CHAPTER 21

74 7 5
                                    

Sa hinaba-haba Nang paghihintay sa wakas ay ito na Ang panibagong simula para sa mga manlalaro Nang Kanagawa. Ang winter tournament magsisimula na.

Ngayong Araw Ang Isa sa pinaka inaabangan Nang lahat na panibagong yugto para sa Mundo Nang basketball. Para sa Mundo Nang mga manlalarong walang ibang hiniling kundi Ang mapabilang at makasali sa Isa sa pinaka magagaling. Isang tornamentong maaaring makapag pabago sa Mundo nang mga manlalarong Ang hangad ay Ang maging number 1 team sa Japan. Ang winter tournament.

Maagang nagising Sina Akagi, Kogure at Ayako sakaniya-kaniya nitong pamamahay.... Hindi paman nila laro ngayong Araw pero dama nila Ang kaba at Ang excitement na nararamdaman.

" Ito na Ang umpisa Nang tournament kuya, wag Kang mag-alala... Sa pinapakita Nang team nasisigurado Kong magiging maayos Ang lahat." Panimula ni haruko sa kapatid nitong si Akagi na Ngayon ay tahimik at pawang may iniisip. Iniisip nito Ang magiging epekto Nang pag-iiba nila Nang coach. Ngayong Ang all-star na Si Suwahara na Ang coach nila Hindi Malabong Hindi Sila mangapa sa panibagong sistemang gagawin nila sa laro. Magdamag Niya iyong iniisip, na sana Hindi na umabot sa puntong magkagulo lamang Ang team.

" Sana nga..." Yan nalamang Ang maikli niyang sagot sa nakababatang kapatid habang kinukuha Ang tuwalya nito upang magpunas.

'Ngayong bago na Ang coach na hahawak sa team... Sa palagay ko Hindi to magiging madali.'

Pagpapatuloy Niya sa kaniyang isipan. Nginitian lamang Siya ni haruko bilang tugon sa naging kasagutan Niya. Matapos ay lumabas na ito para kumain Nang agahan Kasama Ang mama at papa nila. Kagaya ni haruko ay lumabas narin si Akagi upang kumain... Wala man siyang balak pero gusto niyang manood sa laban mamaya.

Sa kabilang Banda Naman.... Kabadong umiinom si kogure dahil bukas ay sasabak agad Sila sa laban kontra Miyaka... Ito Ang naging panlima nitong nakaraang taon kaya Naman paniguradong naghanda ito Nang lubusan para sa laban nila bukas. Nanginginig siyang tinitigan Ang kalendaryong nakasabit sa ding ding Nang Bahay nila... Naka makarka roon Ang Araw Nang laro nila kontra Miyaka high.

" Hindi ko alam kung Ano ba dapat Ang mararamdaman, naging pangalawa na kami Nung nakaraang tournament laban sa Kainan. Nakapasok narin kami sa Interhigh, at Ngayon.... Susubok ulit kami para sa panibagong Liga... Ang winter tournament. Sa lahat Nang napagdaanan Nang shohoku, tumayo kami bilang Isang pamilya.... Kaya sana lang maging maayos lang Ang lahat. Para to Kay Akagi na sumubok at Hindi tumigil Hanggang sa makamit Niya Ang bagay na ito. " Ang wika ni Kogure sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan Ang Numero na minarkahan Niya.

" Ano kaba apo, Sa nakikita ko mukhang Ang shohoku Ang magkakamit Nang tagumpay ngayong taon.... " Singit Nang Lola Niya Mula sakaniyang likuran Saka hinawakan Ang balikat Niya.

" Alamo ba, Ganyan na Ganyan rin noon Ang tiyuhin mo... Ilang beses siyang sumubok para makamit Ang panalo... Gaya Nang batang si Akagi, malayo Ang narating Niya sa laro at alam Kong ganun din Ang team niyo apo." Pagpapatuloy pa nito sa sinabi... Hindi malaman ni Kogure kung Ano ba Ang sasabihin o mararamdaman... Pero Isa lang Ang alam Niya, binigyan Siya Nang lakas at pag-asa Nang mga katagang binigkas Nang Lola Niya kanina lang. Gaya Niya ay kinakabahan Rin si Ayako, kanina pa ito palakad-lakad habang pinapanood Ang naging laro Nang Miyaka Nung nakaraan. Sinisigurado niyang mahahanapan Niya ito Nang butas para matalo nila ito sa laro bukas.

Sakabilang dako Naman, magkasamang naglalakad Sina Mitsui at Miyagi papuntang arena... Balak nilang manood Nang laban sapagitan Nang Ryonan kontra Myuradai.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now