TULA #13 (Umasa)

18 5 0
                                    


Umasa

Masaya naman tayo diba?
Naging masaya naman tayo diba?
Ngunit naging masaya nga ba talaga?
O tanging ako lamang ang sumaya.

Nagmahalan ba talaga tayo?
Teka, minahal mo ba talaga ako?
O ginawang panakip butas sa sakit na naramdaman mo?

Ang galing, para makalimot sa sakit na dulot nya,
Pinili mong ako nalamang ang saktan.
Para makalimot sa alaala nya,
Ginamit ako para sandaling lumigaya.

Alam ko nung unang posibleng gamitin mo lang ako,
Kaso kumapit ako sa pagaakalang baka mahalin mo rin ako,
Pero lahat ng yun ay tanging akala ko,
Dahil imposible palang mahalin mo ako.

Kung may natutunan man ako,
Sa naging relasyon nating dalawa,
Yun ay wag kang magmamahal ng taong,
Hindi pa tapos magmahal ng iba.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now