CHAPTER 22

79 6 3
                                    

" Mukha atang.... Determinado Nang talunin ni Sendoh Ang pangkat Nang Myuradai." Ani Jin habang pinagmamasdan Ang larong pinapakita ni sendoh Ngayon. Halos ito na Kasi Ang gumawa Nang lahat Nang puntos para sa team Nang Ryonan. Mukhang sa pinapakita nito parang ayaw na nitong makahabol pa Ang kalaban.

Na Kay Murasame Ngayon Ang bola, pinasa nito Kay takatsu na Ngayon ay gumagawa Nang paraan para lusutan si koshino....

" Cge kung kaya mo." Mapanghamong Ani koshino rito...

" Ang yabang mo.... " Yun lamang Ang naisagot nito matapos ay binigay Kay araki Ang bola.... Nang Makita ni koshino na ipinasa ni Takatsu Ang bola at napangisi nalamang ito bigla. Matindi Ang binibigay na presensiya ni sendoh Ngayon sa loob Nang court... Halos lahat Nang kalaban ay umiiwas itong bantayan dahil sa bilis at liksi nito kung kumilos.

" Alam ni sendoh Ang gagawin at Hindi dapat, team captain Siya Ngayon Nang team kaya marapat lang na mabuhayan Ang team Niya sa larong ipinapakita Niya." Si Maki na Ngayon Ang nagsasalita, mataimtim lamang na nakikinig si Rukawa sa usapan Nang dalawa...  Nahinto lamang ito Nang dumako Ang atensiyon ni Maki at Jin sakaniya.

" Anong masasabi mo sakaniya Rukawa? " Ito Naman Ang natanong ni Jin sakaniya....

" Sapalagay ko, ayos Naman." Yan lamang Ang maiksing sagot ni Rukawa sa mga ito matapos ay itinuon na Ang atensiyon sa laban.

" Ano kaba murasame! Hahayaang mo nalang bang talunin kayo Nang Ryonan! " Sigaw Nang coach Nang Myuradai na Ngayon ay Nasa bench nito habang makikitang tila nagsasalubong Ang dalawang kilay.

" Coach..... " Ito Naman Ang nanggigil na sambit ni naito habang pinagmamasdan Ang score nila laban sa score Meron Ang Ryonan. 75 to 40 Ang talaan Nang score at Nasa Ryonan Ngayon Ang kalamangan. Habang Dala-dala ni Araki Ang bola ay naagaw ito ni Fukuda... Mabilis na ipinasa nito Kay ikagami Ang bola na ipinasa Naman nito Kay sendoh... Binantayan ito ni naito Kaya nag-isip Muna Nang panibagong taktika Ang ace Nang Ryonan. Hindi Niya kakayaning tapatan Ang lakas nito gayong ito Ang rugby king noon. Wala narin si Ouzumi na papantay sa lakas Meron ito, Ang tanging matamang paraan nalamang ay Ang mag-isip Nang Isang paraan.

'si Fukuda..'

Yan Ang naisip ni sendoh matapos ay agad ibinaling Kay Fukuda Ang tingin. Nasa Malapit ito sa ring kaya tumalon si sendoh na animo'y isho-shoot Ang bola...

'cge na kumagat kanang kalbo ka.'

Ani ueksa sa isipan nito. Gaya nga Nang inaasahan, kumagat si naito sa naging patibong ni sendoh... Lingid lamang sa kaalaman nito na may binabalak itong ibang taktika...

" Ititira Niya ba? " Ani Mitsui

" Sapalagay ko Hindi, may iniisip Siya... At point guard lamang Ang makakaisip Nang ganyang taktika... " Ani Miyagi, napatingin pa si mitsui sa gawi Niya Nang sabihin Niya Yun... Tila naguluhan pa ito Saka nagkibit balikat na lamang at sabay itinuon Ang sarili sa laro.

Makikitang ipinasa ni sendoh Ang bola Kay Fukuda Nang kumagat si Naito sa naging patibong nito sakaniya. Mabilis iyong nasalo ni Fukuda Saka mabilis na idinakdak sa ring ang bola... Hindi bago Ang ganitong play dahil nagawa narin ito Nang shohoku sa practice game nila sa Shoyo makailan lang.

" Ano?/Ang bilis/Fukuda." Ang sabay-sabay na wika Nina Mitsui, Miyagi at Maki habang nasa number 13 Nang Ryonan nakatingin.

[ Kita niyo ba Yun? Hindi ba ganun Ang style Nang play Ang ginawa Nina Miyo ishikawa at Hanagata noon? ]

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now