TULA #2 (Panandaliang Pag-iibigan)

178 10 0
                                    


Panandaliang Pag-iibigan

Nagsimula sa pagkakaibigan,
Hanggang sa nauwi ito sa pag-iibigan,
Lumawak ang pagkakaunawaan,
kayat nagkamabutihan.

Nagsilbi kang tahanan,
o aking paraluman,
Kaya'y mga tukso ay ating iniwasan,
upang pagmamahalan ay pang walang hanggan.

Saya sa iyong mga mata'y aking nakikita,
Mahal na mahal kita aking sinta.

Ngunit tila nakapagtataka, na bakit yung dating saya,
ay unti-unti ng nawawala,
Yung dating akala ko'y aking pahinga,
ay bat nagpapahinga na sa iba.

Sa lahat ng ating pinagdaanan,
ay hindi ko inaasahan na ako ay iyong iiwan,
Ikaw ang aking takbuhan sa tuwing ako'y luhanan at sugatan,
Ngunit bakit ako'y iyo ring nilisan?

Ako'y iyong iniwanan
sa panahong hindi ko inaasahan,
Kung kailan ikaw kailangan, at presensya mo ang kinakailangan, mas pinili mong lumayo at ako'y iwanan.

Nasan na yung pangako mong pang walang hanggan?

Iyong kinalimutan ngunit akin paring natatandaan,
Nananatili parin sa aking isipan,
ang bawat salitang iyon binitawan.

Na "Mananatili tayong dalawa,
may sumira man ay ating pagtitibayin pa,
walang bubuwag sa ating pagsasama,
Ultimo kalamidad ay ating haharapin,
kahit dulot nitoy malalakas pang hangin"
ngunit gaya ng hangin, pag-iibigan natin ay nawala rin.

Ano na aking gagawin?Wala ka na sa aking piling

Pilitin mang ibaon lahat sa limot, hindi pa rin iyon sasapat dahil sa iniwan mong sakit at lungkot

Na kahit ikaw aking patawarin, di parin noon maiibsan ang sakit na iyong iniwanan

Kahit ilang hiling pa ang aking hilingin, kahit ilang tula pa ang likhain, at kahit ilang musika pa ang kantahin, malabo ng bumalik ka saakin, sapagkat ikaw mismo ang naging dahilan, kayat nanlamig ang ating pag-iibigan

Handa akong lumaban para sa ating pagmamahalan pero hindi pa nga nagsisimula ako ay iyo ng binitawan

Sinabi mo na mananatili ka sa aking tabihan, hindi mo hahayaan na maging luhaan. Ngunit bakit mo ako iniwan sa gitna ng kalungkutan?

Alam kong balang araw magkikita tayo, at malugod kong sasabihing "Masaya akong naging parte ka ng buhay ko, pero mas masaya akong nakikita kang sumasaya, maging sa piling man ng iba"

Salamat sa ating panandaliang pagsasama, na nagdulot saakin ng milyong-milyong paalala, na hindi porket mahal mo at mahal ka ay magiging masaya na

Hindi man naging masaya ang wakas ng ating kwento, masasabi kong naging masaya ako kahit papaano, sapagkat ang paglisang ginawa mo, ay naging dahilan para mas mahalin ko ang sarili ko

Ito nay aking wawakasan,mga alaala aking kakalimutan,sabay ng iyong paglisan maiiwan ang pusong labis na nasugatan Salamat nga pala sa ating panandaliang pag-iibigan.

Mga Tula Ni SolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora