Chapter 2( Mga Attitude Na Tao)

51 13 1
                                    

"What the H**k! Siya yung ipinakita sa akin ng kaibigan ko kanina lang, hindi ako makapaniwala!" sabi ko sa aking sarili habang hinahawakan ko ng mahigpit ang aking telepono.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa phone. Tinawagan ko ang aking kaibigan na tila ay hindi pa sinasagot ni Kean yung tawag ko.

"Besh!Besh!Besh!" ang pagtawag ko sa kaniya sa telepono.

Wala pa rin akong tinig na naririnig mula kay Kean.

"Nasaan na 'tong bwesit na 'to! Di pa rin sinasagot lahat ng tawag ko sa videocall!" ang pangalawa kong sigaw sa kaniya.

"Ano? Ang annoyed mo naman. Relax! Buhay pa 'to!" 'yon na nga sinagot na rin.

Minsan nakaka-irita talaga 'tong si Kean, laging busy eh, wala namang ginagawang maganda poro landi wala namang binatbat.

Pero sanay na ako no'n! Yong tatawag at papaghintayin ka ng matagal sa selpon kahit gising 'yon tulog-tulogan. Huy! bulok na style mo Daii! Hay naku buhay naman.

"Galit gustong manakit HAHAH!" sabay tawa ko sa kaniya na tila ay naiirita na sa akin.

"Huyy kup@l anong pakay mo? Bat ka napatawag," ani niya sa akin na parang gusto niya akong sapakin sa mukha.

"Wala ka bang pera ngayon besh? Tumahol ka muna! Aw- aw -aw,"

"Ouch muna namang magsalita sa maganda mong kaibigan," saad ko sa kaniya.

Pero sanay na siyang tawagin ako ng ganon ehh! Tapos balik agad 'yong tawag niya sa akin kung baga may tawagan kami ehee! Lover yarnn! Grabe 'yong halakhak ko nito habang pinagmamasdan ko siyang na nakanguso sa screen. Di na ako makapagsalita kakatawa ko sa kaniya.

"Ayy!! Daii attitude yarn," ang nakangising sabi ko sa kaniya.

Nagulat ako ng patayin niya agad aming komunikasyon sa isa't isa. Tinawagan ko ulit pero hindi niya ito sinasagot.

Kahit makailang tawag ko pa rin siya, hindi pa rin niya sinagot dahil ata 'yon sa pangungulit ko sa kaniya kanina at tila'y hindi ko na siya ma-message sa aking account. Ay di ko alam sa kaniya, di naman siya mabiro eh!

Maliligo muna ako at ako'y pupunta sa kanila upang manghingi sa kaniya ng kapatawaran pero plastik akong kaibigan. Agad kong isinout ang aking facemask dahil lalabas ako ng bahay. Kumuha muna ako ng pera kasi may bibilhin akong paborito niyang pagkain.

Kean House PoV

Kumatok muna ako sa kanilang pintuan upang magbigay ng respeto sa lalaking iyon.

"Tao po! Tao po! Na mamasko po! Tao po!" ang biro 'kong pahayag habang ako ay nasa labas ng kanilang bahay habang bitbit ko ang isang balot ng chichiriya.

"Sino yan? Bawal makapasok ang mga panget na katulad mo!" wika ni Kean habang siya ay nasa tapat ng pinto.

Alam niya na ako 'yon dahil sa aking boses na narinig niya.

"Papasukin muna yung gwapo mong kaibigan at baka mahuli pa ako ng tanod dito!" ang pakiki-uusap ko sa kaniya.

"Ayoko! Ano ka sinuswerte? Baka nahawaan ka ng sakit at papasok ka sa bahay namin! makaperwisyo ka pa niyan!" ang wika ni Kean na may halong pang-iinsulto.

"Parang others naman nito! Biniro lang kita kanina! Joke ko lang 'yon sa'yo. Pumunta nga ako dito para humingi ng sorry! Ohh nagdala pa ako ng paborito mong chichiriya. Segi na please!"  plastik kong sabi sa kaniya.

" No! You are not allowed to enter our house unless-s-s-s sisigaw ka diyan!" ang pagsusungit ni Kean sa akin.

"Edi wag! Kong ayaw mo! Edi dadalhin ko na 'to sa bahay ko!" sabay pag-atras ko sa kanilang pintuan na nakasara.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now