Unang Pahina

1.1K 31 2
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Gagawin na nila ang plano. Dahil sa kabundukan pa ang bahay ni Mang Palito ay kailangan nilang magdala ng matigas na kahoy para di sila mahulog. Dahil pare-pareho silang maarte, lahat sila ay may naririnig na reklamo mula sa kaibigan nila sa bawat hakbang nila. "Girl! Hindi ko 'to ginusto! It's so itchy and there's a lot of kutong lupa in this mountain!" Reklamo ni Marian na kaibigan din nila. "Lahat tayo hindi natin ito ginusto kaya manahimik na nga lang kayo!" Sigaw ni Brixtina na tila kanina pa naiirita sa boses ng mga kaibigan.

Habang naglalakad sila sa bundok, may natanaw sila na isang malaking mansion. Pero sabi ni Brixtina ay wag daw pumunta kasi baka ma-resbak daw sila ng mga nakatira diyan. At nakita nila ang kubo ni Mang Palito. Naabutan nila na kumakain si Mang Palito sa kanyang mumunting bahay kaya naman kumatok sila.

TOK TOK TOK TOK!

Kumatok sila sa bahay ni Mang Palito. Nagulat sila sa sinabi ni Mang Palito. "Kriminal ka ba? Magnanakaw ka ba? Anong gusto mo sa akin?" Ang nakakatakot na wika ni Mang Palito. "Mang Palito si Giselle po ito!" nagsalita ang isa sa kanila.

Binuksan ni Mang Palito ang pintuan ng kanyang bahay. At nakita niya ang magkakaibigan. "Paano mo nalaman ang bahay ko? Nakatago na nga ito sa bundok." Sabi niya sa magkakaibigan. "Mang Palito, may radar kami na kung pipicturan ka namin ay made-detect niya na ang bahay mo!" Ang nakakagulat na sagot ni Louise. "Sige, pasok muna kayo dito! At hintayin ninyo ako at magluluto lang ako para sa inyo." pangyaya niya sa magkakaibigan.

Habang nagluluto si Mang Palito ay tinanong niya si Mang Palito. "Mang Palito diba 44 years ka na sa Basiao High?" Ang tanong ni Giselle. "Ahh... eh... oo. Bakit mo naman naitanong, iha?" Ang malumanay na tanong ni Mang Palito. "Ahh... eh... kasi po tatanungin ko po sana kayo kung alam niyo po yung tungkol sa haunted diary na sinasabi nila." sagot naman ni Giselle.

"Iha, ikukwento ko sa inyo mamaya." Sagot ni Mang Palito. "O, sige na kain muna kayo. Naghanda ako ng isda para sa inyo. Pasensya na kayo at yan lang ang makakaya ko." Ang pagsosorry ni Mang Palito. "Naku, ho! Wala yun. Buti nga po pinaghandaan niyo pa po kami. Kasi pagod na pagod kami sa pag-akyat ng bundok." sagot naman ni Karen habang may pagkain pa sa bunganga niya.

Gabi na at nandyan pa rin sila sa bahay ni Mang Palito. Inulit nila ang tanong kay Mang Palito. "Mang Palito, may alam po ba kayo tungkol sa haunted diary na bulung -bulungan sa school?" Inulit ni Mitch. Dahil naiirita na si Mang Palito sa pangungulit ng mga dalaga, nagsimula na siyang magkwento.

"Mga anak, noong 1957, uso na ang diary noon. Hindi ko alam ang diary kaya tinanong ko sila. Tinawanan nila ako dahil hindi ko alam yung diary pero sinagot naman nila ako. At doon ko lang nalaman na susulatan mo pala iyon ng iyong sikreto. Isang araw, may isang babae na Senior din na parang laging binu-bully at inaapi-api. At dahil doon ay lagi niyang dala ang diary niya at doon niya sinusulat ang mga hinanakit niya. Pero may sikreto din siyang madilim sa diary na iyon kaya lalo siya inapi. Noong di niya na kaya ang sakit ng mga pinanggagawa sa kanya ng mga kaklase niya ay nagsulat siya ng suicide note at ang sumpa sa diary na iyon. Nagpakamatay siya sa dating cr na ngayon ay storage room. Naalala ko yung sinabi ng kaklase mo na namatay siya kasama ang diary at may madilim na sikreto sa diary na ito. Yun ay dalawang tumugma sa haunted diary. At ang diary niya ay natakpan ng dugo niya. At mula noon ay may nakakakita ng babaeng may hawak ng diary na punung-puno ang dugo at ang mga mata ng babae ay sobrang itim. At kapag nakikita niya ang mga nananakit sa kanya noong nabubuhay pa siya ay pinapatay niya sa oras ng 12:00 ng hating gabi. At kapag alas sais ng gabi ay makikita mo yung diary na may dugo. Kaya dapat maaga kayo umuwi sa bahay niyo pag sa school. Pero sa ngayon ay matulog na muna kayo dito at gabi na. Delikado naman kung uuwi kayo ng bahay. At baka makakita kayo diyan ng babae!" Ang pagke-kwento ni Mang Palito sabay biro sa amin.

"Eh... Mang Palito, ano po ang pangalan ng babae? Tanong nila kay Mang Palito. "Julianne, Julianne dela Peña." Ang usad naman nito. "Sino naman po ang nagmamay-ari ng mansion sa paanan ng bundok?" Tanong naman ni Marian. "Ang nagmamay-ari niyan ay ang magulang ni Julianne. Mayaman sila pero kasi parang bata pa rin umakto si Julianne kaya naman lagi siyang kinukutya. Sige na, matulog na kayo." Sabi ni Mang Palito.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter One.

Haunted Diaryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن