Kabanata 4

13 4 1
                                    

***

Nagising ako ng maaga mga alas sinco ganon. Ewan pero dapat talaga matutulog ako ulit pero imbis na matulog ay bumaba na ako para pumunta sa kusina. Wala rin kase si Mama sa tabi ko. Hanapin ko sana.

Pag baba ko ay medyo madilim pa sa labas. Pumunta agad ako sa kusina dahil may parang nag luluto na yata. Baka sila Manang at Mama.

"Unahin na nating iluto yung manok" Boses ng isang lalaki.

"Osige Ikaw na garod ang mag luto." Saad naman ng isa. "Bolaga!" Gulat ko sa kanila.

"Sus maryosep!" Saad ni Manang Rosaryo sabi ko na nga ba Ikaw yan eh. "Aga mo naman nak" Saad ni Mama ng makita ako pag labas nya ng banyo.

"Matutulog pa sana ako kaso rinig ko na sila Manang rosaryo at Manong Dino eh." Saad ko at kumuha ng tubig sa ref.

"Pasensya ka na Lori eto kasing si Dino nag mama-inam eh" Natatawang ani ni Manang Rosaryo at tinuro si Mang Dino.

"Gusto ko lang naman tumulong eh" Sundot naman ni Manong Dino at napa-kamot sa batok.

"Ay sha Lori since andyan ka naman na. Ikaw na ang sumama kina Kuya mo!" Utos ni Mama sa 'kin. Syempre ako lang naman ang Lori sa bahay na ito. Hays bumaba lang naman ako nautusan pa. Joke

"Aano po ba?" Tanong ko. Inabot naman ni Manang ang sandok kay Mang Dino at lumapit sa amin. "Ay Ma'am gusto mo ako na ang sumama?" Saad nito.

"At ano Rosaryo iiwan mo kami ni Ma'am Beatriz dito." Singit ni Mang Dino at kunware pang tinutok ang sandok kay Manang. Napatawa naman si Mama. Para nanaman akong matutunaw sa ngiti mo Ma.

"Sige na Nay ako na sasama!" Sambit ko at ngumiti sa kanya. Inabot naman nya ang listahan sa akin ng mga bibilin at ang pera. "Bilin mo lahat yan. Walang labis walang kulang" Saad nito at hinawakan ang balikat ko. "Sige bye-i mudra"

Nag lakad na ako palabas nakita ko naman si Kuya Alejandro at Jian na palabas na ng gate.

"Morning Kuya's!" Sigaw ko napalingon naman yung dalawa at huminto sa labas ng gate. Tumakbo naman ako para maka sabay sa pag sakay nila sa kotse.

Pag sakay namin ay nag tinginan muna kaming apat. Eh bakit ba? Si Kuya Clayton ang driver si Kuya Alejandro naman ang nasa tabi nya. At kami ni Jian sa likod nila.

"Papanget nyo naman!" Lait ni Kuya Clayton sa amin. Napa kunot naman noo namin. Like duh? Porket car mo ito, gaganyan kana? Joke

"Wow hiya kame sayo ha!" Napa angat ang sulok ng labi ni Kuya Jian. Kahit kelan ka talaga init ng ulo eh noh? Yan tama yan.
Si Kuya Alejandro naman eh napa iling-iling lang. "Mga isip bata." Asar nito.

Pinaandar na ni Kuya Clayton yung kotse dahil nakita nya raw sinisilip kami nila Mama. Baka sitahin daw kami. May mga chismis sa utak ko wait.

Nung una curious ako bakit wala yung father ni Kuya Alejandro at Jian. At wala yung mother ni Kuya Clayton. Tapos dahil chismosa akong tunay eh nalaman ko yung reason.

Yung father ni Kuya Alejandro at Jian nag cheat sa mga nanay nila. Tapos nang hihingi ng 2nd chance hindi pinagbigyan kase raw hindi raw uso ang 2nd chance. Yung Mother naman ni Kuya Clayton eh namatay nung ipinanganak sya. So sad for him. Ako naman may Tatay pero Ewan. Okay lang naman.

"Alam nyo ba guys may pinopormahan itong si Lori!" Banggit nitong si Jian kina Kuya pinsan. Napalaki naman ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Wag kayo maniwala sa lalaking toh!" Saad ko kina Kuya pinsan dahil tinignan ako ni Kuya Clayton sa salamin sa harap nya. Humarap naman sa amin si Kuya Alejandro.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now