TULA #6 (Dahil Sayo)

122 8 0
                                    


Dahil Sa'yo

Simula ng ika'y dumating. Nabawasan ang aking dinadamdam,
Yung dating labis na kalungkutan,
Ay tila napalitan ng kasiyahan.

Yung mga gabi-gabing pag-luha,
Na dulot ng problemang bigay ng tadhana,
Ay napalitan ng kalakasan,
Dahil nariyan ka't aking sandigan.

Mga araw na parang wala na akong lakas,
Upang sa mga pagsubok ay magpumiglas,
Naging lakas ka, sa kahinaang akala'y walang lunas.

Sa ilang taon ng buhay kong tila walang direksyon,
Dumating ka't naging inspirasyon.
Presensya mo'y sobrang sapat na,
Para maramdamang hindi ako nag-iisa.

Ang daming nagbago,
Sa aking buong pagkatao,
Pananaw at pag-iisip ay naging positibo,
Dahil iyon sa iyo.

Dahil sayo naging matatag ako,
Dahil sayo sa pagsubok ay di na nagpapatalo,
Dahil sayo hindi na basta basta sumusuko,
Dahil sayo naalis ang pagiging negatibo,
Kung kaya't sana'y manatili kang kaibigan ko.

Dahil sobrang laking tulong mo,
Sa kung anong meron ako,
Wag mo akong lilisanin,
Sapagkat parang hindi ko kakayanin.

Lahat ng paglago sa aking pagkatao,
Ay dahil sa'yo,
Salamat kaibigan ko.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now