Kabanata 8

6 1 0
                                    

***

LORIBETH ARMANI

Maaga ako bumangon mga 4 am pa lang. Alam kong alas otso pa ang pasok pero kase gusto ko handaan nang breakfast si Mama. Peace offering Ganon. Hindi talaga ako sanay na may ganito kaming away ni Mama. Hindi ko rin naman siya masisi sa hindi pag Sabi sa akin ng totoo.

Noon pa lang. May galit na talaga ako kay Papa. Pero onti lang dahil kase lagi na lang niya inaaway si Mama. Hindi ko alam kung iyon na ba yung araw na nalaman ni Mama na may iba pang pamilya si Papa o kayay baka umamin siya kay Mama.

Dahan dahan akong bumababa sa hagdan nang bumukas yung ilaw sa kusina. Naunahan nanaman ako nila Manang Rosaryo at Mang Dino. Papa tulong na lang ako.

Palapit na ako sa kusina, nang may lumabas sa cr. Mama? Kaagad akong nag tago sa mahabang lamesa.

"Ma'am Bea. I prito naba namin yung manok na tinimplahan kagabi?" Rinig kong sabi ni Manang Rosaryo. "Sige paki luto na po. Ihanda ko lang yung mga gagamitin para sa adobong sitaw." Rinig kong sagot ni Mama. Favorite ko yun ah. Hm?

"Ma'am yung fruit salad dito sa ref masyado na pong matigas. Ialis ko ba sa freezer?" Tanong ni Mang Dino. "Osige ho, para hindi mahirapan si Lori sa pag kain mamaya." Rinig kong sagot ni Mama. Sabi ko na eh para sa akin. Naunahan ako!

Dahan dahan akong gumapang paalis sa pwesto ko at tumakbo paakyat sa kwarto. Muntik pa ako madulas huhu.

Gising na ako. Ano naman gagawin ko? Kaka isip sa gagawin ko eh. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako.

"Lori, Wake uppp!" May gumigising sa akin. Bumangon ako ng hindi man lang idinidilat ang mata. "Sino ka masamang ispirito?" Tanong ko. "Hello Lori?Dumilat ka." Saad ulit. Dumilat naman ako. "Woah!" Gulat kong sigaw.

"Good morning, Princess Lori!" Bati sa akin ni Kuya Clayton! Kinunutan ko naman sila ng noo. "Umaano kayo Dito?"

"Ginigising ka namin!" Sagot ni Jian. "Ahh okay. Gising na ako. Ano oras na ba?" Tanong ko.

"6:45 na." Sagot ni Jian. "Ano" "I said it's already 6:4—

"Anonas!" Putol ko sa sasabihin niya. Tumayo ako para bumaba na at kumain. Bago pa ako bumaba eh rinig kong tinatawanan nila si Jian.


"Gising ka na pala. Asan ang mga pinsan mo?" Ngumiti si Mama. Ngumiti naman ako. "Nasa kwarto—oh ayan na pala sila eh."

"Oh siya. Maupo na kayo at kumain. Kami nag luto niyan!" Saad ni Mama. Umupo naman kaming apat mag kaka-tabi kami.

Kumakain na kami. At panay ang tingin ni Mama sa akin. Natawa naman bigla si Kuya Clayton. Ano Meron? "I cannot!" Saad nito at tumawa. Natingin naman kami sa kanya.

"Kumakain tayo oh. Tumigil ka nga." Bawal sa kanya ni Kuya AL. Kumuha naman si Jian ng pritong manok at sinalpak sa bibig ni Kuya Clayton. Palibhasa siya ang gitna. "Can you stop laughing?"

"Sorry. Na anonas ka kase ni Lori." Sagot niya. Tumawa naman kami ni Kuya AL habang si Mama ay walang maintindihan.

"Ang random mo naman Kuya." Saad ko kay Kuya Clayton. Nag tataka ako bakit dito sila kumakain? Eh may bahay naman sila. Hindi naman sa ayaw ko sila kumain Dito. Alam ko rin na hindi ko naman ito bahay pero may Mali talaga eh!

Natapos kami kumain. Umakyat ako sa kwarto at naligo dahil paunahan raw kami mag bihis. Kung sino raw ang ma-huling pumunta sa gate ay talo. Binilisan ko lang ang pag ligo at kinuha ang damit ko. Black cargo pants at black shirt na may design na bulaklak. Oh ano akala mo Powerpuff girl nanaman noh?

Naabutan ko si Mama sa sala nanonood. Hindi na sana ako mag papa-alam kase nakakahiya. Pero wala naman akong hiya kaya nag paalam pa rin ako. Aba, ang bastos ko naman kung hindi ako mag papa-alam.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now