Kabanata 3

13 7 0
                                    

***

Maaga kami pinauwe ni Ms. Raule. Ewan kung Maaga lang ba talaga kami pinauwe o ganito talaga ang uwian dito. Yung mga kaklase ko nag si uwian samantalang ako nandito sa labas ng room ko. Wag daw kasi ako uuwe agad dahil pupuntahan ako rito ni Jian.

Walang ibang taong naka pag pasunod sa akin bukod kay Mama. Yung Tatay ko nga hindi ko sinusunod eh. Noong bata oo, siguro. Tapos itong Jian nato napa sunod ako. Alam mo bakit? Syempre hindi mo alam. Diba kanina sa Principal office dapat hindi muna raw ako pwede umalis. Pero sumama na ako kay Ms. Raule papunta sa Room namin. Tapos itong si Jian nagalit hinanap ako tapos ayon nung nalaman na sa room na ako ayon pinag bantaan ako. Hindi niya raw ako isasabay.

Sabi nya pa nga sa akin kanina eh. "Kapag hindi ka nakinig sa akin. Mag lakad ka pauwe." Ayon yung sabi nya. Kaya nandito pa rin ako sa room. Diba kinder.

Habang hinihintay ko yung pinsan ko. Nakita ko si Lori the second naka upo sya malapit sa pintuan ng kabilang room. Mukhang may inaantay sya. Hawak hawak nya yung cellphone nya. May kinakalikot sya ganon.

"Hoy Lorisus!" Pag tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito at tumingin ulit sa cellphone nya. Edi wow.

Lalapitan ko sana sya kaso dumating na yung pinsan ko. "Let's go. Beth" Saad nito. Namoha. "Luh?Lori kasi!" Bulyaw ko rito.

"Hayi nevermind!" Sambit nito at nag simula ng lumakad. Lilingonin ko sana si Lori kaso nauna na syang lumakad. Luh saan ka dumaan.

"Bye Lorisus!Ingat ka!" Sigaw ko sa kanya pag baba nya ng hagdan. Napatingin pa nga sa akin ang pinsan ko at nakunot ang noo.


Dali dali akong sumakay sa kotse nitong pinsan ko. Dito ako sa likod ayoko sya katabi baka batukan ako eh. Nakita ko si Lori na nakikipag usap sa guard. Mukhang wala pa syang sundo. Saan naba si pinsan.

Nakita ko na lumapit si Jian sa guard tapos may inabot naman yung guard na parang note book. Pumirma naman itong isa.

Sumilip ako sa bintana at tinawag si pinsan. "Jian!" Tawag ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nito. Naku tatanda ka ng maaga nyan.

"Gusto mo ma pektusan?Tawagin mo kong Kuya!" Galit na sigaw nya. At tinuloy ang pag sulat sa notebook ni Kuya guard. Na ngisi naman itong Lori nato.

"Sabay na natin si Lorisus oh!"

Napatingin naman sa akin si Lorisus. Si Jian naman napatingin kay Lorisus. Luh? Mag sasalita na sana si Jian ng may bumusina. Hindi ako yun.

"Sir Ron! Pasensya na ngayon lang. Nasiraan kasi ako eh" Saad nitong isang lalaki sa sasakyan na itim. Humarang ba naman sa harap ng sasakyan namin. Like duh? Laki ng space dun oh.

Tinignan ko yung lalaki na naka upo sa waiting shed. At saktong natingin din sya. Bakit hindi pa sya tumatayo ayan na driver nya oh. Nakita ko naman na palapit si Lorisus sa banda ko. "Lorisus sasabay kana sa amin?" Masayang tanong ko.

Tumingin naman ito. "Thanks but no thanks." Saad nito at dumiretso sa pag lakad at sumakay sa itim na sasakyan. Luh. Edi wow. Baho. Pero Lorisus pangalan nya ah. Sya rin ba si Ron? Edi wow Ikaw na maraming pangalan. Lorisus Ron!

"Ano pahiya ka noh?" Natatawang sabi nitong pinsan ko pag sakay nya ng kotse. Paepal.

"Edi wow, Baho. Mama mo pahiya!" Bulyaw ko sa kanya. Hala Tita Venice! Joke only

"Sumbong kita kay Mama." Umangat ang sulok ng labi nito. Paepal.

"Joke lang naman Kuya pinsan." Saad ko at binatak ang damit nya.

"Don't touch me. Iww" Saad nito at kunwareng tinabig ang kamay ko. Edi wow bading. Joke


Nakarating kami ni Jian bading sa bahay. Buti na lang safe kami na kauwe muntik na kase kami mabangga dahil sa pusa. Grabe ginabi kami ng uwe dahil sa pinsan kong ito. Paano may binalikan sa Room nya. Tapos tagal tagal pa hinanap.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now