Kabanata 7

11 3 0
                                    

***

Pabalik kami ni Lorisus sa Classroom ng maka-salubong namin si Joni at Ada. Ngayon lang kayo? Grabe naman! Huminto kami ni Lorisus sa pag lakad at hinarap ko saglit itong mga ito.

"Hi teh boyfriend mo?" Kinikilig na tanong ni Joni. Napalaki naman ang mata ko at tumingin kay Lorisus. Umiwas naman ito.

"Friend ko." Sagot ko sa kanya. Oo assumera ako eh. Basta friend ko na siya!

"Ayy sayang." Nang-hihinayang na saad nito. Sumingit naman si Ada. "Friends to lover. Yarn!" Natawa naman sila pareho. Inirapan ko naman sila.

"Pikon ka nanaman. Pakilala mo na lang kami sa new FRIEND mo!" Asar ni Joni. Tumango naman itong si Ada. Kinalabit ko si Lorisus. Humarap naman ito."Lorisus. si Joni at Ada" Turo ko sa kanila. Ngumiti naman ito ng kaunti. Tipid talaga eh noh?

"Hello. Joni. Ada" Saad nito.

"Hello new FRIEND. Pogi" Saad ni Joni. Tumango naman si Lori.

"Hello Lorisus." Ngumiti si Ada.

"Una na kami bessy. See you sa canteen. Bye pogi!" Saad ni Joni. Kahit kelan talaga panay pogi eh noh?

Naka rating kami ni Lorisus sa tapat ng room. nauna siyang lumakad. Palakad na siyang papasok sa room at ako naman naka sunod sa kanya. Napa atras naman ito. Kaya nauntog ako sa likod niya. "Aray naman!"

"Si Ms. Raule!" Bulong niya. "Hayaan mo siya. Tara na."  "Gusto mo magalit yun?" Edi wag na.

Pasimple kaming lumakad papuntang hagdan para hindi kami makita ni Ms. Raule. Pero nakita kami ng iba naming kaklase pati si Haven. Maaga pa ah bakit andyan na agad si Ms. Raule?

"Guys pumasok na raw kayo." Lumabas si Haven. "Tago pa kayo kita naman kayo kanina." Pa iling iling na saad niya.

Nandito kami ni Lorisus. Naka tayo sa harap nilang lahat. Kahiya naman. Lahat sila ay tahimik na naka tingin kay Ms. Raule.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Ms. Raule sa amin at nag cross arms. Hindi kumikibo itong kasama ko. Tumingin naman ako kay Haven. Nilakihan niya ako ng mata. Wala ako masabi.

"Ma'am!" Tumaas ng kamay si Kaylen. Napatingin kami sa kanya. "Yes." Baling ni Ms. Raule sa kanya.

"Pumunta po silang clinic. Ma'am." Saad nito at tumayo. "Masakit daw po ulo ni Lorisus eh. Sakto naman po na pupuntang cr si Lori kaya siya na po ang sumama." Paliwanag nito at umupo. Tumango naman si Haven at ang iba. Naka hinga ako ng maluwag. Akala ko.

Tumingin si Ms. Raule kay Lorisus. Humawak naman si Lorisus sa ulo niya at kunwareng hinihilot. Humawak naman ako sa likod niya. "Okay ka na ba?" Tanong ko. Wag ka tatawa. Tumango naman ito.

"Oh ito ipahid mo sa ulo mo." May inilabas na Vicks si Ma'am Raule. Inabot niya ito kay Lorisus. "Umupo na kayo."

Uwian na namin. Nandito kami lahat ngayon sa room nag lilinis. Kaya pala nandito si Ms. Raule kanina kase sasabihin niya na wala kaming klase. Ang aga pa baka pag umuwe ako sa bahay eh sabihin nag cutting class ako. Balak kong puntahan si Joni at Ada dahil nabanggit ni Ms. Raule na tatlong section ang walang klase. At kasama ang section nila Joni at Ada.

Inaaya ako nila Haven na gumala kasama ang iba naming kaklase. Tumanggi ako dahil gusto ko mag pasama sa mga kaibigan ko para bisitahin si Papa tsaka hindi rin naman sasama si Lorisus. Kung sasama sana si Lorisus eh sasama rin ako para naman ma i-libre ko siya kung sakali. Pag papa-salamat na rin ganon. Naka limutan ko kase mag pasalamat sa kanya.

"Lori!' Tawag sa akin ni Joni hinantay nila ako sa gate ng school. Sabi ko kase sa kanila na mag papa-alam ako kay Jian. Para hindi niya ako hanapin at pagalitan.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now