Chapter 24 (Kahibangan ni Kean)

8 0 0
                                    

David POV.

Natapos  ko nang kainin ang lahat ng pizza in just 30 minutes. Talagang 'yan ang mga matatakaw sa pagkain. But before I ate that box of pizza, I took a picture for documentation to be posted on my RP account.

Habang nabusog ako sa pagkain napag-isipan ko na i-open 'yong ideneactivate kong account sa facebook dahil wala akong magawa. When I open my real account from deactivation, nakita ko pa rin 'yong mga tagging ng mga netizens sa'kin, na-tap ko 'yong isang mentioned ng isang account accidentally and nag pop-up agad sa'kin ang mga salitang "Unavailable Attachment". Baka na i-delete niya 'yon o di kaya na report ni Facebook, bagay 'yon sa kaniya hehe.

While I was scrolling through my account nakita kong maraming na naman nagta-tag sa'kin or mentioned ng aking accounts in the exact time na binuksan ulit 'yong account ko. Sabay dumating agad ang aking nerbyos, na parang kumalat ng mabilisan. Ano na naman 'to, another viral na naman ba? Para ba talaga 'to sa'kin hehe! Mga tanungan na nasa isip ko.
I ignored the notification from tagging me from a nonsense things at para na rin hindi nila malaman na itong account na 'to ay may gumagamit na.

I secretly  changed my real name to an fake one, para hindi nila malaman na ako 'to at active pa siya. At lahat din ng information about sa'kin is nabura ko na from my main profile sa account ko.
And also napag-alam ko ulit na hindi ko pa pala na deactivate 'yong business account and 'yon deneactivate ko siya para hindi nila ako ma mentioned sa mga kabalastugan sa video na na-ipost ni Kean from his account. 

Mas napagtotoonan ko ng pansin ang RP account at nabibigyan ko ng oras 'yong freeny kong si JenMark. I'm frightened baka balikan agad ako ng mga masasamang komento ng mga netizens.

While I'm browsing, nagtingin-tingin ako sa newsfeed ko kung ano pa ang mga balita dito sa facebook, kasi nawala ako a week ago hhehe, wala an akong balita sa mga controversial issue dito. I refreshed my newsfeed because paulit-ulit na lang 'yong nakikita ko. Habang ako ay nags-scroll ay nakita ko ang isang live ni Kean, ha? Ba't hindi pa siya naka-block sa account na'to, I already blocked him noon, nang mag-away kami.

Exact time, nagsimula na siyang ipakita 'yong makapal na mukha niya sa screen ng phone niya.

"Hello Guys, sorry hindi ako nakapag-update sa inyo!" panimulang salita ni Kean while he was on screen.

Nakatutuk talaga ang aking dalawang mata sa screen ng phones.

Why he is doing that? Hindi pa rin makuha-kuha 'yong pagka-jjmon niya? As in nag live pa siya, for what reason?

"Andito po ako ngayon humaharap sa screen niyo~" paghintong wika ni Kean sa video habang tumutulo ang luha niya sa kaniyang mata sabay punas.

"Ahmm guy's sorry, emotional talaga ako hehe!" sabay singhot niya.

Ano ba na naman 'yong ginagawa niya diyan? Gumagawa na naman ba siya ng kahibangan or drama-drama lang?

Kung ako sa kaniya huminto siya ng ganiyan, hindi naman ata naa-apreciate 'yong mga ginagawa niyang video tignan mo 'yong mga post niya, tig iisa lang ang like heheh, kala ko famous na siya online hehe.

"Ahm-m I want to apologize for what I did to Mr. David, kung na nononood ka man ngayon Bestfriend, gusto ko lang humingi ng sorry sa'yo. Hindi ko talaga akalain na you would be offended sa ginawa kong video. I know words are not enough para mapatawad mo ako but sana ma-apreciate mo 'tong live ko!" saad niya sa live niya.

Ano na naman 'to, ginamit pa talaga niya 'yong name ko para lang makaani na naman ng milyon-milyon na views and react? Ano ako pokpok?na ginagamit lang pag gusto niya? Parang ako ata 'yong famous hindi siya, kapag ginagamit niya 'yong name mas dumadami yong tumitingin sa video niya hhe, poor Kean, aw-aw. And FYI, we are not best-t-t friend anymore.

Nakikita kong umiiyak si Kean sa sarili niyang video, ang kapal ng mukha, na humarap sa camera online. Ano naman ba ang pumasok sa kaniya kukuti na ginagawa niya 'yang kabalastugan. Wala na ba siyang magawa sa buhay? Kung ako sa kaniya, he will mind his own business and hindi dapat nakikialam.

"Na i-delete ko na po 'yong video sa Facebook account ko na 'to. Sorry kung natagalan ang pagbubura nito, I'm very, very sorry David!" patuloy na pagsasalita niya sa live.

Parang aso, tumatahol sa kapatawaran, never ever again! So pathetic!

"At sana wag niyo nang gawing mga memes 'yong mga picture niya sa video, and please don't you ever tag him in any prank video!" depensa niya sa'kin.

Ano ako? Mang-mang, magpapakatanga sa mga ginagawa ng mga followers niya sa'kin dahil sa video na iyon. Ang kasalanan ay kasalanan, hindi mo ito mabubura ng basta-basta dahil nakatatak ito sa utak ng bawat tao. Ano? Mabubura agad 'yong mga kagagawan mo sa'kin dahil sa live mo na 'yan! No! I won't. Talagang nagpatulong ka pa sa followers mo. Ay ang talino hehe.

Sabay ko  in-off 'yong kamang-mangan niyang live sa newsfeed ko kasi hindi ko gustong makita ang isang asong kaibigan. Ma-pride kasi eh heheh, he thought that I will very happy of what he'd done, hindi lahat ng joke nakakatawa.

Nilapag ko ang aking phone sa aparador upang kumuha ng malamig na  tubig sa refrigerator. Talagang nai-stress ako ng makita ko ulit 'yong pagmumukha ng plastik na iyon. Bumalik agad ako sa aking sala upang manood ng volleyball sa TV, even hindi siya live hehe kaysa naman manood sa katangahan ng Kean na 'yon sa live niya.

Ever since I was a child, gusto ko na talagang maging isang manlalaro ng volleyball. Noon, dumadayo talaga kami sa ibang Baranggay upang doon lang makipaglaro sa iba dahil sa Baranggay namin, bawal do'n because favorite nila 'yong basketbal kaysa volleyball, kaya naiirita talaga kami no'n sa kapitan namin sa barangay hindi kami pinapagbigyan na makapaglaro sa plaza, pero noon 'yon di ko alam kung nagpapalaro na siya ngayon hehe.

Idol ko non 'yong manlalaro na babae sa tv, kasi ang lalakas nilang pumalo. I miss playing volleyball on court, nasa probinsya pa ako no'n  ng last akong nakapaglaro at nang nandito na ako sa Maynila ni kahit 'yong paghawak ng bola ay wala na.

Hoping na makapaglaro na ako ngayon kasi medyo hindi na gaanong mahigpit ang mga awtoridad sa pagpapalabas ng mga tao sa kanilang mga bahay. Feel ko pwede na ata kasi mga bukas na ang mga park and mga mall heheh. Wala la atang nag-aaya sa'kin na makapaglaro sa court.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now