TULA #9 (Ang Aking Buwan)

25 6 0
                                    

ANG AKING BUWAN

Ika'y liwanag ng aking puso,
Sa mundong 'di na alam kung ano ang totoo,
Sa gitna ng dilim ay sumisilip,
Gandang taglay mo'y nagpapalipad ng aking isip.

Ang iyong matang mapupungay,
Ang syang nagbibigay saysay,
At tila isang paraan o tulay,
Upang mabago ang madilim na buhay na aking taglay.

Bawat tibok ng puso'y umaawit ng pangako,
Na sa ating pag-iibiga'y walang makakasugpo,
Sirain man tayo ng mga tao at maging ng malakas na bagyo,
Patuloy parin akong magmamahal at mananatili sa'yo.

Ikaw ang aking buwan na nagbibigay tanglaw sa kadiliman,
Ang pahinga'y sa'yo ko lamang nararamdaman,
Yakap mo'y paraiso sa gitna ng kalungkutan,
At mga bagay na tila walang katiyakan.

Patuloy kang hahangaan,
Pagtitibayin pa ang ating pagmamahalan,
Hinding- hindi ka iiwanan,
Pangako iyan, AKING BUWAN.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now