Chapter 3( Talambuhay ni Kean)

38 12 1
                                    

David POV

Makalipas ang ilang oras ay hinabol niya ako sa loob ng kaniyang kwarto and I was feeling tired kakatakbo and naisipan ko na lang, I will give her clothes immediately. Kasi parang awa na awa na ako sa kaniya. And it was the end of our kulitan.  He was immediately dressed up with cloth.

"Ang tindi mo David! Hayst nakakapagod kang habulin. Tila'y mawalan ako ng lakas!" wika niya habang papunta sa kusina upang uminom ng tubig.

"Bigyan mo nga rin ako ng tubig! Yong malamig," ani ko habang nakaupo sa kaniyang sofa.

Ibinigay niya agad ang tubig na hiningi ko sa kaniya. Tila'y ang tagal niya sa kusina habang hinihintay ko siya bumalik. Dahil sa labis na pagtataka'y sinundan ko ang mabango na amoy na nanggagaling sa kusina.

"Ano kayang mayro'n? Bakit ang bango ng pagkain na niluluto ni Kean?"ang pagtataka ko habang tinitignan ko ang lahat ng naka display sa kaniyang sala.

Nakita ko 'yong isang family picture nila sa isang mahabang misa. Ba't parang wala si Kean doon sa family picture nila. Nagtataka tuloy ako ba't ganon.

Di kalaunan ay dumating na si Kean galing sa kusina na may daladalang pagkain.

"Kean!"tawag ko sa kaniya habang binababa niya ang kaniyang dala.

"Ano?" replay ng binata.

"Ba't di ka kasama sa family picture niyo," pakiwari ko sa kaniya habang matusok na tinitignan ko ang kanilang mga larawan.
"Ang rami pala niyong magkakapatid, ang sipag ata ng tatay mo," biro ko sa kaniya.

"Wag na nating pag-usapan yan, past is past," ang agad niyang paghablot ng picture frame sa aking mga kamay. Tila'y ako'y nagulat doon sa ginawa niya.

"Bakit ayaw nating pag-usapan family mo? Is there something wrong?" ang sunod-sunod kong tanong kay Kean.

"I said wag na nating pag-usapan ang hindi dapat pag-usapan!" pagbabanta niya sa akin na medyo nagagalit.

"Please! Please! Please," pangungulit ko sa kaniya.

Medyo kinakabahan ako nito at baka talagang seryoso na siya. Kaya medyo nanahimik muna ako at baka masapak ako nito hehe. Napaupo na lang si Kean at tila'y nawalan na siya ng gana.

"Panganay ako sa labing apat na magkakapatid. Ang rami diba? Kahit naghihirap na kami sa probinsya non, laging dagdag ng dagdag 'yong mga magulang ko. Hayst buhay nga naman! Pero kinaya ko lahat ng sakripisyon sa bukid, 'yong init, gutom at pagod. Kasi alam ko na pagsubok lang ito. Habang patanda ng patanda na ako namulat ako sa isang mundong mapanghusga, lahat ng lang ng makikita nila sa isang tao ay huhusgahan nila. Lagi ako umuwi sa bahay ng maaga sa kadahilanang binubully nila ako doon. Sinusuntok, sinasampal at 'yong malala pa do'n kinukuha lahat ng gamit ko na pinaghirapan ng aking magulang. Kaya huminto ako ng pag-aaral kasi feeling ko I wasn't belong there, pang mayaman lang kasi 'yong pag-aaral, 'yong medyo nakakaangat-angat na pamilya 'yong bagay doon. Tiniis ko lahat para lang may makain kami araw-araw, lahat ng sideline pinasukan ko kasi ito na yung way upang makapera ako at matulungan ko ang aking mga magulang," pagkwe-kwento ni Kean sa'kin habang napalingon ako sa kaniya.

"When I was 17 yrs.old may nag-offer sa akin ng trabaho sa Maynila, talagang nagulat ako sa sinabi ng aking mga magulang, bilang isang panganay sa magkakapatid. Nagbigay na ng pera ang kaibigan ni Papa ng pera upang pamasahe ko sa Maynila, iyak ng iyak ako non dahil mapapahiwalay ako sa mga magulang at kapatid ko, but it is the only way, kaya tinanggap ko ang trabahong iyon. And that's the time nakapagpadala na ako sa mga magulang ko sa probinsya. Lahat ng mga gusto kong bagay ay na bibili ko na dahil sa trabahong iyon. Like I was surprised! At my young age nabibigyan ko ng pera 'yong magulang ko. At doon naisipan kong, ako naman!" tuloy-tuloy niyang pahayag sa'kin.

My Secret Admirer [Unedited]Where stories live. Discover now