TULA #3 (Masaya ako)

143 8 0
                                    


Masaya Ako

Masaya akong makitang sumasaya ka sa iba,
Masaya akong di muna kailangang magsinungaling pa,
Para ilihim ang tungkol sa inyong dalawa,
Masaya akong pinalaya ka para sa iyong ikasasaya.

Pero sa kabila ng sayang nararamdaman,
Naroon parin ang sakit at kirot ng nakaraan,
Naroon parin yung mga katanungan,
Kagaya ng saan nga ba ako nagkulang?

Paano mo nga ba nagawang saktan ako ng ganito?
Paano mo nagagawang ngumiti noon habang niloloko ako?
Paano mo nagawang biglang sumuko?
Gayong ako'y hirap na intindihin ka.

Pero sa kabila ng lahat masaya ako para sayo,
Nawa ay sya yung taong makapagpabago sayo,
Mapunan nya sana yung mga pagkukulang ko,
Mahalin mo sya gaya ng pagmamahal ko,
At wag mo syang sasaktan gaya ng ginawa mo.

Hanggang sa huli mahal ko, masaya ako para sayo.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now