CHAPTER 30

31 3 2
                                    

This Chapter is Dedicated to:

     RichelleMetiam040
     echooaquino24
      Kagamitaiga446


  [ AUTHOR NOTE  ]

Thank you guyz sa palaging pag abang sa story kahit na medyo natatagalan pa. Sana magustuhan niyo tong Chapter nato, tinapos ko pa talaga to para sainyo. Alam Ko Yung pakiramdam nang nag-aantay kaya Naman tinapos ko talaga. As a basketball fan, gusto Kong magpasalamat sa lahat Ng sumusuporta. Sa lahat Ng nag co-comment, sa lahat Ng nagbabasa, Hindi ko na kayo iisa-isahin... Na appreciate ko talaga kayo Ng sobra. Hindi ko to inaasahan pero, nagpapasalamat parin Ako.  I'm so happy na kahit papano nalilibang ko kayo, na kahit papano nakakapag Bigay Ako Ng aliw sa mga nagbabasa o sa mga magbabasa palang. Once again thank you so much... I hope mag enjoy kayo sa estoryang ito.




.............

Maririnig Mula sa labas Ng arena Ang usap-usapan tungkol sa pagkapanalo Ng shoyo sa laro kanina. Subalit, Ang mas nagpakaba at nagpayanig sa Mundo Ng shohoku team ay katotohanang Sila na Ang maglalaro para sa Winter tournament. Bahagyang tinapik ni Suwahara Ang walang imik na Si hanamitchi Sakuragi. Kanina pa ito ganito Buhat Ng eh announced kanina Ang susunod na maglalaro. Unang bumukas Ang pintuan kung asan naroroon Ang team ng Miyaka high. Inilabas nun Ang player Ng team at Ang Coach nila na Si Coach Mo Yushima.

Malagkit pa Silang tiningnan Ng mga ito Saka naglakad palabas at papunta sa loob Ng court kung asan naroroon Ang napakaraming manonood. Mula sa kinatatayuan nila ay maririnig Ang malalakas na hiyawan Ng mga tao sa paligid.

[ MIYAKA! MIYAKA! MIYAKA! ]

[ GO! MIYAKA! ]

Sigawan na maririnig Mula sa loob Ng arena, manghang-mangha Namang nanonood si ikoichi dahil sa dami Ng manonood. Para bang nagdagsaan Ang mga ito Ngayon kumpara kanina.

" Ayan na Ang Miyaka high." Aniya pa na siyang umagaw sa atensiyon Nina sendoh, sa totoo Kasi Ang Shohoku kontra Miyaka talaga Ang inaantay nilang mapanood.

[ Si Yesure ba Yun? ]

[ Oo Siya nga.]

[ Ibang klase! Parang nanonood na Tayo Ng Interhigh rito sa Kanagawa.]

[ Wala paba Ang shohoku? ]

[ Gusto Kong mapanood Yung may pulang buhok.]

[ Ibang klase Yun, Nung laban ng Ryonan gumawa Yun Ng milagro.]

[ Ay oo! Napanood ko Rin Yun. ]

Usap-usapan na naririnig Ng team Ng Ryonan sa bandang kaliwa nila. Hindi. Halos sa buong paligid ganun Ang maririnig.

" Milagro? " Takang Tanong ni ikoichi Nang magsalita si koshino.

" Yung 3 points na ginawa Niya, katapos Ng first half. " Wika ni Koshino, pagkasabi nito ay naalala ni ikoichi Ang ginawang Yun ni hanamitchi Sakuragi. Kaya Pala ganito nalang ito kung pag-usapan dahil sa ginawa nito Nung nakaraan. Napadako Ang tingin Ng lahat dahil sa malakas na sigawan Mula sa labas Ng court. Parang kung Anong Merong nangyayare ron.

" Teka? Ano ba Ang ingay na Yun? " Ang takang wika ni ikagami. Halos lahat Ng mga naroroon sa loob Ng court ay Nasa pintuan din Ang tingin. Malakas na ingay at usap-usapan Kasi Ang Nang gagaling Ron na parang may Isang sikat o artista sa loob nun.

" Shohoku Siguro." Ito Naman Ang pasambit na sagot ni Sendoh habang pinagmamasdan Ang bukana Ng pintuan kung San lalabas Ang team ng shohoku.

Samantala,

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now