Kabanata 1

36 13 0
                                    

***

LORIBETH ARMANI

Andito kami ngayon ni Mama sa dati nyang kwarto grabe ang laki. Kumpara sa bahay na inuupahan namin dati mas malaki toh kesa don. Inaayos ko ngayon yung mga damit ko akala ko kase inayos na ng maids ni Lola yung mga gamit namin. Yun pala pina iwan lang ni Mama at kami pa rin ang mag aayos.

Sabi ni Mama noon ay baka nabulok na raw itong kwarto nya na ito dahil sa tagal nyang nawala dito. Pero ang linis linis at parang walang agiw o kaya'y mga ipis, daga alikabok ang kwarto nya. May nakita ako sa study table na picture kaya kinuha ko ito agad para tignan. Picture ito ng Lola ko at ni Mama pati ng mga kapatid nya. Totoo nga na sya ang bunso. Halata naman.

"Nayy!" Tawag ko sa Mama ko. "Ano yun nak?" Sagot nito habang hina-hanger yung mga damit namin at pina pasok sa aparador.

Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang litrato na nakita ko. "Ang saya nyo dito oh!Ang liliit nyo pa!" Masayang ani ko kay Mama. Tinapunan nya naman ng kaunting tingin ang litrato at kaagad ding bumalik sa pag ha-hanger ng damit.

"Sana nga ganyan ulit yung saya eh!" Malungkot na ani ni Mama. Lumapit ako kay Mama para yakapin sya. "Mukha naman po silang mabait Nay, baka maging bati kayo ulit kapag nalaman nila na bumalik ka!"

"Hindi mo sure nak." Saad ni Mama sa akin at hinaplos ang likod ko. "Basta yung sinabi ko sayo ha, hanggat nandito tayo umasal ka ng ayos wag yung asal kanto ha" Napatawa naman kami pareho ni Mama. Naisingit mo pa yan ma.

"Ma'am Beatriz! Labas na raw po kayo sabay-sabay na raw po kayo mag hapunan" Masayang Ani ng kung sino sa tapat ng pintuan. "Susunod kami Yaya" Sigaw ni Mama at pinakawalan na ako. Hala Uyy!

Pag labas ni Mama sa banyo ay kaagad na rin akong pumasok dala yung damit at Pajama na susuotin ko. Power puff girl design. Mag papalit na ako para naman maka-baba na kami sa sosyal nilang hagdan na may pa red carpet pa. Daig mo pa ang ga-graduate eh. Joke.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Mama sa akin.

"Bakit Ma, ayos naman suot ko ah pajama at damit."

"Wala tayo sa bahay nak, nasa bahay tayo ng Lola mo"

"Atleast bahay pa din, Joke" Saad ko dito at nag peace sign. "Eh Ma sanay ako sa ganto eh, ayoko mag panggap na kagaya nila ako"

"Pero nak—

"Nay sinanay mo ako sa ganito, kaya masanay rin sila na ganito ako." Saad ko kay Mama. Nakita ko na naluluha sya. Hala ma bakit?

"Kahit loko-loko ka, may katinuan ka pa rin talaga" Saad nito sa akin at niyakap ako. Nebe Mama. "Halika na Nay!"

Dadaan na kami sa red carpet ahihi, habang pababa kami ni Mama ay pinag mamasdan ko yung lamesang malaki at puno ito ng pag kain. Yummy! Si Lola pa lamang ang nasa Lamesa at yung iba ay parang kapatid yata ito ni Mama. Isang lalaki dalawang babae sure ako kapatid nya ito.

"Lolaa" Saad ko pag lapit pa lang sa lamesa at yumakap kay Lola Vina. Si Mama naman ay bumeso kay Lola. Nakita ko na masama ang tingin ng mga kapatid ni Mama kaya ngumiti ako sa kanila. "Magandang Gabi po" Sambit ko sa kanila at yumuko bilang pag-galang. Ganon ba yon?

"Umupo na kayo." Sabi ni Lola umupo naman si Mama malapit kay Lola at ako naman sa tabi ni Mama.

"Asan na ang mga anak nyo?" Tanong ni Lola sa mga kapatid ni Mama. Mukha silang masungit na ewan.

"Nasa office pa si Jian" Saad nung isang babae, pag kaka-tanda ko sya si Venice yung close ni Mama. Mukha naman syang mabait.

"Si Alejandro naman nasa site pa raw" Saad nitong isa. I think sya si Viola. Mukhang mataray pero don't judge the book by its cover, ika nila.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now