Ikaanim na Pahina

627 13 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Noong matutulog na si Giselle ay nanaginip siya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Nakita niya si Louise. Natutulog siya nang biglang pumasok si Julianne. Umupo ito sa tabi ni Louise at biglang bumulong. "Magpakamatay ka na. Walang saysay ang buhay mo sa mundong ito. At walang mag-aalaga sayo. Pagsamantala lang ang mga kaibigan mo. Iiwan ka rin nila kapag wala ka nang maitutulong sa kanila." sabi ni Julianne at paulit-ulit niyang binulong ito kay Louise. Nagising si Louise at bumaba. Pumunta siya sa kusina at biglang kumuha nang kutsilyo. Doon sinaksak ni Louise ang sarili at tumama ito sa puso niya. Noong namatay na siya, humalakhak siya nang malakas na parang demonyo. Pero parang walang naririnig ang mga magulang ni Louise. Na-hypnotize si Louise ng pag-bulong ni Julianne.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Napabalikwas ng bangon si Giselle. At dumiretso siya sa kwarto ng mama niya. Tumabi agad siya sa mama niya at umiyak. Yumakap siya sa mama at biglang nagising. "Anak? Ilang araw ka ng nagkakaganyan? Ano bang problema mo?" Tanong sa kanya ng mama niya na tila nangangamba na rin sa nangyayari sa anak niya. "Mama, di ba namatay si Marian? Mama, napanaginipan ko yun. Sinabi ko na sa kanya pero tinawanan niya ako. At nakita ko sa panaginip ko yun. Ang itsura ni Marian noong namatay, yun na yun ang nakita ko noong isang araw bago namatay si Marian. Tapos ngayon napanaginipan ko na naman si Louise. Mama hindi ko na maintindihan! Natatakot na ako. Bakit ganito ang nangyayari sa akin?" Ang paghikbi ni Giselle sa mama niya. Bakas din sa mukha ng mama niya ang pagkabalisa na baka pati si Louise ay mamatay pa. Pinatulog na lamang niya si Giselle. Kinabukasan pagdating niya ay sinabi niya kaagad kay Louise ang napanaginipan niya sa kanya. Bakas sa mukha ni Louise ang takot dahil sa napanaginipan ni Giselle. Binalaan niya rin ito. Pauwi na sila at nagpaalam siya kay Louise. Niyakap ni Giselle si Louise ng mahigpit at umiyak.

Kinagabihan matutulog na si Giselle. Tumabi na siya sa mama niya dahil natatakot na siyang mag-isa. Niyakap niyang husto ang mama niya at natulog. Kinabukasan ay nakarinig siya ng mga balita na patay na si Louise. Hindi niya man lang namalayan na pumatak ang luha niya. Hindi na lang muna siya pumasok ng school dahil sa nangyayari sa kanya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Six.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now