Chapter 1 (Ang Sikat Na Social Media Influencer)

186 17 1
                                    

David's POV.

Magdamag akong naka-upo habang nag-sscroll sa social media accounts ko at habang ginagawa ko yun ay napukaw ang aking isip ng marinig ko ang patungkol sa pagtaas ng bilang ng Covid 19 patients.

"Halaa! Paano na tohh? Hindi na ako makaka-uwi sa Probinsya," ang pag-aalala ko habang nakikinig ng maayos sa balita.

Tumawag ako sa telepono upang kumustahin ang aking mga magulang doon sa Probinsya. Kaya kinuha ko ang aking selpon at tinawagan na sila.

"Hello! Nay!" ang una kong salita sa telepono.

At habang hinahawakan ko aking selpon sa aking taenga ay tila'y pautal-utal ang boses nito.

"H-hello A-a-a-anak," ang naririg kong boses galing sa telepono ng aking Ina. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya sa telepono.

"Ohh anak? Ba't ka napatawag," ginhawa ko ng malalim ng marinig ko na tuloy-tuloy ang boses ng aking Ina.

"Wala lang po, gusto ko lang pong  kumustahin kayo diyan sa probinsya," hindi ko alintana na magtatanghalian na ay wala pa akong ginagawa.

"Okay lang naman ako dito Nay! Nakakakain naman sa tatlong beses sa isang araw. Kayo ba, kumusta kayo diyan," boses ng aking Ina habang tinatanong ko ang kanilang kalagayan sa probinsya.

Nagpapasalamat talaga ako kay Lord sa pagpapanatili sa palaging pagbibigay niya ng malusog na pangangatawan sa aking mga kapatid at lalong lalo na sa aking mga magulang.

"Hindi talaga kami makapagpadala ng pera diyan kasi hindi matumal ang bintahan ng bigas dito, kunti lang yung bumibili! Pasensya na anak," wika sa kabilang linya.

"Ayy! Wag po kayong mag-alala dahil medyo nakaka-income naman po ako dahil sa pag-oonline selling ko. Ako nga dapat magpadala sa inyo diyan sa probinsya eh!" wika ko sa kabilang banda.

"Anak! Wag mo na kaming alalahanin dito! Okay lang naman kami. Ikaw kailan ka ba uuwi dito? At miss na kita at pati yung tatay mo," wika ng Ina ko sa kabilang linya.

"Matatagalan ata ako bago makauwi sa Probinsya dahil marami pang mga positibo sa Maynila tapos ang higpit pa ng ibang airport,"sagot ko sa Inay ko habang nanood ako ng balita sa sala.

"Ahh ganun ba? Segi mag-ingat ka palagi diyn, I love you," pagpapaalam ng aking Ina sa telepono.

Agad naman akong tumayo sa sofa namin at gumayak na ako upang magluto ng aking makakain.

At tila'y iisa lang naman ako sa bahay natoh ay kunti lang yung lulutuin kong pagkain.

Naisipan kong magluto lang ng sunny side-up na itlog para sa tanghalian ko at isang mainit na kanin.

At doon na muna ako kakain sa sala upang may libangan akong mapapanoodan sa telebesyon. Habang nag-sscroll ako sa aking social media accounts ay para may nakita akong website na pumukaw sa aking isipan.

At agad ko namang binuksan ito upang malaman kung tungkol saan ang website na ito. Pagkabukas ko ay napunta ako sa isang app store na kung saan pinapadonwload nila ako ng ganoong app.

At dahil sa aking curiousity ay napapindot na lang ako ng isang button na kung saan ito ang button ng pagdodownload ng app.

Naghintay muna ako ng ilang minuto upang mag pop-up sa screen ng aking selpon ang app na iyon na tinatawag na "Making Friends".

Pagkabukas ko ay kailangan pa palang magsign-in upang makapasok ka sa isang portal.

"Ano ba toh! Baka ma scam ako nito," ang paglabas ng aking curiousity sa aking isipan habang nag-aantay.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now