamatay kayong tatlo dito mismo sa pamamahay niyo!" Ang pagbabantang pag-uutos ni Julianne kay Felicia.

"Never, Julianne!" Nanggigigil na wika ni Felicia. Tumawa lamang ng katakot-takot si Julianne bago ito naglaho sa dilim.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Kahit labag sa loob ni Felicia ay bumiyahe kaagad sila papuntang Capiz. Ilang oras din ang biyahe nila bago sila makarating sa bundok kung saan ang una nilang tirahan, ang kubo ni Mang Palito.

Dumiretso muna sila sa bahay ni Mang Palito at nang dumating sila ay buntong-hiningang kumatok si Felicia sa pintuan ng barong-barong na bahay nila dati. Hindi naman sila naghintay ng matagal at agad-agad na bumukas ang pintuan nito.

Natameme si Mang Palito nang makita niya ang mga taong ito. "Magandang hapon po. Kami po si-"

"Fely? Felicia? Feliciano? Kayo nga ba 'yan?" Lumiwanag ang mukha ni Mang Palito nang makita niya ang kanyang nawawalang pamilya makalipas ang ilang dekada. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya sa mga panahong iyon ngunit nagulat ang lahat sa mga sumunod na nangyari.

Sinuntok ni Fely si Palito.

Nagulat ang lahat lalo na si Felicia. Hindi niya sukat-akalain na magagawa iyon ng ina lalo na't alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang ama. Napangiti naman si Felicia nang matauhan siya mula sa pagkakagulat.

"Para 'yan sa panloloko sa akin." Nanggigigil na wika ni Fely sa dating asawa. Natahimik lamang si Mang Palito sa kanyang nakuhang pagbati. Tahimik na ipinapasok ni Mang Palito ang kanyang pamilya.

"Kamusta na ka-" Hindi na natapos ni Mang Palito ang kanyang sasabihin nang biglang lumitaw si Julianne sa kanilang tahanan. Nakangiti ito at kitang-kita ang dugo sa mga ngipin nito habang itim ang kanyang mga mata at umiiyak ito ng dugo at hawak ang kanyang diary.

"Kamusta ka na, Papa?" Nang-uuyam na pagbati ni Julianne kay Mang Palito. Napalunok na lamang si Mang Palito sa takot at kaba sa kanyang nakikita. "Fely, Felicia, at Feliciano." Isa-isa niya itong tiningnan.

"Magtutuos tayo ngayon!" Wika nito at saka bigla na lamang itong nagsalita ng panalangin sa lenggwaheng Latino.

O potentissime domine tenebricose, da vires ad mea recipienda et vindictam quam merui sumas!

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Nakaramdam ng matinding panghihina si Giselle habang silang magkakaibigan ay kumakain sa kanilang kantina. "Kamusta na kaya si Mang Palito?" Nag-aalalang tanong ni Giselle sa kanyang mga kaibigan. "Baka namimiss mo lang si Mang Palito." Ngumingising wika ni Brixtina sa kaibigan. Nirolyo na lamang ni Giselle ang kanyang mga mata.

"Seryoso ako, Brixtina. Nag-aalala ako para kay Mang Palito. Hindi siya umaabsent sa trabaho niya." Seryosong wika ni Giselle. Natahimik naman si Giselle at nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Nagmamadali namang tinapos ni Giselle ang kanyang pagkain. "Pupunta tayo kay Mang Palito ngayon. Nawalan na tayo ng tatlong kaibigan. Hindi ko na hahayaang mawalan pang muli ng kaibigan.

"Nababaliw ka na ba?! We have a class to attend, Giselle!" Nanggigigil na wika ni Brixtina. Sumang-ayon naman si Karen sa wika ni Brixtina. "Whatever. Kung ayaw niyong sumama, ako na lang ang pupunta doon. Kaya ko namang mag-isa." Kinuha ni Giselle ang kanyang bag at akmang lalabas na siya sa campus nang hinawakan ni Brixtina ang kanyang kamay.

"Hindi ko hahayaang umalis ka mag-isa. Sasama kami ni Karen." Wika ni Brixtina at saka naman sila naglakad nang sabay-sabay papunta sa bahay ni Mang Palito.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Pagdating nila Giselle, Brixtina at Karen sa bahay ni Mang Palito ay wala silang nadatnan na tao. Nagtaka sila dahil kung wala sa paaralan si Mang Palito ay dapat nandito lang siya sa kanyang tirahan. Malakas ang kutob ni Giselle na nandoon sa mansyon si Mang Palito. Nang makarinig sila ng dumadagundong na halakhak ay doon na nila nakumpirma na nasa mansyon nga si Mang Palito.

Sumilip sila sa bintana at nagulat na lamang sila nang makita nila si Julianne ngunit may kasama siyang babae na may edad na at hindi pamilyar sa kanila. Akmang papasok na sila nang biglang may nagsalita na nanggaling sa likod nilang tatlo.

"Kamusta na kayo?"

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Nine.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now