Ikaapat na Pahina

772 17 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

BRIXTINA'S POV

Nagulat ako sa naging desisyon ni Giselle dahil sinimulan na namin ang paghahanap ng diary at ngayon niya ititigil ang paghahanap. Sa ngayon ginagambala na kami ng Julianne na sinasabi ni Mang Palito. Lagi akong nananaginip na papatayin niya daw ako sa graduation day namin. Haist! Diyos ko po wag naman po ngayon. Madami pa akong pangarap sa buhay ko at sa mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila at ayaw ko silang iwan dahil ako ang panganay nila. At eto pa: Guguluhin daw ako ng Julianne kapag nagtanong pa ako kay Mang Palito tungkol sa kanyang buhay. Gusto ko na ngang sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa akin pero natatakot ako na baka guluhin ako ni Julianne. Kung guguluhin niya man ang buhay ko, ako na lang. Wag na ang pamilya ko. Naalala ko tuloy ang panaginip ko.

"Mama, natatakot ako na matulog mag-isa. Baka bangungutin na naman ako." Sabi ko sa mama ko. "Anak, kung kelan ka naman nagdalaga, doon ka pa naging matatakutin." Pang-aasar ni Mama sa akin na medyo napikon ako. "Mama hindi mo ako naiintindih-" Pagsasalita ko pero hindi niya pinagpatuloy. "Sssshhhh... Hindi yan totoo. Sa bait mong yan, walang mangugulo sayo. Sige na. Goodnight." Sabi niya sa akin at sabay halik sa noo ko. "Goodnight din po." sabi ko at nag-poker face ako.

"Mamamatay ka at ang pamilya mo! Bwahahahahahaha!" Pagbabanta sa akin ng isang boses at sabay tawa ng pangdemonyo. " Sino yan? Kung matapang ka, magpakita ka! Kung hindi ka magpapakita sa akin, ibig sabihin, duwag ka!" Matapang na sigaw ko. At nagpakita sa akin ang isang babae na naka-uniform na duguan at mahabang buhok at tila nanlilisik ang mga mata niya at may hawak siyang diary. Nakangisi pa ito ng nakakatakot. "Julianne?" Ang tanong ko sa kanya. "Oo. Ako nga eto Brixtina. Ang kaharap mo ngayon ang papatay sayo at sa pamilya mo!" Sigaw neto at sabay bitaw sa kanyang diary. May dalang kutsilyo. Tumakbo ako ng mabilis. Sa sobrang bilis kong tumakbo ay nadapa ako. At malapit na siya sa akin. Sasaksakin niya na ako ng bigla akong napabalikwas ng bangon.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

"Aaaahhhh!" sigaw ko sabay nagtakbuhan ang mama at papa ko. "Ano ka ba naman anak? Nakakagulat ka naman. Dis oras na ng gabi. Please matulog kana." Pagalit sa akin sabay halik. Babalik na sana sila ng tinawag ko sila. "Pa, Ma. Hindi niyo ako naiintindihan. May bangungot na naman ako. Pwede ba akong tumabi sa inyo?" Nanginginig na sabi ko sa kanila. Tumango na lamang sila at dali dali akong umakyat sa kama nila at natulog.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Four.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now