TULA #12 (Balang Araw)

18 4 0
                                    


Balang Araw

Alam kong hindi pa panahon,
Di pa panahon upang makalimutan ang kahapon,
Di pa panahon upang maubos ang sakit na naipon,
At hindi pa panahon upang mga sugat na dulot mo'y maghilom.

Tiyak, mahihirapan akong bumangon,
Sapagkat hindi biro ang naging tadhana nating dalawa,
Hindi maipapaliwanag ang labis na kasiyahang nadama,
Nung mga panahong ika'y kasama pa.

Ngunit sa mga bagay na walang katiyakan,
Gaya ng pagbangon na aking minimithi,
Paglakas at kasiyahang tila nakakubli,
Ay sinisigurado kong may kasagutan.

Sapagkat alam kong balang araw magkikita tayong muli,
At titiyakin kong wala ng madaramang sakit at hapdi,
Bagkus ay pawang kasiyahan sa mata,
Na kailan ma'y hindi mo nakita.

Balang araw, darating din ang para sa akin,
Hindi ko na hahanapin,
Hahayaan nalamang kusang dumating,
Dahil ang tunay na pagmamahal ay dumarating sa tamang panahon, hindi hinahanap dahil sa sariling kagustuhan.

Mga Tula Ni SolDove le storie prendono vita. Scoprilo ora