CHAPTER 3

81 4 1
                                    

Isang malakas na sigawan Ang bumungad sa loob Nang gym Nang pumasok Ang team Nang Shoyo, samo't saring sigaw Ang maririnig Mula sa mga Estudyanteng naroroon upang manood. Kahit sabihing Isa lamang itong practice game ay Hindi parin maiiwasang Hindi ito dayuin Nang ibang mga Taga school kagaya nalamang ni Ikoichi na kabilang sa team Nang Ryonan. 

" Aba! Praktis Game palamang ito pero kung titingnan parang laban ito sapagitan Nang Winter tournament." Wika nito sakaniyang sarili habang manghang pinagmamasdan Ang bawat Taong Nasa loob Nang gym na ito. Sobrang dami Kasi nito talaga kung ikukumpara sa mga nagdaang practice game noon. Ikinagulat Niya Rin Nang Makita Ang imahe ni kyota na nakaupo sa ilalim Nang court.

" Ganito ba talaga kasikat Ngayon Ang dalawang koponang ito? Pati mga sikat na player Nang ibat-ibang team nanonood narin." Dagdag pa Niya na wariy nagpalinga-linga pa...

" Hindi ba si Gin iyon? "

" Balita ko, pumang-apat Sila sa ranking Nung nakaraang Interhigh..."

" Oo nga, sobrang lakas talaga Nang Kainan... "

" Gusto Kong Makita Yung number 11 Nang shohoku, Ang Balita ko ipinahiya raw nun si Minami sa laro."

" Makakasali pa kaya sa Interhigh Ang team Nang shohoku? "

" Malalaman natin Yan kung matatalo nila ulit Ang Shoyo."

Samo't saring usapan Ang naririnig ni Ikoichi Mula sa likod Niya, Hindi Siya makapaniwala na sikat na sikat si Rukawa maging sa Interhigh na pinaglaruan nito. Sino nga ba Naman Ang Hindi makakakilala sa manlalarong ito? dahil Bukod sa magaling, ito pa Ang manlalarong humamon mag Isa sa  ace player Nang Sannoh. Ang number 1 player sa Japan na si Eiji Sawakita.

Ang maingay na bulungan at usapan ay napalitan Nang Malakas na hiyawan Nang pumasok na sa gym Ang koponan Nang Shoyo.

" Aba! Si Fudjima ba iyon? "

" HANAGATA! HANAGATA! "

" Sigurado akong Shoyo Ang mananalo rito! "

" Fudjima!!!! "

" SHOYO! SHOYO! SHOYO! "

Malakas na sigawan Ang pinakawalan Nang lahat matapos Makita Ang team Nang Shoyo. Makikita sa mga mata ni Fudjima Ang pagka determinado para manalo sa larong ito.

" Nakakamiss maglaro, Yung tipong isinisigaw Nang maraming tao Ang pangalan mo." Ani Ishikawa habang nakaupo sa bench Nang Shoyo, inaayos nito Ang pagkakatali sa sapatos Niya... at walang pakundangang itong napabuntong hininga.

Tumabi Naman sakaniya si Fudjima at iniabot Ang Isang malamig na tubig...

" Handa kana ba? " Wika ni Fudjima rito...

" Shempre Naman... " Maikling sagot nito... Nabaling lamang Ang atensiyon Nang mga ito Nang bumukas Ang Isa pang pintuan Nang gym... Kung nasan naroon Ang team Nang shohoku.

" Aba! Ayan na Ang team Nang shohoku! "

" Rukawa galingan mo! "

" Idol kita Rukawa! "

" Akagi!!!! "

" Rukawa! "

" Miyagi! Ikaw Ang idol ko! "

" Mitsui! "

Sigawan nang mga manonood sa loob, halos Hindi makapaniwala ang team Nang shohoku dahil sa lakas Nang hiyawang natatanggap nila sa mga tao.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now