Ikalawang Pahina

884 18 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Kinabukasan gumising na ang magkakaibigan. Nakita nila na may pagkain na sa lamesa. At nakita nila si Mang Palito na nagpapahangin sa labas. Kaya naman tinawag nila ito para kumain. "Oh! Gising na pala kayo. Hinihintay ko lang kayo na magising kaya naman naghanda na rin ako ng almusal para sa ating lahat." Ang masayang wika ni Mang Palito. Nanalangin sila at pagkatapos nun ay nagsalo-salo kami sa niluto ni Mang Palito. Tapos na silang kumain at nagpaalam na ang magkakaibigan. Niyaya sila ni Mang Palito na samahan kami sa pagbaba ng bundok. Pero sa kalagitnaanan ng pagbaba nila sa bundok ay nakarinig sila ng nakakakilbot na sigaw sa kabilang paanan ng bundok at may hinala sila na ang mga sigaw ay galing sa mansion na nakita nila kahapon.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sinubukang bumalik ni Brixtina para tingnan kung sino yun pero pinigilan siya ni Mang Palito. Nagbigay ng babala sa amin ni Mang Palito. "Kahit may narinig kayong sigaw na galing sa mansion, kahit anong sobrang lakas na yabag, kahit anong iyak, kahit anong paghingi ng tulong ay huwag niyong pansinin dahil hindi niyo magugustuhan ang makikita niyo. Diyan namatay ang asawa ko. Sumuway siya sa bilin ko at ang mga anak ko rin ay namatay kaya naman nandito ako para magbigay ng babala sa mga nakapunta sa bahay ko. Mga bandang 7:00 am ay may maririnig ka na mga nababasag na pingan, iyak ng babae, sigaw ng babae at humihingi ng tulong. Pero ang gawin niyo ay isara ninyo ang mga kurtina niyo at i-kandado niyo ang bahay niyo." Ang nakakatakot na babala ng matanda.

At nakababa na sila sa bundok. Sumakay na sila sa kotse at bumalik na sila sa kanilang bahay. At noong bumalik sila ginawa nila ang pinayo ni Mang Palito kahit wala pa silang naririnig. Kinabukasan sa school nila ay naabutan nila si Mang Palito na naglilinis ng cr. "Mang Palito!" tawag ni Giselle. "Oh! Ano yun iha?" tanong ni Mang Palito. "Nakita niyo po ba ang Diary Ni Julianne?" nakakakilabot na tanong ni Giselle. "Oo. Noong naglilinis ako ng bandang alas sais." sabi ni Mang Palito. "Ano po ang nakasulat sa cover ng diary?" Tanong ni Giselle. "Hindi ko na matandaan, basta ang nakalagay ay DEATH NOTE." Sagot ng matanda. "Basta ang mga bilin ko sa inyo, ha? Gawin niyo iyon para mailigtas niyo ang sarili niyo." Pahabol ni Mang Palito. "Opo." Sagot ni Giselle.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Two.

Haunted DiaryKde žijí příběhy. Začni objevovat