Ang Huling Pahina

490 17 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Tumayo ang mga balahibo nina Giselle, Karen at Brixtina nang narinig nila ang boses na 'yon. Hindi sila nagkakamali. Si Julianne!

"AHHHH!" Sabay-sabay nilang sigaw at nang subukan nilang pumunta sa gate upang makatakas ay kusa itong sumarado. Sinubukang buksan ng magkakaibigan ang gate ngunit masyadong matigas ang gate at nabigo sila sa pagbukas nito.

"Huwag kayong bastos! Pumasok kayo sa loob ng mansyon, ngayon din!" Sigaw ni Julianne at nagulat na lamang sila nang tumalsik sila papasok sa loob ng mansyon.

Nang makapasok sila sa mansyon ay nakita nila na nakatali sa upuan sina Mang Palito, Fely, Felicia at Feliciano. Hindi lamang sila nakagapos ngunit tali rin ang kanilang mga bibig upang hindi sila makagawa ng kahit ano mang ingay.

Bigla namang lumapit si Julianne sa mag-pamilya at isa-isang tinanggal ang tali sa kanilang mga bibig. "Giselle, dapat hindi na kayo sumunod dito! Problema 'to ng mag-pamilya!" Hinihingal na sigaw ni Mang Palito sa mga dalaga.

Umiling si Giselle. "Nawalan kami ng tatlong mahahalagang tao. Hindi namin hahayaang mawalan pa ng isa." Giit nito sa matanda.

"Mommy! Patahimikin mo na sila please. Ang iingay nila." Maarteng saad ni Julianne sa kanyang ina. "I know, Baby. Huwag na nating patagalin 'to at simulan na natin ang laro." Ani Julie na siya namang pinagtatakhan ng mga tao sa mansyon.

"Maglalaro tayo ngayon. Ang tawag sa laro na ito ay, Hide and Seek. Huwag niyong sabihin sa akin na hindi kayo pamilyar dito dahil sa totoo lang ay nilalaro niyo na ito simula pa lang nung mga bata pa kayo." Nang-aasar na wika ni Julie sa mga tao sa kanilang mansyon.

"Ang gagawin niyo lamang ay magtatago kayo dito sa mansyon. Huwag kayong magpapahuli kay Julianne dahil kapag nagpahuli kayo, papatayin niya kayo ng walang pag-aalinlangan." Saad naman ni Robert habang nagpapaliwanag sa mga tao sa paligid niya at saka ito ngumit ng nakakakilabot.

Bumilis ang tibok ng puso nina Giselle, Brixtina at Karen nang nagbagong-anyo si Julianne. Ang kanyang uniporme ay naging itim. Ang mata niya ay nangitim din habang umiiyak ng dugo. Tumubo pa ang pangil sa kanyang mga ngipin habang nakangiti ito.

"Magbibilang ako hanggang 60 segundo. Magtago na kayo hangga't kaya niyo. Kapag nahanap ko kayo, papatayin ko kayo." Nakangising wika ni Julianne. Dali-daling nagsitakbuhan ang mga tao sa iba't ibang bahagi ng mansyon.

Si Giselle, Brixtina at Karen ay nagsitakbuhan sa kwarto ni Julianne samtalang si Mang Palito at Fely ay dumiretso sa Master's Bedroom nina Julie at Robert. Si Felicia naman at si Feliciano ay dumiretso sa library ng mansyon. Ayaw makita ni Felicia ang kanyang ama sapagkat kinamumuhian niya pa rin ito hanggang ngayon.

Impit ang iyak nina Giselle, Brixtina at Karen habang nagtatago sila cabinet ni Julianne. "Shhh..." Pinatatahan ni Brixtina si Karen dahil alam niyang takot ito sa dilim. "Ayoko pang mamatay." Bulong ni Karen. Marami pa siyang pangarap sa kanyang buhay. Gusto niya pang maging mental health advocate sa Pilipinas.

"Shhh... hindi ko hahayaang may mangyari sayo, Karen." Wika ni Brixtina kay Karen. Nagtataka naman si Giselle sa inaasta ng dalawa ngunit nangingibabaw ang takot niya sa ngayon. "Shhh! Bumukas ang pintuan." Ani Giselle. Tumahimik ang lahat. Dahan-dahan naman nitong iniluwa si Julianne.

May hawak itong kutsilyo habang lumulutang ito sa hangin. Patuloy pa rin ang pag-iyak nito ng dugo. Tumulo ang luha ni Giselle nang makita niyang papalapit si Julianne sa kanilang pinagtataguan.

"Nasaan na kayo? Nanggigigil akong pumatay ngayon. Huwag niyo na akong pahirapan. Alam niyo namang ang katapusan niyo ay nasa kamay ko." Tumayo ang mga balahibo nila sa mga kataga ni Julianne.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now