TULA #10 (Ako Pa Ba?)

17 6 0
                                    


AKO PA BA?

Lagi tayong nag-uusap dati,
At tila ba hindi mapakali,
Pag dumaan ang araw na walang ngiti,
Na sa labi'y mamumutawi.

Ako pa ba?

Naghahanap parin ng pag-asa,
Kahit malalim na ang pagdurusa,
Dati'y ako ang dahilan ng iyong pagtawa,
Ngayo'y nagiging rason na ng pagpatak ng 'yong luha.

Ako pa ba?

Nais kong malaman ang sagot na tunay,
Alam kong sa'yo ito nakasalalay.
Nabubura na ang mga imahe ng nakaraan,
At tila napapalitan na ng ibang larawan.

Ayokong manatili sa loob ng katahimikan,
O sa ingay man ng kamalayan,
Nais ko lamang tumayo ng may tapang at laya,
Upangayusin ang lahat ng nasira.

Ako pa ba?
Isang sagot lamang ang nais marinig mula sa'yo,
Yun ay ang salitang " Oo, ikaw parin."

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now