Simula

64 17 2
                                    

Typos and Grammatical errors ahead.

***

LORIBETH ARMANI

Hello?So iyon na nga ako si Loribeth palayaw ko ay Lori ganda diba?Paalam ko lang sayo para naman malaman ko kung ako pa ba?Uyy! Hindi. Joke lang! masaya lang talaga ako. Hindi ako masaya dahil sayo ha, wag assuming. Lilipat na kase kami ng bahay dahil pinalayas na kami sa inuupahan namin. Oh diba! Saan ka naka-kita ng pinapalayas na masaya pa. Edi dito sa kanto.

Pinalayas kami dahil hindi naka bayad si Mama ng Tatlong buwan na renta. Sino ba naman hindi magagalit sa ganyang tao hindi nag babayad. Joke. Hayaan mo Mama mag papatayo ako ng hotel para lang sayo. Hindi natin sila papa-tuluyin pag bumaha. Nu konek?Joke.

"Hoy Lori! Tumigil kana nga sa kakatawa mo. Pinalayas na nga tayo gaganyan ka pa." Sigaw sa 'kin ng Nanay ko habang bitbit yung sandamakmak na mga gamit namin. Papunta kami ngayon sa Bahay ng Lola ko. Mayaman yun eh.

"Eh Nay sinong hindi matatawa eh pinalayas tayo" Natatawang saad ko rito. Halos batuhin na ako ng Nanay ko ng mga dala nyang gamit. Wag ka Magalit Ma.

"Kaysa tawa ka ng tawa dyan, bitbitin mo itong ibang dala ko. Nakukuba na ko oh!"

"Sino ba kaseng nag sabi na dalhin nyo lahat yan?Eh dalawa lang naman yang kamay mo! Akin na nga!" Kaagad kong kinuha yung dala ni Mama na bag. Dahil mukhang magaan lang naman. "Aray ko ang bigat!"

"Oh ano! Akala mo magaan ano!" Natatawang saad ni Mama. Nanay ba talaga kita?

"Mama bakit ba kasi tayo nag lalakad, bakit Hindi tayo mag tricycle?" Ingit ko sa nanay ko. Bigat pala neto.

"Oo nga ano!" Sabi ni Mama at tumingin sa paligid. Oh tapos Ma? "Lumagpas na tayo sa sakayan, Tara balik!"

"Nakngpusa naman uyy" Ingit ko nanaman kay Mama. Hindi kaba napapagod bumalik. Okay lang yan Ma bumalik na tayo sa sakayan, wag lang sa Tatay kong ano.. hala ewan.

"Kuya para!" Pag harang ni Mama sa Kuyang naka tricycle. Alangan naka bike diba? Saan kami sasakay sa gulong? "Sakay mo na mga gamit nak"

Kaagad kong sinakay ang mga gamit namin sa tricycle at si Mama naman ay naupo na sa loob. Habang ako wala ng masasakyan. Joke sa likod ako. Umikot na ako para sumakay na sa likod bago ako sumakay may nakita pa akong Piso. Kaya pinulot ko.

"Kuya sa Armani Villa ho" Saad ni Mama sa driver. Tumango naman si Kuya at pinaandar na ang tricycle. Ngeng ngeng ngeng~~~

***

Habang nabyahe kami ay pinag mamasdan ko yung bahay na malaki. Dito kaya kami pupunta? Sana naman. Joke!

Huminto ang sasakyan sa tapat ng Malaking gate, Eto ba yung nakikita ko kanina? Hala ang Shala! Parang buhay prince and princess ang mga nakatira dito ah. Ang yaman. Bumaba na ako para tulungan si Mama sa pag baba ng mga gamit.

May mga Maids din na lumapit sa amin para tulungan kami ipasok yung gamit namin. May ganto pala kalaking Mansyon ang Nanay mo Mama tapos nag tya-tiyaga ka lang sa Tatay kong tambay lang sa kanto. Amazing huh!

Pag pasok na pag pasok namin sa Loob ng Mansyon ay grabe. Nalulula ako teh. Ang laki ng anes nila. At yung mga Maids ang gaganda ng suot. Mag maids na lang din kaya ako.

"Aray Ma" Ani ko kay Mama dahil kinurot nya ang tagiliran ko. "Mag Mano ka sa Lola mo" Sundot nito sa akin.

"Sino po ba yung Lola ko?Nasaan po ba sya?" Tanong ko sa dalawang Babae dito sa harap namin. Napalaki naman ang Mata nung dalawang Babae at tumingin kay Mama.

"Nak sila yung Lola mo!" Bulong sa akin ni Mama. Weh?Tunay? "Sorry Ma, Auntie" Pag paumanhin ni Mama sa Lola ko pala. Taray Ma may accent.

"Mano po mga Lola's" Saad ko sa kanila at nag mano. "Sorry po hindi ko po kase alam na kayo po yung Lola ko" Sambit ko sa kanilang dalawa. "Akala ko po kase kapatid kayo ni Mama" napakamot na lang ako sa ulo. Napatawa naman sila sa sinabi ko.

"I like your daughter, Beatriz!" Sambit nitong Lola ko at Niyakap ako. Hehe nebe pereng shere. Hala Uyy!

"Yaya dalhin nyo na yung gamit nila sa dating silid ni Beatriz" Aniya Lola. Tangkang tutulungan ko na sana yung Maids at si Mama sa pag akyat ng biglang hawakan ni Lola ang balikat ko at umiling. Okay mukhang ma b-baby ako dito ah. Gusto ko yan.

"Hayaan mo na sila at ang Mama mo ang mag ayos ng gamit nyo, mag kwentuhan muna tayo" Saad ni Lola at inaya ako na umupo sa couch nila. Hala lambot. Sa bahay kase namin sa sahig lang kami naupo eh.

"Ate mauna na ako ha iwan ko na kayo" Paalam nitong isang Lola ko at bumeso sa Nanay ni Mama. "Ingat Viray" Bakit ang babata ng Lola ko.

"Anong pangalan mo apo?" Naka ngiting tanong sa akin ni Lola. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko ba gusto moko tapos hindi mo pala alam pangalan ko hehe. Okay hindi ko rin naman alam pangalan mo.

"Ako po si Loribeth Armani, kayo po si..?" Sagot ko at binalik ang tanong sa kanya.

"Ako si Vina, mukha ba talaga akong bata?"

"Opo Lola mukha po talaga kayong bata ilan taon ka na po ba?" Tanong ko sa kanya.

"58" Nagulat ako sa sagot nya at napa takip sa bibig. "Seryoso po kayo?Eh si Mama 38?ako naman ay 18!" "Kaya po pala mukhang bata si Mama pati ako, dahil mukha pong bata ang Nanay nya." Napatawa naman ang Lola ko sa reaksyon ko. Seryoso ako Lola.

Saya naman pala dito sa bahay mo Lola. Kung alam ko lang po na dito yung bahay mo sana naka hingi ako ng tulong sayo nung panahong nag aaway ang Nanay at Tatay ko.
Edi sana hindi po nasugatan balat ng Nanay ko dahil sa magaling kong Tatay.

Pero ngayon enjoy-in muna namin itong araw na nandito kami sa puder mo Lola. Sana maging maayos pa rin yung trato ng mga kapatid ni Mama sa kanya. I hope!

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now