Chapter 5(Unang Pagpapakita Niya)

22 10 1
                                    

David POV

Habang sene-set up ko ang lahat ng kagamitan sa pago-online selling ay kumuha muna ako ng makakain para may energy ako mamaya.

Pumunta muna ako sa kusina upang tignan ko, kung anong available na ulam ang kayang lutuin.

Nakita ko ang isang hot noodles sa isang tabi at 'yon na ang ginawa kong ulam. Nagpainit muna ako ng tubig sa kalan, babalikan ko na lang ito at may gagawin lang ako sa place ng pagseset-apan ng aking online live.

Binalikan ko na ang aking nilulutong canton sa kusina, inilagay ko na ang loob ng canton at pinakuluan ko ulit ito at inilagay ko na ang lahat ng seasoning ng hot canton at unti-unti kong kinain ito.

Bumalik na agad ako sa aking live upang simulan na ito. Kinonsulta ko muna ang aking internet connection kung malakas ba o mahina.

"Hello! Guyss! Good Morning!"ang bati ko sa camera habang nakaupo ako sa gaming chair ko.

Tila'y mag-iisang minuto na ay wala pa rin akong viewer, rene-fresh ko ang aking phone at baka nagla-lag lang ito.

Naghintay muna ako ng ilang minuto para makapagsimula na ako ng aking online selling.

May kinuha lang ako sa aking cabinet na gagamitin ko sa aking online selling. Pagkabalik ko ay nakita kong may ilang mga viewers na ako on screen.

"Hello Everyone!Good Morning, Good Morning, hintayin lang muna natin na rumami pa ang ating mga viewers sa live dahil may mga bago akong mga collection na ipapakita ko sa inyo!" panimula ko sa aking live habang unti-unting dumadami ang aking viewers.

"Shout out sa aking 100 viewers, pwede na ata tayong magsimula ng ating online selling,"

Pagkatingin ko agad sa comment section tila'y may isa akong viewer na nagmine agad kahit hindi ko pa ipinapakita 'yong aking mga sales, papansin ba siya?

Yung username nga pala niya sa FB ay @Shownyme, hindi ko muna siya pinansin kasi baka scammer.

Nagpatuloy akong magsalita habang parami nang parami ang aking viewers.

"Okay guys! Nakikita niyo ba sa aking likod ang mga magagandang damit na iyon," sabay pagtayo ko sa aking gaming chair upang ipakita at i-introduce sa kanila ang aking ibebenta.

"Ito po 'yong bagong collection ng damit sa ibang bansa, matibay at maganda ang tela. Hindi kayo magsisi dahil ito rin 'yong sikat na mga design sa ibang bansa. I-mine niyo na po kong sino ang may gusto!" nakita kong ang rami ng nag-mine kahit isa palang ang aking ipinakita, sadyang nagagandahan ata sila. Hindi talaga ako nagkamali na bilhin ko ito kay Kean.

"Okay Guys! Isuslat ko na lahat ng nagmine ng t-shirt na iyon na kulay brown," pagsasabi ko sa aking mga viewers.

Inilista ko naman agad sa papel ang lahat ng nagmine sa products ko. At nagpatuloy akong mag-online selling habang ipinapakita ko ang ibang mga kulay at desinyo.

Habang tinitignan ko lahat ng nagmine ng products ko, napansin ko na naman ang user na si @shownyme, lahat nagmine sa products ko. Like! Halaa bakit? Feel ko ang yaman ata nito.

Habang patapos na ako maglive sa facebook ay ini-stalk ko siya if mayaman talaga siya! Hashtag Marites talaga ako hehehe.

As I saw his facebook account I was surprised because grabe 'uong like at views sa mga videos na parang ang famous nga. Kaya tinigilan ko muna ang pang-iistalk ko sa kaniya ehh baka malaman niya eheh at alam ko naman na mayaman siya eh!

Pagkatapos kong maglive sa fb agad ko namang tinapos kumain ng niluto kong hot canton kanina, medyo ang tigas na niya at tuyong-tuyo kaya ininit ko muna ito upang makain ko ulit, okay pa naman siya.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now