TULA #1 (Dulo)

274 16 0
                                    


Dulo

Nandito na naman ako,
Sa punto ng buhay ko,
Kung saan naiisip ko na namang sumuko,
At kalimutan na lamang ang tayo.

Paano ipaglalaban ang ating pagmamahalan,
Kung gayong sa iyong pananatili'y nasasaktan.
Mahihirapan akong ipaglaban ka,

Kung ikaw mismo ay bibitaw na.

Sa tuwing magseselos iisa lang ang rason mo,
At yun ay ang salitang mag-kaibigan lang kayo.

Kaibigan???
Pero sa harap ko mismo naglalandian.
Kaibigan??
Pero presensya nya ang hanap kahit ako yung and'yaan.
Kaibigan??
Pero yun ang pinili at ako ang iniwan.

May mga araw na nagtatalo ang aking puso't isipan,
Sabi ng isip ko'y ika'y akin ng hayaan,
Ngunit pinipili ng puso kong ika'y ipaglaban.

Pinili kita kase akala ko ikaw na,
Pero pinili mo s'ya kase sa kanya ka na sumasaya,
Pero salamat parin,
Kase kahit sa madaling panahon nagawa mo akong pasayahin.

Naalala ko pa dati,
Ang iyong mga sinabi,
Sabi mo'y ikaw ang hari at ako ang reyna,
Nalingat lang ako saglit nasa trono ka na ng iba.

Marapat lamang na tapusin ko na,
Ang kuwento nating dalawa,
At simulan mo ng magsimula,
Ng bagong kwentong hindi na ako ang paksa.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now