CHAPTER 2

128 4 0
                                    

Ito Ang pinakahinihintay na Araw Nang pagtatapat Sapagitan Nang dalawang team na magkaagaw sa posisyon. Ang team Nang Shoyo na halos pumangalawa sa team Nang Kainan, at Ang team Nang Shohoku na Siya Namang pumalit sa posisyon Nito makailan lang. Ito Rin Ang Araw na siyang ikinababagabag ni Miyagi dahil Hindi lang ito Basta laro para sakaniya, kundi battle Rin ito Sapagitan Nang nagturo at Nang tinuruan.

" Hindi Nako makapag-antay na talunin na Ang mga shokoy na Yan." Mayabang na pambungad ni hanamitchi sa mga Kasamahan nito.

" Sinabi mo pa, last na nakalaban natin Ang team Nang Shoyo nayan halos Ang yayabang lahat. " Sabat Naman ni Mitsui habang binubuo sa isipan Niya Ang imahe ni Kasigawa. Hindi parin Niya makalimutan Ang mga sinabi nito noong nakaraang tournament, halos ibinaon iyon ni Mitsui sa isipan Niya...

" Umaandar nanaman sa kayabangan Ang dalawang ito." Si Miyagi na tinatali Ang sintas Nang sapatos nito... bago ayusin Ang resban na suot-suot nito sa ulo. Isang mahabang buntong hininga Naman Ang pinakawalan ni Rukawa na siyang nakaagaw atensiyon sa dalawa.

" Hoy Rukawa! Anong binubuntong hininga mo riyan? " Painis na tanong ni Hanamitchi rito.

" Sa pinapakita mo parang nang-iinsulto ka." Banat Naman ni Mitsui...

" Baket? Totoo Naman." Wika pa nito na siyang dahilan kung bat Inis na Inis Ang dalawa Ngayon sakaniya.

" Napaka hambog mo Rukawa! " Galit na pasambit ni Mitsui sa kakampi na sinang ayunan pa ni Sakuragi.

" Tama ka riyan Mitchi, Isa talagang dakilang hambog yang si Rukawa... Nasasaktan lang siyang aminin na Ako talaga Ang pinaka magaling sa basketball." Isa nanamang kahambugang Turan ni hanamitchi sakanila...

'Dahil totoong Henyo Naman Talaga ko...'

Banat pa Nito sa kaniyang isipan...

" Mitsui." Mahinang pagbanggit ni Akagi sa pangalan nito, na siyang dahilan kung bat ito napatingin sa gawi Niya...

" Oh baket, Akagi? " Tanong Naman nito kaagad.

" Muli kayong magtatapat ni Kasigawa, kahit practice game lang to Gawin mo Ang lahat para talunin Siya." Tugon ni Akagi rito, bigla Namang napangisi Nang bahagya si Mitsui Saka ibinaling Ang tingin nito sa TREN kung saan Sila sasakay.

" Hindi mo na kailangang sabihin Yun Akagi, hinintay ko Ang Araw na ito... Kaya kahit di mo sabihin, gagawin ko." Tila may ipinapahiwatig na Turan ni Mitsui sa captain Nang shohoku na Si Akagi. Pasimple lang itong tumingin sa imahe ni mitsui bago ito sumakay sa TREN....

'yun ay kung makakayang mong maglaro at Hindi ka mapapagod mitsui.'

Yan Ang Nasa isip ni Akagi habang pinagmamasdan si Mitsui alam Niya kung sino Ang unang mawawalan Nang lakas kapag kalaban nila Ang koponang ito. Mahigpit Ang pagbabantay na ginagawa sakaniya ni Kasigawa noon at natitiyak ni Akaging ganun Rin Ang gagawin nito Ngayon. Hindi lang Ang koponan Nang Shoyo Ang magiging kalaban nila sa larong ito, kundi Ang pagod.

Nang makasakay na lahat sa TREN ay Siya Namang pagsasalita ni Coach Anzai, halos lahat ay pawang walang ibang pinapakinggan kung di Ang mga salitang lumalabas Mula sa bibig nito.

" Kung titingnan ninyo, at kung pagtatapatin.... Ang Shoyo at Ang team Nang Kainan Ang may pinaka maraming Taga suporta sa larangan Nang paglalaro Nang basketball. Subalit, nag-iba Ang sitwasyon Ngayon. Dahil Isa Tayo sa nakapasok sa Interhigh, mas Malaki Ang tiyansa na Tayo Naman Ang suportahan nila. " Mahabang litantiya nito...

" Ano Namang problema don tatang? Eh mas maganda nga Yun para mas makilala Tayo, Hindi. Ang makilala Ang henyong ito." Ani Sakuragi Nang hampasin Siya Nang pamaypay na dala ni ayuko.

" Kahit kailan talaga pinapairal mo yang kayabangan mo hanamitchi Sakuragi." Turan nito.

" Tama ka Sakuragi, subalit Ang pinupunto ko rito ay, mas Malaki Ang tiyansang mag expect Nang mas mataas Ang mga manonood. Kailangan ninyong kontrolin Ang inyong mga sarili sa bawat pagkakamaling magagawa ninyo sa loob Nang court. Kapag Shoyo na ang kalaban, Hindi maiiwasang Hindi Tayo magkamali subalit kung maaari... Kontrolin ninyo Ang inyong mga sarili. Dahil kung Hindi, Hindi ninyo magugustuhan kung Ano Ang maidudulot  Nang nga manonood sa Inyo." Mahabang salaysay ni Coach Anzai sakanila, halos lahat ay walang naintindihan sa sinabi nito... Maging si Akagi ay naguguluhan Rin.

" Kung ganun, sinasabi niyo bang Malaki Ang magiging impact nun sa team natin Coach? " Si Ayako na Ang nagsalita... Tanging tawa lamang Ang isinagot sakaniya ni Coach Anzai bago tuluyang marating Ang eskuwelahan Nang Shoyo.

Sakabilang Banda Naman, naghahanda narin Ang team Nang Shoyo sa gaganaping laban kontra Shohoku.

" Hindi Nako makapag-antay na ilampaso si Mitsui Ngayon." Tinig iyon ni Kasigawa habang pinapanood Ang naging laban Nang shohoku sa Interhigh.

" Wag Kang magmadali Kasigawa, Ang tunay na laban ay magsisimula lamang kung makakaya mong panindigan Ang lahat... Maging Ang sitwasyon sa laro." Ani Fudjima na seryosong nakatingin lang sa kawalan... Gawain Niya talaga ito satuwing may laban Ang koponan nila sa iba.

Last na tinalo Sila Nang team Nang shohoku ay Hindi Siya makatulog noon, para bang naging Isa iyong bangungot na hinding-hindi Niya makakalimutan kailanman. Ang pag-aasam na makalaban Ang team Nang Kainan ay nawala dahil sa sinira iyon Nang team Nang shohoku. Labis Ang panghihinayang niya na dumating pa sa puntong, tumulo pa Ang mga luha Niya dahil sa tinalo lang Sila Nang isang team na Wala pang napatunayan sa larangan Nang basketball.

" Fudjima." Isang boses Ang nagpaangat sa paningin Ng binata Nang tawagin nito Ang pangalan Niya...

" Nag-improve na ba Siya? Sa paglalaro? " Isang makahulugang tanong nito sakaniya, bahagya Namang sumilay Ang mga ngiti sa labi ni Fudjima bago Niya iyon sagutin.

" Sa pagtatapat naming dalawa, masasabi Kong mas gumaling pa Siya sa paglalaro.... " Turan Niya rito...

" Kung ganun, Tama Pala Ang hinala ko... Gumaling nga Siya. " Tugon Naman nito kaagad.

" Mahirap Ang sitwasyon mo, pero sana Naman ipakita mo paring mas magaling kaparin sakaniya." Ani Fudjima na Ngayon eh nakatingin na sa gawi nito. Naputol lamang Ang usapan Nang dalawa Nang dumating si Hanagata.

" Fudjima, paparating na Ang team Nang shohoku." Bungad nito sakanila... Sabay-sabay na napatayo Ang lahat na para bang ano Mang Oras handang-handa na Silang talunin ito.

" Sila nga Ang nakapasok sa Interhigh at pumangalawa sa team Nang Kainan Nung nakaraang tournament, pero tinitiyak Kong mag-iiba Ang sitwasyon ngayon. " Makasaysayang wika ni Fudjima habang nakatayo, halos makikita sa mga mata Nang team Nang Shoyo Ang pag-aasam na manalo kahit na sabihing Isa lamang itong practice game.

Nagsilabasan na Ang team Nang Shoyo sa kanilang locker, subalit bago lumabas Ang Isang binata ay mariin niyang pinagmasdan Ang hawak-hawak nitong jersey uniform. Pasaglit niyang tiningnan Ang salitang Shoyo na nakaukit sa uniform na hawak Niya. At pasimpleng hinawakan Ang resban nito sa Ulo.

' hinihintay ko Ang Araw na ito, Ang Araw na makaharap ka...............



















































Miyagi...........'

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now