Kabanata 6

7 3 0
                                    

***

Maaga kami pumasok ni Jian. May aasikasuhin nanaman raw siya. Sabi Niya ay wag na ako kumain. Grabe naman hindi na nga ako kumain kagabi pati ba naman ngayon. Hindi ako nag rereklamo ha!

"Pre sabay ako sayo ha" Pag baba namin sa kotse ni Jian ay bumungad yung lalaking long hair na pogi. Hala uyy.

"Aano pre?" Saad ni Jian.

"Dimo ba alam sa bahay ni Ran daw gagawin."

"Nabago?" Tanong ni Jian. Obvious naman.

"Oo pre may gagamit raw ng Avr eh!" Sagot nito. "Ganon ba hatid ko muna toh saglit." Turo sa akin ni Jian. Ngumiti naman itong si Kuya anes edi ngumiti din ako. Aba.

"Wag na Kuya. Kaya ko na toh!" "Promise sa room ang diretso ko!" Saad ko at itinaas ng kaunti ang kamay ko. Promise.

"Siguraduhin mo." Duro nito sa akin at nilakihan ako ng mata. Ngumiti naman ako at lumakad na. Sinundan naman ako ng tingin.

Huminto ako kay Kuyang guard at sinilip si Jian. Akala ko naka alis na yun pala naka tingin pa din. Tsk. Nilakihan Niya ako ng mata kaya nilakihan ko rin siya ng mata at tinuro yung guard. Makiki chismis ako eh!

"Babye alis na kayo!" Sigaw ko sa kanila. Tinuro naman niya ako bago sila sumakay ng kotse. Yan ganyan makinig ka sa akin.

Pag ka alis ni Jian ay naki daldal muna ako kay Kuyang guard. Maaga pa naman eh. 6 pa lang naman. Abangan ko sina Joni hindi ko sila ma text kasi hanggang ngayon wala pa rin akong selpon.

"Morning Kuya Guard!" Bati ko.

"Ay Good morning rin Nene" Saad nito. Ako Nene aba Kuya Guard.

"Lori ho wag Nene ang kyoho eh!" Saad ko kay Kuya Guard. Natawa naman ito.

"Sino bang hinahantay mo? Nen—Lori?"

"Friends ko po hehe!"

May mga studyante na pag pasok ng gate ay diretso kay Kuya Guard. May inabot naman na notebook si Kuya Guard at ang mga studyante ay sumusulat doon. Para saan kaya iyon? Nandito kasi ako sa gilid pinag mamasdan sila. Ano kaya iyon? Raffle?

"Lorisus ang aga mo ngayon ah!" Saad ni Kuya Guard at inabot kay Lori yung notebook.

"Akala ko nga ho ay late na ako." Sagot nito at ngumiti. Hala ang cute. Hindi niya yata ako nakita.

"Bolaga!" Gulat ko sa kanila. Nawala ang ngiti ni Lorisus. Habang si Kuya Guard ay napa taas ang kilay. Ay attitude!

"Akala ko pumasok kana sa loob?" Tanong ni Kuya Guard. Umalis naman kaagad si Lorisus. Ayy hindi interesado sa chismis.

"Pasok na ako Kuya Guard!"

"Hindi mo na hantayin friends mo!" Umiling naman ako at nag paalam na para sundan na si Lorisus. Guguluhin ko na ulit sya.

Habang hinahanap ko kung saan dumaan si Lorisus ay nadaanan ko yung room nitong Karla nato. Kaya naman pag daan ko ay tinakpan ko ang mukha ko. Hindi ako takot sa kanya ayoko lang ng gulo. Tsaka maraming studyante sa daan at halos kumpleto na rin ang mga kaklase nya. Mamaya sugudin ako eh.

Paakyat na ako ng hagdan. Natanaw ko nanaman si Lorisus kagaya pa rin ng dati. Naka sandal sya sa gilid na parang baliw. Hobby niya ang sumandal sa pader. Hinahantay niya bang i-corner siya.

Habang pinag mamasdan ko siya dito sa baba eh may humawak sa balikat ko. Sino ka ba? "Huy Haven, Good morning!" Bati ko sa kanya. Tumingin siya sa taas at nangiti. Napano toh.

"Anong ginagawa mo dito sa hagdan. Bakit hindi ka pa umaakyat?" Tanong niya at ngumisi. Inalis ko pag kaka-akbay niya. "Hinahantay kase kita." Saad ko at ngumisi rin. "Sus palusot."

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now