Chapter 7(Gala with Kean)

20 7 1
                                    


David POV

Kaya pagkatapos kong mag log-out sa account na 'yon ay kumain na muna ako.
Nagluto lang naman ako ng adobong manok upang pang-ulam ko na ngayon at mamayang hapon.

Ginisa ko muna ang bawang at sibuyas sa kawali ko at nang kulay kayumanggi na ay isinalang ko na yung mga manok upang pritohin ito. Hindi ko na hinintay na maluto yung manok at sinunod ko na ang paglagay ng tubig, dinamihan ko ito dahil gusto ko yung maraming sabaw na ulam, sabaw is life talaga ako hehe.

Nilagyan ko na ito ng toyo, suka pamintang bou at dahon ng laurel at tinakpan ko na ito. Habang pinapakuluan ko ang adobo ay naghiwa na ako ng aking secret na recipe ng adobo at ito ay saging na saba, talagang paborito rin ito ng nanay ko sa probinsya, lagi siyang naglalagay ng ganito.

Napacurious naman ako bakit kaya nilalagyan ng saba na saging yung adobo, lutong bilo-bilo bayun. But nalaman ko ng sinabi ng nanay ko na nagdadagdag daw ito ng tamis sa adobo kahit hindi muna lagyan ng asukal yan.

Now I know! Hiniwa ko na ang sabang saging at nilagay ko muna ito sa isang pinggan. Iksaktong kumukulo na ang adobo, naglagay na ako ng pampalasa, nilagyan ko rin ito isang sili para may sipa at tinakpan ko ulit ito. I was very excited na matikman ko yung paborito kong adobo, sana perfect yung pagkakaluto kagaya sa Nanay ko hehehe.

Pinakulo ko muna ang aking niluluto ng ilang minuto. Habang pinapakuluan ko ang adobo ay naisipan kung i-video yung niluluto pang my day lang sa FB accounts ko.

"Hello Vlog welcome to my Guys!"bati ko sa aking pagvivideo sa selpon ko sabay tawa ko sa aking baliktad na pagbati sa kanila.

"Ahh ito pala ako nagluluto ng adobo, ulam ko ngayong tanhali hehe. Hintayin lang natin kumulo ang ating adobo at hahainin na natin ito sa kahirapan. Ohh ito guys ilalagay na natin sa ito sa ating pinggan na may kasamang mainit na kanin perfect to guyss"sabay amoy ko sa aking niluto kung mabango ba.

"First Bite! Delicious!"una kong tikim sa aking niluto.

"Okay guys doon nagtatapos ang ating video. Bye!"ang jjmon ackcla nakakahiya. Sabay delete ko sa selpon ko ang mga video.

Niramihan ko ng sabaw ang aking kanin at isinabay ko na ang pagkuha ng saging na saba kasi perfect combination yun. Habang kumakain ako nanood muna ako ng movie sa selpon ko yung horror, favorite ko kasi yun charr! BL series 'yong lagi ko talagang sinusubaybayan, habang kumakain ako, 'yonñn talaga ang palagi kong pinapanood pagwala akong magawa at kapag kumakain ako because nakakakilig heheh.

Straight po ako, hindi ako bisexual sadyang mas good kung panoorin 'yong kakaiba, nakakasawa na kasi yung palaging babae at lalaki yung gumaganap sa mga palabas sa tv, like boring siyang panoorin. Disclaimer lang po hindi po ako basher sa mga ganoong bagay, sadyang gusto ko talaga 'yong unique at bago sa mga mata ko na mga palabas.

Yun 'yong kinaaadikan ko araw-araw kapag wala akong magawa.

"Ayy Thanks God! Solve yung araw," sabay dighay ko pagkatapos ng last bite ko sa pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain tinawagan ako ni Kean via video call.

"Hello David," tawag niya sa akin sa screen ng selpon.

"Ohh ba't napatawag ka? May problema ba?"sunod-sunod kong tanong kay Kean.

"Wala! Medyo boring lang ako sa bahay! Wala akong magawa dito. Like kain, selpon at tulog lang 'yong gawain ko dito dahil walang nag-aaya. Gusto sana kitang isama sa gala ko! G ka ba?" wika niya sa phone.

"Like! Yes For da goo! Kahit kumain na ako laban, food is life tayo, wag mag-inarte libre 'to. Eh lockdown diba?" replay ko sa kaniya on screen.

"Nope, hindi na siya gaanong mahigpit sa lugar na iyon, pwede na tumanggap ng mga tao do'n!" sambit nito.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now