Kabanata 9

9 1 0
                                    

***

LORIBETH ARMANI
Na badtrip ba siya? Bakit parang ang sungit niya sa akin ngayon. May problema ba?

"Lorisus. Galit ba si Haven?" Tanong ko sa kanya. "Bakit mo na tanong?"

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Wag mo na lang pansinin. Ganyan talaga yan."

Naka upo lang kami rito at halos mag init na ang puwit ko Dito. Wala kaseng teacher ang pumupunta dito. Ewan ko talaga kung bakit. Gusto lang naman namin mag aral at matuto, pero walang gusto mag turo sa amin. Anong oras na rin at halos mag alas onse na rin. Hindi rin nag sabi si Haven kung dating gawi naba. Kagaya nung sinabi niya nung nakaraan.

"Excuse me po?" Rinig kong sabi nung babaeng sa pinto. Si Thea! Hindi naman siya pinansin ni Haven. Ang weird nila ngayon.

"Yes?" Sagot ni Kaylen.

"Ah bakit nandito pa kayo? Hindi ba naka rating sa inyo na walang klase yung tatlong section. Kasama kayo don!" Rinig kong sabi nito kay Kaylen.

Pag alis ni Thea. Ay nag si labasan na Ang mga kaklase ko. Wala akong gagawin ngayon uuwe na lang ako sa bahay hehe. Saka makikipag-ayos pa ako kay Mama. Pinag bibigyan talaga ako ng universe. This is the sign na makipag-ayos ako kay Mama. Ano kayang lulutuin ko pag uwe. For peace offering!

Nakarating na pala ako sa baba kakaisip sa Lulutuin ko. "Lori." Tawag sa akin ni.. Lorisus.

"Bakit?" Tanong ko. "Kanina pa kita tinatawag. Hindi moko nililingon. Ano bang iniisip mo?" Galit niyang sabi.

Tinignan ko siya ng mabuti. Sobrang gwapo mo pala pag malapitan. Ngayon ko lang napansin. Matangos na ilong, medyo singkit na mata, salubong at makapal na kilay. Hugis pusong labi. And your fine jawline. Kaya hindi na kakapag-taka na maraming nag hahabol at nag kakagusto sayo. Kahit aso mag kakagusto at mag hahabol sayo.

"Hoy!" May kumakaway kaway sa mukha ko. "Ha?" Nilakihan ko siya ng mata.

"Kanina pa ako nag sasalita Dito. Ang Sabi ko kung may gagawin kaba."

"Meron, ipag-luluto ko si Mama. For peace offering." Lumakad na ako. Sinabayan niya naman ako lumakad. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako. "Sinungaling." Sabi niya.

"Actually hindi. Marami talaga akong problema. Kaya wag kana dumagdag. Joke!" Tumawa ako. Kumunot naman ang noo niya nakita ko yun!

"Alam ko isa mong problema." Tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa harap. "Problema sa Daddy. Diba?" Napa tingin naman ako sa kanya."Paano mo alam."

"Magaling ako eh." Sabi niya at ngumiti. Wait bakit nag iinit yung mata ko? Nawala ang ngiti sa labi niya. "Huy okay ka lang? May nasabi ba akong masama?" Humawak siya sa braso ko.

Nakasakay kami ni Lorisus sa kotse nila. Sabi niya ay sasamahan niya ako sa bahay at tutulungan sa pag luluto. Sabi ko sa kanya kanina na mag pa-alam muna ako kay Jian pero sabi niya ay kay Manong guard na lang daw. Dahil sasabihin din naman daw ni Manong guard kay Jian.

LORISUS RON
Sumama ako kay Lori para tulungan siya sa pag luluto. Hindi ko alam kung bakit, siguro kase may reason ako. Gusto ko lang ma kumpirma yung iniisip ko.

"Sir saan ho tuloy niyo?" Mang Toni asked me. Tumingin ako kay Lori. "Saan ka naka-tira?"

"Sa Armani villa." She answered. I know.

"Armani villa raw po Mang Toni." I said. Kumindat si Mang Toni sa akin sa front mirror. Alam niya. Buti na lamang ay naka tingin si Lori sa bintana.

"Lorisus pwede mag tanong?" She said and looked at me. I nodded. "Paano mo nalaman na problema ko si Papa?bukod kasi sa mga kaibigan ko at kay mama. Ikaw pa lang ang alam kong may alam din eh." She asked.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now