Ikalimang Pahina

695 18 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Pauwi na silang magkakaibigan at nagpaalam na rin sila kay Mang Palito. Naghiwahiwalay na ang magkakaibigan. Kinagabihan, kumakain na si Giselle at ang kanyang pamilya. Kumpleto na sila sa bahay nila. Habang kumakain silang magkakapamilya, biglang may kumatok. Bubuksan na sana ng mama niya ang pintuan nang pinigilan niya ito. "Wag! Wag mong bubuksan! Wag niyo ding silipin. Please!" pagbabanta ni Giselle. "Baliw ka ba? Malay mo nangangailangan yung tao!" sabi ng mama niya. "Basta wag!" sabi ni Giselle at umupo na lamang ito. Hindi pa rin ito tumitigil ang pagkatok. At dahil hindi ito tumitigil, sumigaw ang tatay niya. "Hoy! Tigilan mo nga yan! Istorbo ka lang!" sigaw ng tatay niya. Sa halip na tumigil ay palakas ng palakas ang pagkatok.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!

Hanggang sa tumigil ito. Tapos na si Giselle sa mga gawaing bahay at matutulog na siya. Nagdasal muna siya at nahiga. Pagkapikit niya ay biglang may humawak sa kamay niya.

Aaaahhhh!

Pagkadilat niya ay mama niya. "Uy! Tahan na! Mama mo lang to. Goodnight na. I love you." Sabi ng mama niya at umalis na ito sa kwarto niya. Nakatulog na ito. Sa kalagitnaan ay nanaginip siya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Nakita niya si Marian. May kumalampag sa kwarto niya. Binuksan niya ang pintuan niya at nakita niya ang naka-uniform, duguan, may hawak na diary, at mahabang buhok. Noong tumingala ang babae ay nanlilisik ang mata neto at ngumisi sa kanya. At hinulog ang diary neto. Pagkahulog niya ay may hawak siyang kutsilyo. Kutsilyo na kinakalawang na. At kumaripas si Marian ng takbo. Pero wala na siyang takas dahil biglang nagsara ang mga bintana niya. At ang masaklap ay nadapa pa siya. Naabutan siya ng babae. Sinaksak muna siya sa binti niya. At pagkatapos ay pinutol ang kanyang mahahabang paa. At pinutol pa ang kanyang mga kamay. At ang huling pinutol ay ang kanyang ulo. At hinila niya ang mga bituka ni Marian para kitang kita ang kanyang lamang loob. Kinalat pa ng babae ang katawan ni Marian at umalis.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Napabalikwas ng bangon si Giselle. Napaiyak siya dahil sa panaginip niya. At dumating ang kanyang magulang. "Bakit anak? Panaginip na naman ba? Tumabi ka na lang sa amin ng papa mo." sabi ng mama niya na hindi napigilang umiyak. Tumabi ito sa kanyang magulang.

Kinabukasan ay pumasok si Giselle. Kinwento niya kay Marian ang napanaginipan niya pero imbes na matakot eto at sumunod sa babala ni Giselle ay pinagtawanan pa ito at inasar. "Giselle naman sa sobrang matatakutin mo nananaginip ka na ng ganyan. Hahahahahahahahahahaha!" Tumawa si Marian pero ang mga kaibigan niya ay hindi tumawa. Uwian na at bakas sa mukha ni Giselle ang pangamba kung kelan yun mangyayari. "Marian mag-iingat ka ha?" sabi no Giselle sabay yakap kay Marian. Malapit lang naman ang bahay ni Marian kay Giselle kaya naman maririnig niya.ang mga sigaw ni Marian.

Nakikita niya pa ang bintana ni Marian sa kwarto. Kaya naman ito kampante na safe pa rin si Marian. Matutulog na siya nang bigla siyang nakarinig ng mga sigaw. Si Marian! Agad siyang tumingin sa bintana niya na may nagtatalsikang dugo sa kwarto ni Marian. At nakita niya si Julianne. Agad niyang sinarado ang kurtina ng bintana niya at humagulgol. Tumakbo siya sa kwarto ng mama niya at nakita siyang umiiyak. "Mama! May nagtatalsikang dugo sa kwarto ni Marian!" paghi-hysterical niya. Agad naman silang sumilip pero pagkasilip nila ay malinis ang bintana ni Marian. "Anak! Nangiistorbo ka ng tulog. Matulog ka na nga!" Galit na wika ng papa ni Giselle. Humiga na siya at natulog.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Kinabukasan habang kumakain si Giselle ng almusal ay bigla siyang nakarinig ng sigaw galing sa bahay ni Marian. Ang mama ni Marian! Nag-toothbrush siya at paglabas niya ay punung-puno ng pulis at ambulansiya. Nakita niya ang katawan ni Marian na nakatalukbong ng puting kumot. Tinanong niya muna ang mama ni Marian kung anong nangyari. "Huhuhuhuhu... si Marian pinatay! Para siyang kinatay! Putol ang paa, putol ang kamay, putol ang ulo at nakahiwalay na ang bituka niya! Huhuhuhuhuhu..." hagulhol ng mama ni Marian. Alam ko kung gaano ka sakit ang mawalan ng anak. Halos mamatay na sa kakaiyak ang mama ni Marian. At pagdating ko ng school ay nakita ko ang lahat ng kaklase ko ay umiiyak. At hindi ko rin napigilang umiyak. Nakiramay kami ng magulang ko noong gabi. At naisip ko na sana wala ng susunod.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Five.

Haunted DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon