CHAPTER 37

31 4 0
                                    

" tingnan niyo, Ibang-iba ang awra Nang shohoku ngayon kumpara kanina. " Bungad ni ikoichi sa mga kasama, sa unang pasok palamang Kasi nang Shohoku team sa court ngayong second half, nakadama naagad ito nang kakaibang presensiya. Yung tipong Ibang-iba Ang awra nang mga ito kumpara kanina. Bahagya pa itong napatingin sa direksiyon ni sendoh nang tumawa ito.

" Anong Meron sa tawang Yan? " Dala nang kuryusidad na Tanong naman kaagad ni ikagami. Mariin pang napatayo ang ace player Nang Ryonan bago magsalita.

" Tama nga si ikoichi, kakaiba ang awra nang Shohoku ngayon. Wari'y nagsasabing, kahit hindi pa tapos Ang laban at kahit may second half pa. Parang sinasabi na nila ang kahahantungan nang larong ito." Nakangiti nitong turan habang pinagmamasdan ang buong team Ng Shohoku na ngayon ay abala sa depensa at opensang gagawin. Bago sundan ang sasabihin ay namulsa pa ito habang na sakaniya ang tingin nang lahat, na animo'y hindi naintindihan ang sinabi Niya.

" Kakaiba talaga, yang si Mith Suwahara, Nang Kougyo." Dagdag Niya pa sa Sinabi.

" Alam na nila ang kahahantungan nang laro? Ano bang Ibig mong sabihin Ron sendoh? " Takang Tanong pa ni ikoichi sakaniya.

" Ang awrang yan ang nagsasabing, kahit hindi pa tapos ang laban, alam na nilang Sila Ang mananalo. " Sa pagkakataong ito ay si Coach Taoka na ang sumagot, napangiti lamang Ang ace player na Si sendoh sa naging Turan nito. Eksaktong-eksakto Kasi ito sa gusto niyang iparating. Alam niyang sa simula palang, nasa Shohoku na ang kalamangan. Sino nga bang team ang makakampante kung nasa loob nang Arena ang nag-iisang Mith Suwahara, Lalo na kung ang team pa nang Shohoku ang hinahawakan nito. Sino nga bang mag-aakalang, hahawakan ni Mith Suwahara ang team nang Shohoku sakabila nang pagiging rivalry nila ni Aigoma. Para sa iba ay napa cool nitong tingnan, pero para Kay Sendoh..... Nakakakilabot ang pangitaing ito, kung Buhay pa si Koyo Aigoma at nagkataong parehong nasa Shohoku team Ang mga ito? Ano nga bang team ang mabubuo nang mga ito, nakakakilabot.... Marahil ay mas magaling pa ito sa Sannoh ngayon.

" Coach....." Ang wika ni ikoichi.

" Sigurado akong, kahit hindi ipahalata nang Miyaka ang nararamdaman nila... Sigurado parin akong kinakabahan ang mga ito sa ngayon. Sino nga bang player ang makakapag fucos sa laro, kung Ang coach nang kalaban ay Isang All-star player noon. Maraming napatunayan, at mga parangal na nahawakan. " Dagdag pa nito sa sinabi, na animo'y napaisip pa.

' baket Suwahara? Baket sa Shohoku? Anong meron sa Shohoku na wala sa iba? Hanggang ngayon ay hindi parin Ako makapaniwala. Dahil ba ito Kay Aigoma? '

Ito ang mga katagang Nasa isip ngayon nang Coach nang Ryonan. Mariin pa nitong pinakatitigan ang nakatayong si Suwahara sa bench nang Shohoku. Napadako lamang ang atensiyon nang lahat nang pumito na Ang referee, hudyat na magsisimula na Ang laro para sa second half.

Kaagad na naghanda ang team nang Shohoku para sa depensa... Ganon Rin Naman ang team nang Miyaka.

" Jump ball, pumwesto na sa gitna." Wika Nang referee. Mariin lamang na napapikit si Akagi dahil sa kirot na nararamdaman niya sakaniyang paa. Ano mang Oras ay maaaring matapos na Ang laro kaya Naman handa niyang tiisin ang sakit para sa team. Yon lang Ang maaari niyang maitulong para sa shohoku. Pupuwesto nasana Siya sa gitna nang harangin siya ng dalawa niyang ka teammates Niya na Sina Rukawa at Sakuragi. Makahulugan lang Niya itong tiningnan na para bang nagtatanong.

" Anong ginagawa nila? " Takang Tanong ni Kogure Mula sa bench.

" Wag Naman sana silang mag-aaway." Ang nag-aalalang Ani pa ni ayako.... Samantala, tahimik lamang na nakamasid sakanila si Mith. Hindi man Niya sabihin, subalit alam Niya Ang kondisyon ni Akagi sa ngayon. Mula sa pananahimik nito Mula pa kanina ay napansin niyang parang may kakaiba, parang may Mali. Hindi lang Siya Sigurado kung Ano ang bagay nayon pero ramdam Niya ang kakaibang awra nito magmula pa kanina. Marahil ay napansin rin iyon nang dalawa kaya Siguro hinarang nang mga ito si Akagi.

" Captain, marami kanang nagawa, kaya Panahon Naman para kami naman ang gumawa." Seryosong wika ni Rukawa, maging Sina Miyagi ay tahimik lang din na nanonood.

" Tama siya Gori, sa pagkakataong to... Ako Muna Ang tatalon para sayo. " Pagsang-ayon pa ni hanamitchi sa sinabi ni Rukawa.... Halo-halo ang naramdaman ni Akagi ngayon, sa Panahon na magkakasama sila.... Unti-unti niyang nakikita ang unti-unting pagbabago nang mga Kasama. Matured na ang mga ito kumpara noon, natutuwa siyang Makitang walang mahalaga sa pamilya kundi ang tiwala at pahalaga. Ngayon, naramdaman niya ang bagay na yon.... Na kahit Minsan Hindi magkaintindihan at palaging trouble lang ang alam gawin nang mga ito, Masaya siyang malamang unti-unti nang lumalaki ang samahan nang Shohoku.

" Tama Sila Akagi, ipaubaya mo na kay hanamitchi Ang lahat. " -mitsui

" Magtiwala Tayo sa Henyo." Ito naman Ang nakatawang Turan ni Miyagi matapos ay pa simpleng sinulyapan Ang imahe ni Yesure na sa ngayon ay nakangiti rin.

" Magagawa mo ba para sakin? Hanamitchi Sakuragi? " Usal ni Akagi, tango lamang Ang isinagot nito sakaniya kaya Naman bahagya Niya pa itong hinawakan sa balikat.

" Wag Kang mag-alala Gori, Tayo Ang mananalo...." Wika pa nito sakaniya...

" Wag pakampante, anim lang ang lamang niyo." Nakatawang wika pa ni Imashi na sinabayan pa Nang malakas na tawa Nang mga kakampi nito.

" Sharapppp.... " Baling Naman kaagad ni hanamitchi rito. matapos ay pumanhik na sa gitna katapat si Negil ketsuya. Iginayak na nang referee Ang bola pataas at ano Mang oras ay ihahagis na nito Ang bola sa ere.

" Baket pinalitan si Akagi? " -Kyota

" Siguro dahil hindi siya ok, hindi ba maki? " Ang nakangiti pang sagot ni Jin sa Kasama....

" Hmmm.... Nangyare ito kanina, nung sinubukan niyang supalpalin ang Tira ni Ketsuya... " Ito naman ang pa Saad na sambit ni Maki habang nasa Shohoku team Ang tingin.

Nang maihagis na Nang referee ang bola sa ere ay magkasabay na tumalon Sina Ketsuya at hanamitchi para sungkitin iyon. Halos hulog pangang Hindi makapaniwala Ang lahat dahil sa taas nang itinalon ni hanamitchi.

" Grabe! Ang Taas Niya talagang tumalon." Bulalas ni ikoichi sa kinauupuan nito.

" Ibang klase talaga Ang number 10 nayan." Sang-ayon pa ni Koshino rito.

" Sige, ganyan nga.... Sakuragi." Ang nakangiti pang wika ni sendoh sa sarili habang manghang nanonood sa takbo Nang laro. Simula talaga nang laro nila kontra Myuradai, gusto niyang Makitang tumira ulit nang 3 points itong si Sakuragi. Satuwing nag iimprove ito, mas Lalo siyang na eh excite panoorin ang laro nito. Ganon din kay Rukawa. Ang dalawang rookie'ng nagparamdam sakaniya ulit nang excitement.....

Si Kaede Rukawa at si hanamitchi Sakuragi Nang shohoku team.























































Please Vote & Comment
And also, follow me guys

Note: Make your dreams come true even if it's imposible.
- Author
(Zelien03)

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now